Letting You Go

14 2 0
                                    

I'm a kind of person na may tiwala sa boyfriend. I don't have any reason para hindi magtiwala sa kanya. Kay Kian. Four years na kami, magdududa pa ba ko sa kanya?. Since 2nd year high school kami na, hanggang ngayon na senior high school na kami.

Hindi kami madalas mag away. Minsan may mga hindi pagkakaintindihan pero siyempre, hindi kami papayag na matapos yung araw ng hindi kami okay. Para sakin kase, isa yun sa kailangan sa isang relasyon. Dapat matured na yung utak sa mga bagay bagay. Kase hindi magwowork yung relationship kung pati maliliit na bagay pag aawayan niyo.

"Reyna ko." Dinig kong tawag sa akin ni Kian

I'm Rina. But instead of "Rina" he calls me "Reyna".

"Hmmm?" Sagot ko na lang at saka lumingon sa kanya.

Nandito kami ngayon sa burol sa likod ng school campus. Sabay naming hinihintay ang paglubog ni haring araw.

Nakahiga siya sa kandungan ko habang hawak ang isang kamay ko. "Mahal kita." Malambing na aniya saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon hindi ako makasagot, Imbes na makaramdam ako ng kilig, kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, hindi umiimik.

"Wag mong kakalimutan iyon ah. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kahit ano pang mangyare, kahit pa isang araw magkahiwalay tayo ng landas, lagi mong tatandaan na mahal kita." Doon na mas bumilis sa pagtibok ang puso ko. Bumigat din ang paghinga ko.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

Alam kong may mali, alam ko.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Tell me everything." Utos ko sa kanya Tinanggal ko ang pagkakatitig sa kanya at ibinaling

ang mga mata ko sa araw na papalubog na ngayon.

"Si Ella... Panimula niya. Hinahaplos niya ang mga kamay ko habang nagsasalita siya.

Napangiti ako ng mapait, kasabay ng pag init ng
mga mata ko. Tanda ng luhang nagbabadyang tumulo mula dito.

"Hindi ko alam kung bakit. But I think I'm starting to fall in love with her." Patuloy niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Kelan mo pa siya nakilala? Malumanay na tanong ko, Hindi na kaba ang nararamdaman ko kundi lungkot, Lungkot na hindi ko alam kung pano lalabanan.

"Two weeks ago." Sagot niya.

"Ah."

Bumangon na siya mula sa pagkakahiga sa kandungan ko at ginulo ng bahagya ang buhok niya, "Mahal kita. Alam kong mahal kita Rina. Sigurado ako doon. Pero naguguluhan ako kase parang ganun din yung nararamdaman para sa kanya."

I smiled. Oo, nginitian ko siya. Pero hindi niya ako nginitian pabalik, Alam kong nakita niya ang
kalungkutang pinapakita ng mga mata ko.

"I'm not saying this cause I'm breaking up with you."

"Choose her." I said in a very calm tone. Mga salitang naging dahilan ng hindi makapaniwalang itsura niya ngayon.

"W-What?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. I said choose her. Siya ang piliin mo, huwag ako." Napansin kong ayaw talaga niyang maniwala sa akin.

"I'm not joking Kian. I'm serious. I'm not mad. Hindi ako galit sa'yo. I have no reason para magalit.

"Pero---"

"Believe me Kian, I'm going to be okay. Wag mo kong alalahanin. Pangungumbinsi ko pa.

"I love you!" He suddenly said. "I love you Rina.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.

I do not want to see him like this.

Tuluyan na ring bumagsak ang mga luhang kanina ka pa pinipigilang lumabas.

Wala na.

Ang pinakaayoko sa lahat ay yung ganitong nag iiyakan kami sa kabila ng isipin na kailangan naming mag usap.

Hindi kami makakapag-usap ng maayos kung ganito.

Kinalma ko ang sarili ko. Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko.

Ng mahinang paghikhi na lang niya ang naririnig ko, huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Do you really love me?" Tanong ko.

"O-Of course." Mabilis na sagot niya. "Hindi." Sabi ko na ikinagitla niya.

"A-Ano bang s-sinasabi mo Rina? M-Mahal kita."

Napailing ako. "Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo ngayon para sakin Kian. Siguro noon mahal mo talaga ako. Ramdam ko naman yun eh. Pero Kian. ngayon... Sigurado akong hindi pagmamahal yang nararamdaman mo sa akin. It's either naaawa ka lang sa akin, o nakokonsensiya ka lang. Yun lang yun Kian."

Napatahimik siya sa sinabi ko. Bumaba din ang tingin niya sa lupa. Napaisip siguro siya.

"Kung iniisip mo na mali yang nararamdaman mo para kay Ella, nagkakamali ka. Hindi mali iyon Kian. Nagmahal ka lang naman eh. Hindi mo naman mapipigilan yang puso mo na mahalin siya. Ang mali mo lang, hindi mo agad ako sinabihan. Kung sinabi mo lang ng maaga, pinakawalan na kita matagal na."

"Mahal kita Kian! Mahal na mahal! And all I want is to make you happy. Kahit ano basta ikasasaya mo ibibigay ko. Kahit pa ang kapalit nito eh yung kasiyahan ko." Huminga muna ako ng malalim dahil ramdam ko nanaman ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko

"Mahal mo siya. Anong magagawa ko? Pipigilan kita?

"Pero mahal kita---"

"Hindi ako selfish Kian!" Pigil ko sa kanya.

"Kung mahal mo talaga ako bakit ka nagmahal ng iba? Sabi nga nila diba... Pag nagmahal ka ng dalawa, piliin mo yung pangalawa, kase hindi ka naman magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga yung nauna."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya dahilan para magkatitigan kami ng sobrang lapit ngayon. "Mahal kita. That's why I'm letting you go Kian."

Sabi ko sa kanya habang nakatitig ng mabuti sa mga mata niya. "I love you. Always remember that." Then I smiled. A sad smile to be exact.

"Rina..." Tawag niya sa akin saka hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya at hinalikan iyon. "I'm sorry."

"Don't be. Nagmahal ka lang. Walang kahingi-hingi ng tawadun." Sabi ko pa at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata niya.

"Now, I want you to go to Ella and tell her everything you need to tell her. Wag ka ng magsayang ng oras.

Uuwi rin ako. Mag ingat ka." Kinuha ko na yung bag ko saka nagsimulang maglakad palayo. "Wait! Rina!" Sigaw ni Kian, dahilan para mapalingon ako.

"Thank you." He mouthed. Tumango na lang ako at kinawayan siya bago tumalikod at maglakad ulit papalayo sa kinaroroonan niya.

Ngayong araw, kasabay ng paglubog ng araw, tuluyan ko ng pinalaya ang taong mahal ko.

Sana sa pagpapalaya ko sa kanya, lumaya na rin ang puso ko.

END.

_

Ikaw, are you willing to let go?

- your_agatha

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now