Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 4

6.8K 296 90
                                    

Chapter 4


I watched Douglas and the family who went for an activity here on the beach. That's an opportunity for me to know what kind of activities they do here on this beach. Alam kong marami pang activities ang pwedeng magawa rito sa Palawan. I wanted to try these activities, but I needed to do my job first.

When they all seemed getting board on to the boat, agad akong tumakbo papunta sa direksyon nila.

"Arf arf!" tawag ko kay Douglas.

Agad namang lumingon si Douglas sa akin saka niya tiningnan ang paligid niya kung may iba pa ba akong tinatawag. He even pointed himself, creasing his forehead as confusion sets in his face.

"Ako ba 'yong tinatawag mong arf arf?" naguguluhang tanong nito nang makalapit ako sa kanya.

"Yup! Ayaw mo ba?"

Napakamot ito ng ulo. "Meron naman akong pangalan... Douglas, remember? Pwede mo naman din akong tawaging baby. Short, sweet, and easy to remember. Ginawa mo naman akong aso, e."

I scrunched my face. "Ay, hindi ba? Akala ko pa naman. But anyway, hindi rin kita tatawaging baby so 'wag kang mag-assume. Let me just call you arf arf."

He sighed, shaking his head. "Sige, Quarantine. Ikaw bahala."

"Excuse me? Ano'ng tinawag mo sa akin?"

Tumaas nang bahagya ang kilay nito. "Quarantine? 'Di ba 'yon ang pangalan mo? It suits you rin."

"Adik ka! Corentienne ang pangalan ko. Hindi Quarantine. Adik ka ba?"

Tumango ito at sumang-ayon sa pangunguwestiyon ko sa kanya. "Pwede rin... 'Wag kang mag-alala, I'll take you in moderation para hindi ako ma-overdose." Pinanliitan ko siya ng mata as if his joke was funny. It was terrible. "But your name sounds like it naman so... I think it's okay?"

"I have a name—"

"I do, too." Pagtaas pa ng kamay niya. "If you agreed to call me love, then I call you mine."

"Alam mo, ang lakas ng trip mo. May gusto—"

"Ka sa akin?" Lumapad ang ngiti nito. Pati cheekbone niya ay kitang-kita ko na sa klase ng ngiti niya. "Naku. Ito naman. Umamin ka kaagad. Dapat nagpakipot ka muna sa akin. Okay lang naman sa akin na suyuin ka araw-araw, e. Bumigay ka kaagad sa charms ko."

I showed no reaction to him. Bagsak na bagsak ang expression ng mukha ko. Hindi ako natutuwa o kung ano man sa mga pinagsasabi niya ngayon. It's not funny. It's not something should be laughing about.

"So, Quarantine?"

"Isa pa."

"Quarantine."

"Ulitin mo pa," nanggigigil kong usal.

Napangiwi naman ito. "Quaran—"

Hampas sa braso ang inabot niya sa akin at kung itinuloy niya pa 'yon, baka hindi lang hampas ang ginawa ko.

"Hindi Quarantine ang pangalan ko. Don't make something fun out of my name. Hindi iyon nakakatawa."

"Oooh..." he swooned. "And then it's okay for you to make fun of mine? Grabe siya!"

Tumango ako. "Yup."

"I see..." he said, nodding his head. "This is nice. What a conversation. Okay. See you around."

Bigla na lang akong tinalikuran ni Douglas at iniwan sa kinatatayuuan namin. Hinabol ko siya ng tingin at dadaluhan na niya iyong pamilya na naka-sched for an activity pero hinabol ko siya. Hindi naman siya kahabol-habol, but I guess sa part na 'to ay kailangan ko siyang habulin.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Jacob, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Jacob
@Imcrazyyouknow
Twenty-four-year-old travel blogger Cory Dimaranan is tasked to seek...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 33 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Imcrazyyouknow.
Seeking Wonders in PalawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon