1

6.5K 172 20

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Magtatry akong mag first person na POV, kung kakayanin.  Hindi ako nag-eedit kaya wag praning.

1

Sinikap kong mas maagang pumasok sa bar, pagmamay-ari ito ng apat na gwapong nilalang sa Kidapawan City. Siguro sa parteng iyon ay masuwerte ako, mababait ang mga ito maliban sa isang taong ipinaglihi yata sa sama ng loob. Ito ang dahilan kaya papasok ako ng mas maaga ngayon. Nagreklamo kasi ito kahapon, pero sa totoo lang, hindi naman ako nahuli.

“Kung hindi ko lang talaga mahal ang trabaho ko, mas aasarin pa kitang lalo.” Maingat kong isinara ang pinto ng tinutuluyan. Bahay ito ng pinsan kong si Gabrielle Dela Merced, ikakasal na ito kay Ruel Acquino na isa sa mga may-ari ng bar, sana makakahanap rin ako ng katulad niya. Ang ganda kasi ng love story nilang dalawa. Napapangiti ako kapag naiisip ko ang pinaggagagawa namin ni Ruel noong bagong dating palang si Gabrielle.

Tinignan ko ang suot kong lumang relo. Napabuntung-hininga ako, kanina lang parang ang aga pa, pagkatapos biglang ganito na ang oras?  Mabuti na lamang at agad na may dumaang tricycle.

Papasok pa lamang ako sa bar ay kita ko na ang mukha ng gwapo kong boss at fiancé ni Gabrielle na  si Ruel Acquino. Sa kanilang apat, ito ang pinaka charming. Agad itong ngumiti ng makita ako, siyempre, ngiti rin ang isinukli ko pero biglang nawala nung sumulpot si Carlos Manlotoc, nakasimangot na naman. Ano pa ba ang bago sa kanya? Siguro magpapamisa ako kapag nakita ko siyang ngumiti ng buong araw.

“Kim, you look gorgeous today.” Sabi ni Ruel pagkalapit ko sa kanya.

“Thank you, Sir.” Mas ngumiti pa ako ng todo rito, agad ding nabura pagkakita kay Carlos Manlotoc na seryosong nakatingin sa akin.

“Wala na bang mas aaga pa rito, Ms. Mendoza?” Seryoso nitong tanong. Lagi naman talaga itong seryoso kung makipag-usap sa akin.

“Sir, sa totoo lang, maaga talaga ako, kaso ang lintek na tricycle na sinasakyan ko, nasiraan! Ang tagal bago dumating ang susunod na tricycle!” Totoo kaya ang sinasabi ko sa kanya.

“Bumenta na yan.” Sabay alis. Tama ba namang hindi siya maniniwala sa akin?

“Aba’t! Nagsasabi ako ng totoo ah! Talaga namang nasiraan ang sinasakyan ko!” Tumingin siya sa relo. “One minute late lang naman ako ah!” Reklamo ko sana pero wala na akong kausap.

“Just don’t mind him. Mukhang masama na naman ang gising.” Natatawang sabi ni Ruel sa akin. As always, cool lang ito.

“I really should not Sir, or else, maiis-stress ang beauty ko sa kanya. Baka tuluyan ng hindi humaba ang buhok ko.” Natatawang sakay ko kay Ruel. Inayos ko ang mga kakailanganin kong gamit. Mamaya lamang ay magbubukas na kami. Isa pa, dapat na siyang masanay sa kasupladuhan ni Carlos Manlotoc.

Paano ba ako napunta sa ganitong trabaho? Madalas kapag nasa Pinas ka, tingin ng iba o ng karamihan, panlalake ang trabaho ko, pero kapag sa ibang bansa, hindi issue ang gender. At naniniwala ako sa gender equality, walang hindi kayang gawin ang mga lalaki na hindi nila kayang gawing mga babae.

Isa pa, mahal ko at nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Ang sayang kasama ang mga tao sa bar, mababait ang mga bosses ko maliban sa supladong si Carlos Manlotoc. Minsan naiisip ko, ano kaya ang problema nito sa buhay at parang may dalaw kapag nakikita ako?

“Mabuti na lang at gwapo ka.” Bulong ko. Pinagmasdan ko siya mula rito, seryoso itong nagbabasa ng kung ano. Gusto ko yung height niya, hindi gaanong katangkaran, gwapung-gwapo rin ako sa mukha niya, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, mapupula ang mga labi, makakapal ang mga kilay na laging salubong tuwing kaharap ako. para bang may galit ito sa kanya na hind niya maintindihan.

Biglang nag-angat ito ng tingin kaya huling-huli ako na nakatitig sa kanya, kahit medyo napahiya ako, nginitian ko na lamang siya pero tulad ng inaasahan, walang ngiting bumalik sa akin.

“Hey! Nakatingin ka na naman sa kanya.” Tukso ng kasamahan at kaibigan ko na ring si Lowai.

“Gwapo eh. Pampagood vibes.” Bulong ko. Alam nitong crush ko si Carlos Manlotoc, kahit pa suplado ito madalas.

“Wala kang pag-asa jan.” asar nito sa akin. “Mabuti pa, magtrabaho na tayo kesa nag-iimagine ka ng kung anu-ano.”

“Ikaw lang ang walang bilib sa akin eh! Soon, magigising ang supladong yan na may gusto na sa akin.”

“Lakas ng fighting spirit ah! Kanina lang narinig kong pinagalitan ka.” Asar nito habang nire-refill ang mga alak namin.

“Of course! Yan tayo eh! Ano pa at naging si KIM ako. Kailie Ilia…”

“Miss Mendoza? Mas mainam siguro na unahin mo ang trabahom mo kesa makipagkuwentuhan, tama ba?” Nagulat ako nung biglang sumulpot si Carlos Manlotoc sa likuran ko, kanina lang nakaupo pa siya sa isang tabi ah?

“Ah Sir? Ikaw naman, ginugulat mo ako.” OA na hinawakan ko pa ang dibdib ko. Talaga namang nagulat ako sa kanya, isa pa, narinig kaya niya ang pinag-uusapan naming ni Lowai?

Tinignan niya lamang ako, hindi nagsalita, pagkatapos ay pumasok sa loob ng kitchen. Nagkibit – balikat lamang si Lowai.

“Narinig niya kaya tayo?” Tanong nito.

“Ewan ko, parang hindi naman.”

“Magtrabaho na nga tayo.” May customers ka kasing pumasok.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!