Chapter 42: The comeback

364K 8K 712
                                    

 Chapter 42: The comeback

---

"pudge gising na...." ang ganda ng boses ni tin, inantok pa tuloy ako lalo. "pudge! huy tanghale na! bakulaw talaga oh, tulog mantika!" bigla kong binuksan yung mata ko, nakita ko siyang nasa harap ng mukha ko! HAHA gulat na gulat si payatot! gusto pa ata akong halikan eh.

"hayyy! aga aga panget agad nakita ko! ano ba yan?" haha, ma asar ka pa please?

"ah ganun? sige wag kang kakain ng luto ko ah! tseee!!" tas tumakbo siya agad palabas ng kwarto. haha asar talo talaga yun! maka bangon na nga, tska teka lang sabi niya nag luto daw siya? NAG LUTO?! eh hindi naman nag luluto yun eh, pancake lang alam nun lutuin, minsan pa nga over cook pa. Napatayo tuloy ako agad sa kama na tinutulugan ko. Syempre si miguel katabi ko, hindi naman pwedeng si tin, haha!

Pagkababa ko ng bahay, nakita ko sila tita at tito sa garden nag kakape, si ace naman kaka alis lang, ihahatid si sarah sakanila. Tapos ang daming food sa lamesa, haha! ano kaya niluto neto ni panget?

"huy panget! asan ba dyan niluto mo ha?"

"panget ka dyan! wag kang kakain ah!"habang nakatalikod si tin, niyakap ko siya.

"panget ka nga, mahal na mahal naman kita, lugi pa pudge?"humarap agad siya sakin, tapos ang sama ng tingin niya. Haha! asar talo na naman to. "asan na yung niluto mo?"

"ayun oh, ehhhh wag mo lalaitin ah?" nilapitan ko agad yung omelet, kung titignan talaga hindi maganda eh. Napalunok pa ko bago ko tinikman.. hm.... waaaaaaaa!!! maalat masyado haha. "pudge, masarap ba?" ano kaya sasabihin ko? baka malungkot kapag sinabi kong hindi eh.

"ah oo masarap.. kaso bawasan mo lang yung asin ok? medyo ma alat eh.. pero masarap naman eh..."

"alam mo pudge? mahal mo talaga ko nuh?"

"huh?"

"eh kasi hindi naman yan yung niluto ko eh, niluto yan ni miguel, natikman ko na yan, hindi talaga masarap... eto yung niluto ko oh, lasagna pudge..." aw epic fail.

"ah haha!!! joke lang kaya yun pudge..." Kumuha agad ako ng spoon, tapos tinikman ko yung lasagna. Hmmm... Masarap naman eh, lalo na first time niya mag luto.. "Pudge alam mo eto na pinaka sarap na lasagna na natikman ko, talo yung sa mga resto eh.."

Nilapitan niya ko, tapos niyakap niya ko ng sobrang higpit.. "i love you miggy..." Niyakap ko lang din siya ng mahigpit tapos hinalikan ko siya sa noo niya, "i love you tin... i love you so much.."

"wow ang aga aga, nilalanggam na agad yung bahay ko?" pareho kaming nagulat ni tin nung nag salita si tito ed, nag katinginan tuloy kaming dalawa ni tin, tapos naka ngiti lang kami. Haha! namumula pa siya.

"ano ka ba naman papa? okey lang yun, magkayakap lang naman silang dalawa eh, ikaw naman oh.. KJ ka!" tapos kumindat samin si tita ann, haha! nakakatuwa talaga si tita ann, napaka cool. Na miss ko din tuloy si mommy. Sana andito siya para makilala niya sila tin.. :(

"nako ann napaka konsitidora mo talaga, kumain na lang tayo.. yung dalawang kapatid mo hinatid pa yung mga girlfriends eh, hays! lahat ng anak ko umiibig na.."

"papa naman nag emo pa eh.. dali na kainin niyo na yung lasagna ko!" naka upo na kaming apat sa lamesa kaso tumunog yung phone ni tin.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon