18.

4.6K 140 3

I dedicate this to Missy Vampireazuka!

Sorry for the late update guys. Studies first ehh. :))

Anyway, thank you po sa mga fans and readers na patuloy pa rin po sa pagsupporta sa story na ginagawa ko.

Sana po magustuhan niyo update na to ^^

S A R A N G H E!

______________________________________________

                                              Pain

______________________________________________

 

ACE POV

“What are you doing here?” sabi ko sa kanya tapos bigla naman niyang tinago sa likod niya si Ice.

“Ako dapat ang magtanong sa inyo niyan. Ano ginagawa niyo dito?” tanong niya pabalik.

“We’re here to talk to the HM regarding what happened this morning.”- depensa ni Cai.

“What are you doing here with Ice?”- Ace

“It’s none of your business.” sabi niya. Unti-unti naman akong lumipat sa kanya at pinuntahan si Ice sa likod niya.

“Ice tell me? May ginawa ba siyang masama sayo?”

“Nothing.” Tipid niyang sagot habang nakayuko.

“Anong wala? Umiiyak ka ng walang dahilan? Kilala kita.” Hinawakan ko siya sa balikat.

“Ace stop it. Don’t touch her.” Pagpipigil naman sa akin ni Vio.

“Tama na.” narinig kong bigkas ni Ice. Tyaka ko ulit tinuon ang atensyon ko sa kanya.

“HINDI KA IIYAK NG GANYAN KUNG HINDI KA NASASAKTAN!!! Sabihin mo sa akin. Ano ba talaga ang nangyari sa mga panahong umalis ka? Saan ka ba talaga nangaling? Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? ICE HAE sumagot ka!!!” hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?” umangat ang ulo niya at tumingin siya sa akin. Mata sa mata. “Sobra-sobra na. Nasasaktan ako ng sobra at nahihirapan na ako ng sobra! At alam mo? ?Isa ka sa mga dahilan ng paghihirap ko! Kaya tigilan niyo na ako! Pagod na pagod na ako!” sigaw niya sa akin habang umiiyak tyaka siya tumakbo paalis ng HM Office. Naiwan naman kaming tulala.

“You know what? Tama siya, tigilan mo na siya. Hindi biro ang dinanas niya ng mga nakaraang taon kaya ngayon iwasan niyo na siya. Naintindihan mo?” sabi naman sa akin ni Vio.

“Ano bang alam mo ha? Sino ka ba sa akala mo para sabihin sa akin ang mga bagay na yan? At anong relasyon mo sa kanya?” sagot ko.

“Ako? Hindi na mahalaga pa yun dahil sa tingin ko hindi mo gugustuhing malaman kung sino ba talaga ako sa buhay ni Ice. At isa lang ang alam ko, ngayong kasama ko na ulit si Ice hinding hindi ko na siya hahayaang saktan at masaktan pa ng isang katulad mo. At higit sa lahat, ang malapit pa sa iyo. Ito ang tatandaan mo Daniels, si Ice na dating pinaglaruan niyo ay hindi na katulad ng dati.” Seryosong sabi niya sa akin bago umalis.

“Hey! Are you okay?” narinig kong sabi sa akin ni Railey ngunit hindi man lang ako sumagot. Hindi ko talaga maintindihan. Ano ba talaga ang nangyari sayo kay Ice? Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang buong katotohanan.

COLD and HEARTLESS GANGSTER ( Lady G ) O N - G O I N GBasahin ang storyang ito ng LIBRE!