Chapter 5 - Ikalimang Yugto

Beginne am Anfang
                                    

"Do you have a spare time? There's urgent in Manila and I need someone to oversee the operation here," kaswal niyang baling kay Jim.

"Two days." Sumenyas ito.

"Make it three," he demanded and turned to Xiellou. Pointing a finger on her. "Mag-uusap tayo pagbalik ko."

Siya ang unang matutuwa kung makahahanap ang dalaga ng bagong mamahalin. Pero hindi siya papayag na mapupunta ito sa lalaking kung magpalit ng girlfriend ay parang nagbibihis lang ng boxers.

Jimrexx is a basic hot example.

***
Nasa loob pa rin ng operating room si Miles nang dumating sina Roanne at Rowena sa St. Luke. Ngunit isang oras nang naghihintay sa labas ng OR ang dalaga'y wala pa ring doctor mula sa loob ang sumilip man lang. Buong pasensya siyang nakaupo sa bench na nakadikit sa dingding at pinipiga ang nanlalamig na mga kamay.

Miles is an independent woman. Kahit noong nag-aaral pa lamang ito ay hindi na ito umaasa nang suporta mula sa mga magulang. Sariling kayod ang ibinuhay nito sa sarili at sa mga panahong iyon ay kinupkop din siya nito. Kung humingi man ito ng tulong sa mga magulang na nasa ibanh bansa, iyon ay para sa kanya. Maliban sa kanyang ina ay ito lang ang tumanggap sa kanya sa pamilya. Hindi ito malambing na babae. Mahigpit ito ngunit maaasahan niya.

"Have some of this, baby crush." Umuklo sa harap niya si Wayne at kinuha ang kanyang kamay. Nilagay doon ang malamig na paper cup ng cold choco. "At huwag ka nang malungkot, nababawasan ang sex appeal mo," biro nitong may naglalarong pilyong ngiti sa sulok ng labi.

Taliwas sa nerbiyos na nadarama ay napangiti siya. Dinala niya sa bibig ang paper cup at tinikman ang cold choco. Lumuwag ang lalamunan niya sa pagdaan ng malamig na tsokolate.

Naupo sa tabi niya ang lalaki. Hindi pa nga pala siya nakapagpasalamat dito. Bukod sa sinundo sila nito sa airport kanina ay sinamahan din sila ng lalaki rito at hindi iniiwan. Mamaya na raw ito aalis pagdating ni Javier.

"Nasaan si Auntie?" tanong nitong nakiki-Auntie na rin kay Rowena.

"May binili muna para wala na kaming alalahanin mamaya kapag nilipat sa private room si Miles."

"Very good, ibig sabihin naniniwala kang makaliligtas si Miles. I vouch for that mind-set, baby crush."

Saglit siyang natigilan. Umaasa siyang lalaban ang kapatid. "Thank you, Wayne."

Parehas na natuon ang tanaw nila sa dalawang tao na naglalakad sa pasilyo at papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Isa sa mga iyon ay si Kreed Andromida at ang kasama nito ay babaeng may buhok na kakulay ng ginto pero hindi masakit sa mata. Ang maliliit na kulot ay mistulang kumikinang na bulaklak at sumasayad sa mukha nitong hinulma tulad ng isang pixie fairy sa mga panaginip.

Hindi ito katangkaran. Kung hindi nito suot ang sapatos na may takong, marahil ay hanggang sa dibdib lamang ni Kreed aabot ang tuktok ng ulo nito. Ngunit perpektong pagmasdan ang katawan nitong walang labis at walang kulang ang bawat kurbang bumakat sa suot nitong jumpsuit.

Tumayo sila ni Wayne.

"Roanne, any feedback from inside?" Pinukol ni Kreed ng tingin ang nakapinid na pinto ng operating room.

"Wala pa rin," naliligalig niyang sagot.

Binawi ng lalaki ang mga mata at bruskong tinanguan nito si Wayne. Gumanti rin ng tango ang binatang katabi. Iyon na ang palitan ng mga ito ng greetings.

"She's Roanne Mercado, Mile's sister, and Wayne Lacrimma." Ipinakilala sila ni Kreed sa magandang kasama.

"Hello!" The girl gave them a soft and symphatitic smile.

"This is Sunray...I mean Raysun, my fiancee." Hinawakan ni Kreed ang kamay ng babaeng magiliw na nakatitig dito. "We've launched an investigation half an hour after the accident. Nasa custody na ng polisya ang report."

"We will have our own investigation as well," sabat ni Wayne.

Tumango si Kreed

Nalipat ang titig niya sa fiancee nitong nakangiti ang mga mata habang hinahagod siya ng tingin mula paa hanggang ulo.

Hindi ito nakatiis at hinablot ang mga kamay niya. Banayad na pinipisil habang hawak nito. Hindi siya makakilos.

"Papayag ka na bang maging model ko? I mean, I really like you to be Saturn's exclusive endorser. Marami silang sponsors from different business sectors. Please, give it a try. This is for the changing millinials of our community. You'll be their icon of the new future."

Hindi niya ito mahabol sa bilis kung magsalita. Nawiwili siya sa maliit nitong bibig na kung kumebot ay kamukha nga ng bibig ng pixie fairy lalo pa at pinakakapal iyon ng pink lipstick. Wala na siyang napansing ibang artificial na kolorete sa mukha nito. Lahat nang nakikita niya ay natural.

"Sunray, let's talk about it next time. She can't give you a definite answer today, she's worried, try to understand, okay?"

"Hm?" Bahagya itong ngumuso. "I'm sorry, I was just excited to work with you that's why," apologetic nitong sabi sa kanya.

"Come on, we'll convince her no matter what." Banayad na hinaplos ni Kreed ang buhok nito. "Give it a rest for now. We're not here for business."

"Okay lang," aniyang ngumiti ng tipid dahil napansin niyang medyo napahiya ang babae sa malambing na reprimand ni Kreed dito. "Model ka rin ba?" Iniba niya ang usapan.

"Me?" Bahagya itong nagulat. "No, no, I'm not. I will be your camera man, a camera woman if you want to put it."

Umawang ang bibig niya. This girl is the famed camera man of Saturn? Ito pala ang narinig niyang minsan pinag-usapan nina Miles at ng isang artista. Malamang, ito ang may gustong alukin siya ng kontrata at hindi si Kreed. Kinumbinsi lang siguro siya ng lalaki para matuwa ang dalaga.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt