This chapter is not for readers who is 13 years old and below. :)))

------(^O^)------

Chapter 5: Bloody War

Kisha's POV

Nandito pa rin ako sa mansyon ni Van, ayaw niya kasi akong pauwiin. =3= Sabado naman daw kasi ngayon at walang pasok kaya dito na lang daw muna ako mag-stay. Ano naman kayang gagawin ko dito? Psh.

"Ms. Kisha, pinapatawag po kayo ni Young Master" sabi nung butler niya. Ano nga bang pangalan nito?... "Ako po si Arc"

O__O

Nababasa niya ang nasa isip ko?

"Opo, nababasa ko po dahil isa akong bampira" at inilabas niya ang pangil niya...

Tumango na lamang ako, kung ganun ang mga katulong at butler dito sa bahay na ito ay mga bampira. Sinong mag-aakala na may ganitong mansyon sa gitna ng gubat at sino din ang mag-aakala na totoo ang mga bampira?

Sumunod na lamang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang malaking pinto. May delicate na design ito at isang di pangkaraniwang disenyo. Ang laki ng pintong ito, kwarto na siguro ito ni Van...

Bumukas ang pinto at napanganga ako sa ganda at laki ng kwarto niya, ang tanging kulay lang na nakikita mo sa kanyang kwarto ay puti, itim, pula at gold. May tatlong malaking bintana, isang malaking King size bed na kulay itim, ang kurtina niya ay kulay pula, kung titingnan mo, bampirang-bampira talaga ang style ng kwarto niya...

"Maiwan ko na po kayo" nagbow si Mr. Arc at lumabas na sa kwarto. Naiwan na lang kaming dalawa dito, nakatayo siya malapit sa bintana at nakatingin sakin. Bigla akong kinabahan, nasa kwarto ako ng isang bampira at yung Pure Blood pa...

Bakit niya kaya ako pinatawag? Nagugutom na ba siya? Kelangan nya ba ng dugo? Waaaaaaaaaah! Masakit siguro 'yon! Naiiyak na nga ako sa tusok ng karayom sa kagat pa kaya ng bampira? >___<

Narinig ko na lang siyang tumatawa...

"Hahahahahaha!" hawak pa niya ang tiyan niya habang tawa ng tawa. Hala? Nababaliw na ba siya?

"Bakit ka tumatawa?" =__=

"Seriously? Iniisip mo talagang kakagatin kita?"

O____O

"Binasa mo na naman ang nasa isip ko?!"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh nacurious na lang ako kaya binasa ko"

Biglang humangin ng malakas at nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya. May lahi ba 'tong ninja? Ay tanga. Malamang mabilis siyang gumalaw kasi bampira siya, saan naman ako nakakita ng bampira na parang pagong kung gumalaw. Tss. Stupid me. =__=

"Ano bang kailangan mo sakin?"

Lumapit pa siya lalo sakin hanggang sa magkadikit na ang katawan namin...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!