Magaalas tres na ng madaling araw ng magising ako.Nang sulyapan ko ang kasama ko sa kwarto ay mahimbing na itong natutulog,sabagay ay labing tatlong oras din ang itinulog ko
Sa hinaba ng oras ng nakatulala ako sa kisame, ay napagpasyahan ko ng bumangon dahil nakakaramdam na ako ng gutom.Papalapit pa lamang ako sa kusina ng may matanawang papel na nakadikit sa ref
It was from Elise
I don't want to wake you up ate.There's a pasta in the fridge,i cook it for you.Just heat it before you eat.
-Elise
Nang mabuksan ko ang ref ay nakita ko ang pasta na sinasabi niya,ngunit hinayaan ko lamang ito
You're a kind girl,but stop wasting your time.I hope this will be the last time you'll cook for me
Kumuha lamang ako ng tubig at ilang mga prutas bago ko ito isinarado at pumuntang balcony para doon kainin ang mga ito.
Payapa at matahimik ngayon ang buong lugar ngunit may kadiliman,bukod kasi sa munting ilaw ng lampshade sa aking kwarto,ay ilaw sa mga unang palapag ng bawat gusali lamang ang liwanag na makikita rito.Tama lang rin naman ito upang maging komportable ako sa pagkain ko dahil ayaw kong nakikita ng iba.Ang tanging problema nga lamang ay kahit na balot na balot ang aking katawan ay ramdam ko pa rin ang lamig dito sa labas
Samantala,sa gitna ng pagkain at pagsiyasat ko sa paligid ay bumukas ang pinto papasok sa lugar na ito at lumabas ang isang lalaki.Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito ngunit kahit malayo at may kataasan ang kinaroroonan ko,ay kitang kita ko ang ilang segundong pagsulyap nito sa gawi ko,bago ito nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa isa sa dalawang gusaling pinagigitnaan ng hardin na may kulay itim na bandera
People here are good
I wonder how it will excite me
Bago pa tuluyang lumala ang aking kuryosidad ay tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik sa loob,gaya kanina ay ganoon parin ang posisyon ni Elise ng iwan ko.Tsaka ako pumunta sa basurahan upang itapon ang plastic na pinaglagyan ng mga prutas at naghugas ng kamay para magsimula na sa pagaayos ng gamit ko sa pagpasok mamaya.
Ives pov
Its exactly 6:30 o'clock in the morning
Are you done?
I'll wait for you outside
Pag memensahe ko kay Aedra.
Our class starts at eight o'clock,but we used to wake up early, so we could eat breakfastMay iilan na rin akong nakakasabay at nakakasalubong na estudyante sa pagbaba ko,ang iba nga'y bumabati pa sa akin,lalo na ang mga kababaihan.
Nang makalabas ako sa building ay sakto namang natanawan ko si Aedra kaya agad akong kumaway sakaniya
And as usual she's wearing a hoodie jacket that looks like a dress to her.
Well,Aedra is not that small,if im not mistaken her height is 5'5.Is just,that dress is way too big for her.Pero wala naman akong magagawa sa suot niyang ito
"Goodmorning máesta" Pagbati ko ng makalapit ito sa akin,tumango naman ito bilang kaniyang sagot tsaka kami nagpatuloy sa paglabas papunta sa cafeteria
"How's your sleep?"
"Good"
"Ofcourse,that's a very long one,you didn't even eat dinner no?
"Yeah"
"Tsk. anyway,may i see your schedule?" Agad naman itong dumukot sa bulsa niya at iniabot ang laman nito sa akin
