Prologue
A year ago, I ended things with my fiancé after I caught him cheating with another woman right in front of my face—blatantly showing his intention of breaking my heart. Ikaw ba naman pakitaan ng walang pakundangang paghahalikan at irarasong... tipsy lang siya.
I still couldn't forget their shocked, ugly faces. Kaurat kapag naiisip ko bigla.
But the good thing was I didn't have to stay in a relationship that was not healthy for me anymore. It was a total wreck—I was, too.
I almost got tied up with him... Another good thing, it was early for me to find out his true colors and intentions, but I should've guessed that within our four-year relationship.
Lulong lang siguro ako sa pagmamahal niya.
That was a year ago already, but it felt like I was still longing for that kind of feeling that I needed someone to be here with me. Siguro nasanay lang ako sa apat na taong relasyon naming dalawa. Kung kailan kasal na lang ang hinihintay namin, siya pa 'tong nagloko, but some say that was a good karma on a perfect timing. At least for me.
Mabuti na lang iyong maagang nalaman kaysa naman huli na ang lahat. I guess, he just sought for something I didn't have—someone who was better than me, but I was better than anyone else. I was kind of unique in my way—just not his kind of wonder.
I blankly stared at the TV show I was watching when my phone buzzed from receiving a phone call. It was sitting on the center table. Sinilip ko pa kung sino iyong tumatawag and when I figured out who it was, I picked up the phone and answered it.
"O, bakla?"
"Ay, gaga! Gandang bungad, a?! Hindi ka ba pinagpala today?!" sagot nito sa akin. "Nasa lobby ako ng condo mo. Ayaw akong paakyatin. Tawagan mo nga yung front desk, kairita. Hilain ko nguso n'on. Putok na putok ang lipstick ni gaga."
"Gaga ka rin, baka marinig ka riyan. Ano ba kasing ginagawa mo riyan?"
And then there was a moment of silence.
"Oo, gaga. Ano pa nga bang ginagawa ko rito?" pabalang nitong tanong sa akin.
"Gaga, kung nagsabi ka kasi I would know! Hindi 'yong bigla-bigla ka na lang susulpot! Naglilinis kasi ako sa unit ko today, but good thing na nandito ka ngayon. May katulong ako. Perfect timing!"
"Ay, sabi ko nga, aalis na lang ako. Bye!"
"Hoy, tatawagan ko na yung front desk! Diyan ka lang!"
Binaba ni Danny ang tawag nang walang abiso. I immediately called the front desk just to confirm if he was really there at nang sabihin sa akin na may naghahanap nga sa akin, I gave the order naman to give permission for him to get into my unit. Hindi rin katagalan ay may kumatok na sa pinto. Mabilis ko naman itong tinungo para pagbuksan ng pinto si Danwell.
"Danny, bakla!" bungad ko sa kanya saka ko hinigit ang kamay niya papasok sa loob. "Mabuti na lang at nandito ka! Help me dahil cleaning day ko ngayon!"
"Ay, girl! Hinay-hinay ka naman!" saway nito sa akin. Pinalo-palo pa nito ang kamay ko sa palapulsuhan niya, but I kept my grip so tight kaya wala siyang kawala. "Ano ba kasing ginagawa mo at ngayon mo naisipang maglinis?"
Napakibit balikat ako. "Wala lang? Trip ko lang?"
"May topak ka yata, girl."
"Wala naman! Bwisit ka talaga, 'no?
"Akala ko pa naman may bibisitang boylet dito sa unit mo kaya aligaga ka. Linis-linis muna bago sumabak sa wrestling-an! Gano'n! Pak na pak!"
"Dumi ng bunganga mo, Danny! Ilang beses ko na rin kasi gustong maglinis pero nawawalan ako ng time. Ngayon na may free time ako at hindi naman gano'n karami ang lilinisin ko, pinush ko na. At saka wala akong boylet. Asa ka pa."

BINABASA MO ANG
Seeking Wonders in Palawan
RomanceTwenty-four-year-old travel blogger Cory Dimaranan is tasked to seek and showcase the wonders of Palawan. But when she accidentally discovers things from her past, can the beauty of Palawan and a possible love interest be enough to make her stay? **...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte