"Mommy!" Agad tumayo si Eli mula sa pagkakaupo sa carpet at mabilis nilapitan si Lia para yakapin ito sa baywang.

Hindi ito nag-abalang hawakan man lang siya.

"Mommy, I have a card for you." Tiningala siya ni Eli at inabot sa kanya ang isang card na noong isang gabi niya pa sinimulang isulat at hindi niya gustong ipakita sa akin. "Happy mother's day, mommy. I love youuuu!"

Kinuha iyon ni Lia mula sa kanya.

"I'm tired I want to rest." As she said that ay nagpatuloy na siya sa paghakbang paakyat ng hagdan.

Nanatili namang nakatayo ang anak ko sa pwesto nito. Nakasunod lang ang tingin kaya Lia.

Humugot ako ng malalim na hininga. I felt bad for my daughter dahil kahit ganoon siya rito ay hindi pa rin ito tumitigil na iparamdam sa kanya na mahal siya nito. I guess I should be thankful na kinuha nito ang card. Hindi napunta sa wala ang effort ni Eli para lang gawin iyon.

Kinuha ko ang isa sa mga pen na napanalunan namin kanina at lumapit ako sa kanya.

Sinulat ko iyon sa pisngi niya na agad niyang pinunasan.

"Daddyyyy!" Reklamo nito.

Mahina akong tumawa. "Habulin mo ako."

Naghabulan kami sa buong living room hanggang sa mapunta pa sa kusina hanggang sa garden.

Marinig ko lang ang tawa nito ay nagiging ayos na ang araw ko kahit gaano pa ako kapagod sa trabaho. Para iyong musika sa tainga ko na nagpapakalma sa akin.

"Daddy! You are running too fast! That's unfair!"

Sinadya kong bagalan ang takbo ko para abutan ako nito. Agad niyang sinulatan ang mukha ko habang humahagigik.

"Ahh, you're mean now, huh?"

Ako naman ang humabol rito at abot ang sigaw nito habang tumatawa nang malakas.

Nang makabalik ako sa loob ng bahay mula sa garden, nakita ko siyang nakatayo sa malaking litrato na nakasabit sa pader.

Sinundan ko iyon ng tingin bago ako muling bumaling sa kanya. Seryoso itong nakatingin roon.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.

"That is my favorite picture..." anito.

Muli ko itong tiningnan. "May I know why?"

"Because mommy is happy in that picture. I can see her smile there."

Tiningnan ko rin ang magandang ngiti sa mga labi nito roon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Yeah... she looked so pretty in that picture and she looked so... happy. Nakikita ko ang kislap sa mga mata niya.

"Daddy... sino ba po talaga siya?" tanong ng anak ko. "Is she really mommy's brother?"

Simple akong humugot ng malalim na hininga. Matalino ang anak ko. Lumalaki na siya at marami na siyang nalalamang ibang bagay even I know na may mga bagay pa rin siyang hindi maiintindihan.

Marahan kong kinuha ang braso niya at hinarap siya sa sakin.

"I'm sorry if daddy lied to you... I just thought... you wouldn't understand things yet."

"I can, daddy... I will try to understand everything.  Please don't hide anything from me. I can't sleep at night."

Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. "The man in the picture is... not mommy's brother."

Nanatili itong nakatingin sa akin na tila gusto pang nalalaman ang sasabihin ko.

"He's... he's mommy's husband."

"Mommy's husband?" Kunot noong tanong nito. "Aren't you mommy's husband?"

"I am... but..." Muli akong nagpakawala ng marahas na hininga. "I am not her first husband."

"Where is he then?"

"He's in... heaven."

"Heaven? He's dead daddy?"

I didn't want to use that word pero katulad ng lagi kong sinasabi, matalino ito. Dapat niya nang malaman ang ilang mga bagay na alam kong sinisimulan niya nang itanong sa isip niya.

"Hmm-mmm..."

"Then if he's dead why mommy is still keeping that picture? 'Di ba dapat daddy picture niyo na mommy doon?" Turo nito sa picture.

"We don't have a picture."

"But why?" Pagmamaktol nito.

I didn't want to tell her na hindi iyon gusto ni Lia kaya naman sinabi ko na lang sa kaya naman nagmamadali kami noon kaya naman hindi na kami makapagpa-picture ng mommy niya.

"Does mommy still love him? Is he the reason why mommy alsway cry at night? Kaya ba hindi niya tayo love, daddy?"

"No..." Agad sambit ko habang hinahaplos ang buhok nito. "She loves you."

Bumusangot ito. "But mommy's not talking to me, daddy... she hates it whenever I would hug her."

"We're all that she has now... You're all that she has."

Ayokong maramdaman niya na hindi siya mahalaga kay Lia but it was out of my control. Kahit pa nakiusap ako rito na kausapin si Eli kahit sandali lang, she wouldn't do it.

Alam kong galit pa rin siya, alam kong nasasaktan pa rin siya but Eli is innocent. Whatever was between us, Eli should be out of it.

I still didn't want to invalidate her feelings. Gusto kong maintindihan ang nararamdan niya because I know even until now mahalaga pa rin sa kanya ang nakaraan niya.

I accepted that mula umpisa and I wouldn't... I wouldnt even try to complain.

"Daddy... My friend told me that two peole marry each other because they love each other just like her parents. They look so happy, daddy. Why mommy is not like that with us? Did we do something bad to her?"

Nagpatuloy ako sa paghaplos sa pisngi niya. "Remember... Always remember that you didn't do anything wrong. Whatever the reason is, it's all my fault. Wala kang kasalanan. Don't think of it, hmm? Someday everything will be okay. I promise you."

Marahan ko itong hinila palapit sa akin at kinulong sa mga bisig ko.

Yumakap din naman ito nang mahigpit sa akin.

"I wish I can also hug mommy this way, daddy..."

Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng nga mata ko dahil ramdam na ramdam ko sa kanya at sa tinig niya ang longing rito.

"Don't stop trying... don't stop loving her even in times... that you can no longer understand her."

"Daddy, I love you. I love you and mommy forever."

"I love you... you will always be the reason of my life and happiness. Nandito lang ako. I will give you everything."

Humarap ito sa akin. "Daddy, will you also love mommy forever?"

Nanatili akong nakatingin sa mga mata nito because I couldn't answer that question.

"Even she's always pushing you away from her? Even you're always hurting because of her?"

Kinuha ko ang magkabilang pisngi niya. "It's not important with me. You want to stay with her, right?"

"Daddy, wag tayong aalis, huh? Mommy's always crying... I don't want her to feel lonely."

"Then we will stay with her. We will take care of her. We'll always... try to wipe her tears away.

A Wife's RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon