Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 3

6.4K 251 76
                                    

Chapter 3


"Bwisit ka! Bwisit ka!" Patuloy kong pinaghahampas ang lalaking binigyan ko ng CPR.

"Pagtadeng!" sigaw nito na patuloy na iniilagan ang bawat hampas ko sa malaman niyang braso. (Stop!)

Agad akong tumayo mula sa pagkaluluhod sa buhangin, saka ko siya sinipaan ng buhangin na agad niyang iniwasan dahil sumakto sa ulo niya ang pagkasisipa ko.

"Grabe ka! Harassment 'yon!"

"Hala?! Paanong harassment 'yon?" gulong-gulo nitong tanong sa akin. Dahan-dahan na rin siyang tumayo mula sa pagkasasamlampak sa buhangin. Para siyang ready to fry na hotdog na nirolyo sa breadcrumbs dahil nagkalat ang buhangin sa katawan niya.

In fairness, ang fit niya.

I immediately swayed the thought out of my head. I washed it off. Hindi ko kailangan ng ganitong eksena ngayon. Sinubukan niyang maglakad papalapit sa akin, but I raised my hand to stop him from walking near me. I wouldn't let him get the chance to kiss me again—well, I did. Pero. Basta!

"Diyan ka lang. 'Wag kang lalapit! Sisigaw ako rito," pagbabanta ko pa. "You wouldn't like kapag sumigaw ako ng manyakis dito."

"Nagtataka lang ako? Pa'nong harassment ang ginawa ko? You're the one who kissed me there," aniya na may kasama pang pagturo kung nasaan siya nakahiga kanina na para bang walang malay. "Tahimik lang ako ro'n. I was just laying down there... then you came—"

"Stop. Stop! But you didn't say anything. Hindi ka humihinga kanina and so I stepped in to help you! I know I had good intentions!"

"Corentienne, right?" Sinubukan pa nitong iliko ang usapan.

"'Wag mong ibahin ang usapa—" Natigilan ako nang ma-realize kong binanggit niya ang pangalan ko. "Teka! Bakit mo alam pangalan ko?!"

"O, Ma'am, kalma ka lang! Hindi mo ba ako natatandaan?" Kindat pa nito sa akin sabay swabe ng daliri sa kanyang bibig.

Kumusot ang mukha ko sa sinabi niya hanggang sa unti-unti ko ring naalala kung sino siya. Naningkit pa ang mata ko para lang makasigurado ako. Nilapat ko sa hangin ang kamay ko at tinakpan ang upper face niya upang makilala ko. Muntik na akong mapamura nang makumpirmang siya nga iyong driver ko kaninang umaga na sumundo sa akin sa airport.

"Ikaw nga! Douglas?"

"Naks naman, Ma'am! Naalala mo pa? Ka-remember-remember talaga ako, 'no?"

Umirap ako. Masyadong mahangin ang lalaking 'to. 'Kala mo sobrang presko, porque ba maganda ang katawan kailangan nang maging mayabang?

"So, ano'ng ginagawa mo rito sa Discovery Island, Ma'am? Bored ka na ba sa hotel mo? If you don't know, the hotel you've been staying with ay isa sa mga kilalang hotel and resort dito sa Coron. You are in the best accommodation."

"Hindi ko naman tinatanong."

"Mabuti na 'yong alam mo, Ma'am!" Ngiti pa nito sa akin. "Kung may gusto ka pang malaman, tanungin mo lang ako."

"No, thanks."

"Kahit ano, Ma'am."

"Okay. Sige. Bahala ka."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na akong simulan ang trabaho ko. I haven't heard a word from Miss Jenica pa, but even without her go signal ay kailangan ko nang gawin ang mga dapat kong gawin.

I started taking pictures of the area. Maganda ang buhangin. Pino gaya ng sa Boracay. Mapuno sa bandang likuran ko. Ito yata iyong binanggit sa akin n'ong tricycle driver na nasakyan ko na may trail daw around this island. It might be around pero nandito na naman ako sa beach side, so I think this was enough to showcase the area.

Seeking Wonders in PalawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon