38 "The unexpected son"

44.2K 703 19
                                          

38

"The unexpected son"

Sobrang tahimik ng paligid at sobrang sarap din ng tulog ko. 10am na din pala. Tinanghali ako ng gising. Mag-isa ako sa malaking bahay na 'to. Naeexcite ako. Hindi ako maiilang na kumilos ng kumilos.

At dahil excited ako naisipan ko munang magshower bago magbreakfast. Hindi na ako nakapagshower kagabi dahil pagod na pagod na ako.

Gusto kong itry yung bathroom dun sa dulo. Dati kasi dun sa shower room lang sa tabihan ng kwarto ko ako naliligo. Wala namang bathtub dun. Dun sa dulo may bathtub. Excited na ako!

Nagprepare na ko ng isusuot ko. Paglabas ko ng room sumilip muna ako sa room nila papa.

Positive! Walang tao. Yehey! Para akong baliw, natatawa ako sa sarili ko. Nagsasayaw pa ako habang naglalakad.

Pumasok na ko dun sa bathroom. Ito yung pinakamalaking bathroom sa bahay sa tingin ko. Gulat talaga ako. Kasing laki na ata yun ng bahay namin dati. Pwede na kong matulog sa linis at sa bango. Ang laki din ng salamin.

Ibinaba ko na yung mga damit ko. Una kong hinanap yung bathtub. Syempre yun naman yung sinadya ko kaya dun ako maliligo.

Nagulat ako na may laman yung bathtub. Puro bubbles na sya. Parang inihanda para sa'kin. Pero naisip ko din na hindi lang nai-drain yun ni tita kaya ganun ang itsura.

Lilinisin ko muna yung bathtub before ako maligo. So kinapa ko yung drain-cover or drain snake or kung ano mang tawag dun sa loob ng bathtub. Hindi ko makapa so I decided na lumipat sa may kabilang side.

Idadawdaw ko na ulit yung kamay ko sa bathtub ng biglang may gumalaw sa tubig. Natakot ako baka kung ano yun. Wala naman sigurong crocodile dito no. Naku baka si manang marunong mang-prank lagot na.

Papalapit ako sa bathtub ng biglang may isang lalaking umahon galing sa ilalim ng bathtub. Napaatras ako sa sobrang gulat.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tumingin sya sa'kin.

Nanlaki yung mga mata ko. "Ikaw." Sumigaw ako ng malakas. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"Hoy! Ano bang sinisigaw mo dyan? Kung may dapat sumigaw dito ako yun!" Sinusungitan nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakip ako ng mga mata ko kasi baka kung anong makita ko.

"Ako? Ako pa ang tinanong mo? Eh bahay namin 'to no!" Paliwanag nya.

Natanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko. "Ikaw ang anak ni Tita Leticia."

Nagpacute pa sya. "Yes." Parang alam nya na makikita nya ako dito sa reaction nya.

"Ikaw si Tony?" gulat na gulat ako.

"Yes. The handsome Tony." Pagyayabang nya ulit.

"Paanong naging Tony ang pangalan mo? Di ba – " Nag-isip ako sandali.

"Tony Sebastian ang name ko. Tonsi for short. Kunyari ka pang hindi alam!" Papatayo na sya sa bathtub ng sumigaw ako ulit.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Anong gagawin mo?" Pinigilan ko sya sa pagtayo.

"Aahon na. Gagamitin mo ata 'tong bathtub eh." Tatayo sya ulit.

Tumalikod ako. "Siraulo ka talaga! Tatayo ka alam mong nandito pa ako."

"Eh ano naman? Ayaw mo nun? Dalawa lang tayo dito sa bahay?" Pang-aasar nya. Narinig kong tumayo na sya sa bathtub.

Tumakbo ako palabas at kinuha ko yung mga damit ko ng hindi nalingon sa kanya.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon