Actually, nagtaka rin ako sa kinikilos ni Edmark sa nagdaang araw. Pakiramdam ko ay may ginagawa siyang kakaiba, I mean parang pinagmamasdan niya ako, gano'n.  At ang isa pang kinakaasaran ko ay itong si Gianna!

Panay ang chat sa akin sa messenger minsan sa SMS.

Lakas ng tama ng babaeng 'to. Sinubukan ko siyang tanungin kung sino ang 'He' ang tinutukoy niya pero hindi sinasagot, pa suspense pa, e.

Malapit na rin ang exam namin. Pakiramdam ko nga masyado nilang minamadali dahil sa isang linggo na agad ang exam. Konti pa lang ang nare-review ko, binigyan ako ni Dash ng notes. Ang sabi niya ay pag-aralan ko raw kaya ginawa ko kaso kulang pa rin, hindi kasi nakikisama ang utak ko.

Masyado na akong nabobobo sa mga bagay-bagay.

"Miss Darlene, kumain na po kayo." Napatingin ako sa helper.

May nilagay siyang bacon, hotdog, at tocino sa lamesa. Sinunod niya ang fried rice at juice. Kumuha na ako ng kanin para matapos agad. Kaso hindi pa ako naliligo, wisik-wisik na lang ang gagawin ko para hindi malate sa klase.

Nagdasal muna ako bago kumain. Dahan-dahan kong kinain ang nasa kutsara ko para kunwari nasa isang commercial. Iyong parang broken hearted ang dating?

Tumingin ako sa buong lamesa, ako lang mag-isa ang kumakain at sa gitna ako nakaupo. Maaga ulit umalis si Papa at Kuya para sa business nila. Minsan na lang kami kumain ng sabay-sabay.

Sobrang lungkot pala kapag mag-isa ka lang, 'no? Kahit nagkikita kaming tatlo dito sa bahay, hindi ko mapagkakailang nawawalan na kami ng oras sa isa't-isa.

"Good morning!" Kumunot ang noo ko nang may pumasok mula sa front door.

"Wait, wait, ano ang ginagawa niyo rito?!" Salubong ang kilay ko nang magtanong.

Kailan pa sila nagkaroon ng permisong basta-basta pumasok dito sa bahay ko? Hindi sila kumpleto dahil wala si Rafael.

"Move." Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko.

"Hoy, ano ba, akin 'yan, e," reklamo ko nang kainin niya ang nasa kutsara ko.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kumain lang. At talagang may sarili siyang kutsara?! Umupo siya sa isang upuan sa tabi ko, dinagdagan ang fried rice sa plato ko, naglagay din siya ng bacon at tocino.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Binasa niya lang ang ibabang labi bago kainin ang nasa kutsara. Mahina pa siyang humalakhak nang makita ang reaksyon ko.

"Ate, pwede pahingi kaming plato? Tapos pakidagdagan na rin po ng fried rice 'to." Kinuha ni Arvin ang pinaglalagyan ng fried rice at binigay sa helper.

Napanganga ako sa kakapalan nila. Grabe! Talagang inutusan nila ang helper namin, buti na lang at sumunod sila. Kaniya-kaniya silang upo sa upuan at parang nasa resto para mag-hintay ng pagkain.

Masama kong tiningnan si Phoenix nang lagyan niya ng bacon ang bibig ko. Nginuya ko na lang para makapag-salita.

"Bakit ba kayo nandito? Wala kayong balak pumasok?" Friday pa ngayon kaya may pasok pa, kaya nagtataka ako kung bakit sila nandito.

"Wala..." sagot ni Harvey pero hindi ko siya pinansin.

Kasalanan niya kung bakit ako kinakulit ni Gianna. Sa halip na tahimik ang buhay ko... bwisit.

"Trip lang namin hindi pumasok," sabi ni Renz at kita kong humiga siya sa sofa.

Isa sa mga kaklase ko. Parang artista ang galawan nito dahil sa sobrang daming kilala. Noong nagkayayaan kaming pumunta sa mall, hindi nawawala ang kumustahan tuwing may nakikita siyang kilala niya.

The Girl in Worst Section (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora