Chapter 2
Welcome to Coron, Palawan...
When I've heard the announcement as soon as we've landed, kinilabutan ako. Para bang music to my ears—ang sarap lang pakinggan. Feeling ko wala nang mas sasarap pa sa free travels na ginagawa ko ngayon.
I've never been in this place before. Kahit na gustong-gusto kong bumisita rito, I just got no time and I felt like I had no interest before pero ngayon na ang trabaho ko ay about seeking travel destinations, everything was new to me. It was my job to discover new things.
Para bang nangapa ako sa ganitong trabaho before, but one thing I loved about this job was that I've got to meet new people and know their story and of course, the place where they live and what kind of life they have been living these past few years.
I feel like I've been plowing a pile of history and it's my job to let the world know about it. It's in my hands now. Sabi nga ni Danny, kapag may ginawa akong katarantaduhan, everything will fall on me. Nasa palad ko ang ebidensya.
"Shit," I hissed, paulit-ulit na tinawagan ang phone number ng magsusundo sa akin ngayon. Everything was organized by the company on a very last minute, at ngayon lang na-cascade sa akin ang lahat ng detalye. Hindi ko pa nga nakukuha mismo kay Miss Jenica ang magiging highlight ng topics ko for this. "Sagutin mo na, please..."
After ten and then twenty minutes had passed, the driver still hadn't answered my call and I'd been sweating so badly. Nakakaloka. Ayokong magkaroon ng bad moments kaagad dito sa Palawan.
Please, Lord, kararating ko lang!
I was still inside the o mas kilala bilang Busuanga Airport dito sa Coron. Pagkalapag ko kasi dapat ay ihahatid na ako sa hotel na tutuluyan ko for a few days. Pagkatapos kasi rito sa Coron ay pupunta pa ako sa Puerto Princesa at El Nido.
Kapag wala pa in five minutes, ako na mismo ang aalis.
Lumipas nga ang five minutes, ni missed call ay walang balik sa akin. I harshly pulled my luggage and found my way out of the airport. At kung minamalas nga naman, umuulan sa labas. It's just six in the morning at ganito ang pagbagsak ng ulan na para bang wala nang bukas.
Ipinikit ko ang mata ko at sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
But a moment later, isang puting van ang huminto sa harapan ko. Humigpit ang pagkahahawak ko sa handle ng maleta ko which wouldn't help me at all. Gusto kong tumakbo sa kinatatayuan ko, but I couldn't move my feet away. Saglit lang ay may bumaba mula sa van at umikot ito galing sa driver's seat. May dala itong payong at halos natataranta pa ito. Napakunot noo na lang ako habang pinapanood ko siya.
"Quaran—Corentienne?" Umangat ang tingin nito sabay sa pagkatatawag ng pangalan ko. Binigyan niya pa ng second look ang papel na hawak niya. Nakasumbrero din ito so I barely saw his face.
"Yes, ako nga!" pagkompirma ko. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
"Ako po ang sundo niyo today," pagpakikilala nito. "Ito lang po ba ang gamit niyo?" tanong nito sa akin saka ako tumango.
"Yes, ito lang."
"Okay po! Ako na pong bahala riyan, pumasok po muna kayo sa loob ng van," utos nito.
Walang chill-chill kung hindi ay hinawakan na niya ako sa braso ko at saka niya tinapat sa akin ang hawak na payong upang hindi ako maulanan. He opened the van's door for me and as I settled inside ay isinara na niya iyon para balikan ang maleta ko at nilagay niya sa likod.

BINABASA MO ANG
Seeking Wonders in Palawan
RomanceTwenty-four-year-old travel blogger Cory Dimaranan is tasked to seek and showcase the wonders of Palawan. But when she accidentally discovers things from her past, can the beauty of Palawan and a possible love interest be enough to make her stay? **...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte