Monster ♂ Chapter 33

Justin's POV

Buong araw, habang nagtatrabaho ako ay si Chloe lang ang tanging naiisip ko. Hindi ko inaakalang aabot kami sa ganito. Itinuring namin siyang parang kadugo at kahit kailan ay hindi ko inisip na ampon siya. Para sa akin, siya pa rin ang Prinsesa ko. Siya ang bunso namin. Pero hindi naman namin pwedeng itago sa kanya ang lahat. Kahit na ayaw kong malaman niya, wala na kaming magagawa dahil narinig niya kaming nag-uusap. Kung sana sinabi namin kaagad sa kanya, hindi siya masasaktan nang ganon.

Pag-uwi namin sa bahay ay wala pa si Chloe. Dapat sa mga oras na ito ay nasa bahay na siya. Palagi naman siyang nagpapaalam kapag malelate siya ng uwi kaya naman agad akong tumakbo patungo sa kwarto niya at una kong tiningnan ang closet niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nandito pa ang mga gamit niya.

“Kasama daw niyang umalis si Saturn kanina sabi nung kapitbahay natin.” sabi ni Kuya Steff.

“Kanina pa daw ba silang umalis?” tanong ko sa kanya. Nag-aalala kasi ako kay Chloe. Bigla kasing bumigita ang pakiramdam ko, eh.  

"Kanina pa daw." sagot ni Kuya Harris.

Naupo kaming tatlo sa may couch sa living room. Pare-pareho kaming tahimik at malalim ang iniisip. Maya-maya habang nag-iintay kami na dumating si Chloe ay nag-ring ang telepono ko. 

Napakunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Saturn na nagfaflash sa screen. Bakit naman kaya? Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako at nanginginig ang kamay kong itinaas ang telepono sa aking tainga.

"Hello? Saturn? Napatawag ka?"

Ilang minuto munang katahimikan bago siya nagsalita.

[J-Justin.] his voice shook. It’s like he’s crying and I have a bad feeling about this. [S-Si Chloe, n-nasa ospital.]

“What?! Sh_t!”

Hindi ko na inantay pa ang eksplanasyon niya. Tumayo na ako at lumabas ng pinto. Nagtataka namang sumunod sa akin ang dalawa. Sakto namang dumating na sina Mama at Papa.

"Anong nangyari, Justin?" tanong ni Papa pagkababa niya sa sasakyan.

"Chloe is in the hospital and we should go there right now!" sigaw ko.

Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila. Agad akong sumakay sa aking kotse at binilisan ang pagmamaneho hanggang sa makarating na kami sa ospital. Naabutan namin si Saturn sa labas ng Emergency Room. Nakatuon ang siko niya sa kanyang hita at ang kamay niya ay nakasalo sa noo niya.

Basang-basa ng luha ang kanyang pisngi. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Naaawa ako sa kanya. Mahal na mahal niya si Chloe at nakikita ko iyon sa kanya. Kung tutuusin, napakswerte nilang dalawa sa isa’t-isa pero hindi sila pwede. Ano na lang ang gagawin niya kapag nalaman pa niya ang totoo?

"What happened?" tanong ni Kuya Harris sa kanya nang makalapit kami.

Tumunghay siya. He looks horrible. Namumukto ang kanyang mga mata marahil sa kaiiyak.

“She was bumped by a car. I-It’s my fault. Hindi ko siya binantayan ng maayos. Kasalanan ko kung bakit siya nandyan ngayon” naghy-hysterical na sabi niya.

Nilapitan siya at niyakap siya ni Mama. “Everything will be okay, Saturn. This is no one’s fault. Please don’t blame yourself.” pag-amo niya. “Chloe is strong enough to survive this. She doesn’t want to see you cry so wipe your tears and let’s just pray. That’s the only thing we can do for now.”

Tumango lamang si Saturn at pinunasan na ang luha sa kanyang mga mata.

I can’t blame him. Kahit ako ay naluluha na sa sobrang pag-aalala. Hindi ko kakayaning mawala ang kaisa-isang prinsesa ko. Mahal na mahal ko si Chloe na parang tunay kong kapatid.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!