Monster ♂ Chapter 32

Chloe's POV

Love is not all about happiness. We should experience pain and sorrow too. Hindi naman por que masaya ka sa kanya ay ligtas na tayo sa mga problema.

Sometimes we thought that everything was so perfect like 'He's the one', 'I really love him' and ‘We will never be apart'. But those are just words. There’s no permanent in this world. Hindi lahat ng bagay ay sa’yo hanggang sa huli. Dadating din ang araw na mawawala sila kahit na ayaw mo o labag sa loob mo.

And that was him.

I realized that he can never be mine forever and permanently.

♂♥♀♥♂

“Chloe, you need to stay away from him. H-He’s—“

I shook my head furiously. “No! He’s not! He will never be!”

Kanina pa ako umiiyak at nagmamakaawang hindi totoo ang mga sinasabi nila sa akin. Ayokong maniwala sa mga kasinungalingan nila pero bakit parang totoo ang mga sinasabi nila? Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat ng ito pero bakit kahit ilang beses kong sampalin at kurutin ang sarili ko ay hindi pa rin ako magising sa panaginip na ito? 

Mama held my hand tightly. “Chloe, listen to us. Hindi namin kaagad sinabi sa’yo dahil alam naming masasaktan ka.” 

Masama akong tumingin sa kanya. “Hindi masasaktan?! Ano sa tingin ninyo ang nangyayari sa akin?! Do you expect me to be fine?! Do you expect to accept what you have said?! It’s bullsh_t!” Napataas na ang boses ko na ikinagulat nilang lahat. Hindi pa ako nagagalit nang ganito sa kanila. I can’t believe that they lied to me at ako naman ‘tong si tanga na naniwala sa kanila. 

“Mahal ka namin, Chloe. You’ll forever be our Princess. Pati ba naman ‘yun ayaw mo na ding paniwalaan?” tanong ni Kuya Harris na umiiyak na din ngayon. Ayokong makita silang umiiyak pero nangingibabaw ang galit ko ngayon sa kanila. 

"Leave me alone.” marahan pero puno ng diin na sabi ko sa kanila.

"But,"

"I said leave me alone! Liars!" sigaw ko sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang umalis.

Sumandal na lamang ako sa headboard ng aking kama at mahigpit na niyakap ang aking mga hita. Binaon ko ang aking mukha sa pagitan ng aking tuhod at ibinuhos ko ang luhang kaya kong ibuhos. Kahit na pagod na akong umiyak ay hindi pa rin nauubos ang aking mga luha.

Bakit nangyayari sa akin ‘to? Ang saya-saya naming magkasama tapos bigla ko na lamang malalaman ang lahat ng ‘to? Ayaw ko siyang mawala sa akin. Hindi ko kakayanin. Mas nasasaktan pa akong malaman na magkadugo kami kaysa sa nalaman kong ampon ako. Yes! I’m a freaking orphan! Buong buhay ko ay inakala kong sila ang tunay kong mga magulang at sina Kuya ang mga tunay kong kapatid pero in a blink of an eye, hindi pala. Niloko lang nila ako. 

*FLASHBACK*

Maaga akong nakauwi sa bahay kahit na nag-date kami ni Saturn. Alam ko kasing uuwi sina Mama at Papa ngayon kaya naman kahit na gusto ko pang makasama si Saturn ay mas pinili kong makita sina Mama at Papa. Minsan lang kasi sila umuwi kaya kailangan kong sulitin ang pagkakataong nandito sila.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nagtaka ako dahil sobrang tahimik. Nasaan kaya ang magugulo kong Kuya? Ang alam ko wala naman silang trabaho ngayon. Si Kuya Harris ay nag-clear ng schedule niya dahil nga dadating sina Mama at Papa. Sina Kuya Justin at Kuya Steff naman ay wala talagang trabaho ngayon. Weird. Dapat by now ay nandito na sila sa living room at nanonood ng movies o kaya sports.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!