Wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Tama siya, sa pagkakakilala ko kay Maui ay malulungkot iyon kapag isinauli ko pa ito sa kaniya. Kakausapin ko na lang siguro siya kapag nagkita kami.

"Let's go? Iniintay na nila tayo" gusto ko pa sanang itanong kung sino pero dirediretso na siyang naglakad kaya sumunod na lamang ako.

"Baby, Mom and Dad wants to have a dinner with you tomorrow" napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ipagluluto ko ulit sila ng caldereta dahil iyon ang pangako ko sa kanila. "With my uncles"

Ang huling sinabi niya ang nagpatigil sa akin. Uncle? Iyong Daddy ba ni Maui ang tinutukoy niya? Nahulog ako sa pag iisip hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant kung saan siya nagpareserve.

Sinunod naman niya ang gusto ko na huwag gaanong mamahaling restaurant ang piliin niya.

"Tara?" inabot ko ang kamay niyang nakaalok sa akin at sabay kaming pumasok.

Iginaya kami ng waiter palapit sa isang table. Malayo pa lang ay tanaw ko na kung sino ang mga maroon. Napaawang ang labi ko ng makita ang mga kapatid ko doon pati si papa. Bihis na bihis sila at kitang kita ko ang galak sa kanilang mga mata.

Parang matutunaw ang puso ko ng makita kung gaano sila kasaya. Napahinto ako sa nakita, naluluha akong bumaling kay Uno na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"U-uno, bakit n-nandito sila?"

"It's your birthday baby. I know you'll be happy spending it with me, but I know you'll be happier spending it with them too. It's my treat for you and my future family."

Uminit ang puso ko sa ginawa niya, hindi niya nabanggit sa akin na kasama ang pamilya ko. Parang dahil doon ay mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa paraan kung paano niya irespeto at mahalin ang mga taong mahal ko ay sobra sobra na para sa akin bilang regalo.

"Shall we?" pinahid niya ang luhang nagbabadya sa mata ko bago kami dumiretso doon.

Nang makalapit ay agad akong binati ng mga kapatid ko pati ni papa. Manghang mangha sila sa lugar na ito, ngayon lamang kasi sila nakapunta sa ganitong lugar. Ilang beses na kasi ako ni Uno nadala sa ganitong klase ng restaurant.

"Wow! Ang daming pagkain"

"Salamat kuya ha!"

"Kumain kayo ng marami ha! Wag kayong mahiya" ipinaghiwa pa ni Uno ng steak ang mga kapatid ko. Ako naman ay nananatiling pinagmamasdan sila. "Tito, kumusta naman po ang trabaho?"

Kaswal lamang silang nag uusap ni papa habang ako ay inaasikaso ang mga kapatid ko, hindi ko pa rin gaanong nagagalaw ang pagkain ko, pero kahit ganoon ay hindi ako makaramdam ng gutom dahil ngiti pa lamang nila ay busog na ako. Makita lamang sila na ganito kasaya ay sapat na.

"And here's for my baby" nilapag niya sa harapan ko ang steak na hiniwa niya para sa akin.

"Salamat"

Buong dinner ay masaya ang puso ko dahil buong gabi ay nakangiti ang mga kapatid ko at kita ko rin na masaya si papa. Hanggang makauwi ay iyon ang bukambibig nila, hanggang sa makatulog.

Hindi pa umuuwi si Uno at nakatambay kami sa balkonahe namin. Nakatitig kami sa kalangitan na timabunan ng ulap ang bituin at buwan.

"Are you happy?" bulong ni Uno mula sa likuran ko. Hindi ko napansin na nandoon na pala siya.

Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya habang nakasandal sa balikat ko ang ulo niya.

"Sobra, sobra" napahawak ako sa kwintas na suot ko. "Maraming maraming salamat Uno"

"Ako dapat ang magpasalamat sayo Mei. You don't know how tiring my life is despite of having real friends and supportive parents. I'm just so tired , so exhausted, and was about to give up, but then you came out of nowhere." Naramdaman kong hinalikan niya ang sentido ko. Nagagawa niya iyon dahil masyado siyang matangkad kumpara sa akin. "You're like an angel, you changed me and you made me go back to my track"

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ganoon din ang nararamdaman ko para sa kaniya. Siya ang naging tagatulak ko kapag hindi ko na kaya, siya ang tagabuhat ko kapag malapit na akong matumba, siya ang kasama ko kapag kailangan ko ng pahinga.

"Happy anniversary" humarap ako sa kaniya para salubungin ang titig niya.

"Happy anniversary and Happy Birthday my baby, I promise not to leave nor give up on you. I'm all yours, just yours." kasabay noon ay ang paglapat ng mga labi namin.

Totoong nakakapagod mabuhay, pero kahit anong pagod ang maramdaman ko, hanggat nandiyan siya sa tabi ko sa tingin ko ay kakayanin ko. Ang sarap magkaroon ng isang Uno, parang ang hirap pakawalan, parang mahirap iwanan.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now