🐈🐀11

28.6K 374 47
                                    

CHAPTER 11

Rat Velaroza

Wala kaming imikan nang praning na babae habang nagda-drive ako patungo sa Condo Building na lilipatan niya. Bakit? Masama loob niya na sinira ko ang goodbye moments nila ng boy best friend niya?

Hindi ko na kasalanan 'yon. Kitang may usapan kami na darating ako upang sunduin siya. Dami-daming oras kanina, tapos kung kailan dumating ako saka sila gaganon sa harap ko pa mismo?

Wala naman akong pakelam kaso nakakairita lang nilang tingnan.

Ako na ang bumasag ng katahimikan. "Do you want to eat something? Para makapag- drive thru tayo." I asked.

Subukan niya akong artehan. Kundi ibabalik ko siya sa apartment niya.

"Gusto ko ng pizza, garlic bread, fries." She answered.

Mabuti naman at nakisama siya. Saktong may nakita akong isang Pizza restaurant. Hihinto muna kami doon upang bumili ng gusto niyang kainin. Ako naman ay diet every dinner. Umiinom lang ako ng nutrishake na strawberry.

Huminto ako nang may makitang bakanteng parking sa tapat ng resto.

"Just wait here. I'll buy what you need inside." I said, sabay lumabas ng sasakyan.

Hindi siya umimik at tuluyan kong isinara ang pinto saka pumasok sa pizza resto. Agad ako na-assist at nag-order na. Naupo ako sa take out table kung saan maghihintay ang mga nag-order ng take out.

In fairness to this Pizza Restaurant, good interior design and the smell of the pizza is spreading all around the resto. So aromatic, sayang at diet lang ako.

Sabi ay for 15 minutes lang ang hihintayin ko. Inilabas ko ang Ipad ko at nagbasa ng naka save na PDF file ko roon. Upang hindi ako mainip. Ayoko pa namang naghihintay ng matagal pero dahil para ito sa mga babies ko ay handa ako maghintay kahit gaano pa katagal. I'll provide everything for them—whether it's food, shelter, my time, attention, or responsibility. I'll give it all for my babies. I spoiled them kung kinakailangan.

I'm really excited to see them. Ano kaya silang klaseng kambal? Identical or fraternal?

Napahinto ako sa pag-iisip nang may tumawag sa cellphone ko. Kaagad ko iyong kinuha at tiningnan kung sino.

Nangunot ang noo ko dahil unregistered number ito. Sino naman ang tatawag dito sa old number ko na unregistered? Mayroon kasi ako na for patients na number lang, bakit ito tumatawag sa personal number ko na iilan lamang ang nakakaalam?

Sinagot ko na lamang ang tawag.

"Hello?" Pauna kong sabi.

Pero walang sumagot.

"Hello, sino 'to?" muling tanong ko pero hindi pa rin sumasagot.

Ano bang trip nito? Maikli pa naman ang pasensya ko sa ganito.

"If you're not going to talk, don't call me again. Actually, no—I'm blocking you!" Naiinis kong sabi sabay ni-end na ang call.

Nakakainis ang mga ganitong tao, ang hilig mang trip. Kaya hindi umaasenso sa buhay.

Maya-maya ay dumating na ang isang crew at iniabot sa akin ang mga in-order ko. Kinuha ko ang mga iyon.

"Thank you," sabi ko sabay tumayo.

"You're welcome Sir, enjoy our food!" nakangiting sagot ng crew.

Tumango lang ako at tumalikod na sabay lumabas na sa resto.

Patungo na muli ako sa sasakyan. Pagkabukas ko ng driver's seat ay laking gulat ko dahil wala sa loob ng sasakyan ang praning na babae.

Saan nagpunta 'yon?

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon