Chapter 2

29 4 0
                                    

Today is Friday! Yay! Maganda naman ang bungad sa akin ng umaga ngayon.

Mabilis natapos ang mga klase ko ngayong ayaw. At dahil Friday ngayon, dalawang subs lang ako and I'm free WAHAHAHAHA hindi din naman ako guguluhin ni Charles na magpunta kung saan saan dahil may lakad ata sila ng mga kaibigan niya ngayon.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko saka lumabas ng classroom, ngiting-ngiti pa ako habang bumababa ng hagdan kase nga---

"Yow! Miss Clumsy!"

"Ah!" Aray ko. Letse bakit naman kasi kailangan oa manggulat.

"Ano ba?!" Inis na sigaw ko.

"Wala lang, bagay kase sa'yo yung nickname na yun eh. Kita mo naman." Anito at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa habang nakasalampak ako sa sahig.

Agad naman akong tumayo at nagpagpag ng damit ko. Argh kainis!

"Bakit mo ba kasi ako ginugulat?!" Inis na sigaw ko dito.

"Nah. Hindi ka sumasagot ng tawag at text eh."

"Eh ano ngayon? Bakit? Close ba tayo?" Pang-aasar ko dito at tinaasan pa siya ng kilay.

"Hmm..." Anito na animo'y nag-iisip. Akala mo naman may isip siya gosh!

"Well, papunta na don." Aniya at nagsimula ng maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya.

Gosh sana lang tama yung desisyon ko.

- Flashback -

"Eh ano ngayon? As if matutungan mo ako."

"Oo naman." I bet he's smirking right now.

"Hmm." Hinayaan ko na lang siyang magsalita ng magsalita at sinimulan ko ng kainin yung pizza na dala ni Manang kanina.

"Dahil pinsan ko siya, of course I know what he likes."

Hmm, may point.

"Alam ko rin ang tipo niya sa babae. Kaya naman I assure you! Matutulungan kita."

"Anong kapalit?" Tanong ko rito. Kase imposibleng mag ooffer siya na tutulungan niya ako sa pinsan niya kung wala siyang gustong kapalit.

"Hmm... You're going to give me three wishes."

Hindi naman siguro siya magwiwish na magnakaw ako o pumatay ako o ano.

"Deal!"

- End of Flashback -

Pag uusapan din namin dapat kagabi kung anong unang plano pero dahil late na din ng oras na yun, sabi niya magkita na lang kami ngayon. But I didn't expect na pupuntahan niya ako dito sa school.

"Saan tayo?" Excited na tanong niya.

"Uhm, sa kahit saang coffee shop?" Tanong ko. Mas maganda ang ambiance doon para mag-usap kasi hindi sobrang ingay.

"Boring." Aniya. Tss. Tatanong tanong sa akin kung saan tapos hindi naman pala makikinig. Damuho talaga. Pasalamat ka pinsan ka ni Dale ko eh grr.

"Tara sa mall. Kain muna tayo, nagugutom ako eh." Anito at humawak pa sa tiyan niya.

"Ayoko nga. Hindi naman ako gutom eh." Tanggi ko dahil ayaw ko siyang makasabay kumain pero kung minamalas nga naman oh.

(Stomach Growling)

Tinawanan pa tuloy ako ng loko. "Ah HAHA sige, tara sa coffee shop sa harap ng---"Pinigilan ko agad ang sasabihin niya at hinila ang braso niya.

"Sa mall tayo. Bahala ka kung saang mall." Agad na sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad papunta sa main gate ng school.

'Til We Meet AgainWhere stories live. Discover now