XVII. Ang Plano....

Magsimula sa umpisa
                                    




"Hmm..bakit gising ka pa?"malambing na untag ni Karla kay Rafael nang maalimpungatan siya at nakitang gising pa ito. Seryoso lamang itong nakatitig sa kisame at mukhang malalim ang iniisip.


Sinikop lamang siya nito papunta sa dibdib nito at tiningnan ng matiim sa mata. Sa isang iglap ay alam niya na kung ano ang tumatakbo sa isip ni Rafael ng mga sandaling iyon.


Napabuntung-hininga na lamang siya at lalong nagsumiksik dito.

"Ano ba talagang plano mo? Yung totoo na ha!"dinugtungan pa niya ng biro ang tanong. Saglit na ngumisi lamang ito bago muling sumeryoso.


Ilang sandali pa ang lumipas bago ito nagsalita sa wakas.

"Diba sabi mo, narinig mong nag-uusap si Donald at Encomienda tungkol sa plano nila sa amin? At may isa pang nakarinig? Yung janitress?"


"Si Ate Lars? Oo"


Doon nagpalit ang ekspresyon sa mukha ni Rafael. Waring nag-aatubili ito at naging maingat sa mga sumunod na sinabi.

"K-kung sakali bang lumaki lalo ang gulo at umabot sa korte ang lahat—"


"Kung willing akong maging witness?"siya na ang nagpatuloy sa sinasabi nito.


Tumango lamang si Rafael at parang kinakabahan pa habang pinapanood ang ekspresyon ng mukha niya.

"Yes.... alam kong pinsan ko si D pero mali yung ginawa niya. S-sobra yung ginawa niya..I never thought he'll be like that.."malungkot na saad niya at napayuko na lamang.


Hindi niya talaga inakala na ganoon katindi ang pagnanais ni Donald na makuha ang lupa nina Mang Ernesto na nakuha nitong ipasunog ang taniman nina Rafael.

'Mahahawakan natin ang buong San Carlos..' she remembered him saying over the phone.

 

Bakit at kailan pa naging ganoon ka-ambisyoso ang pinsan niya? Maayos naman ang D.C. kahit na maituturing pa rin itong maliit na kompanya kumpara sa iba. Tingin niya din naman ay hindi naman ganoon katindi ang pressure na ibinibigay ng mga magulang nito. 


Siguro ay naimpluwensiyahan na din ito ni Mayor Encomienda.


"Salamat.."tila nabunutan ng tinik si Rafael sa pagpayag niya.


"Bakit? Akala mo si Donald pa rin ang kakampihan ko?"maang na tanong niya kay Rafael.


"H-hindi! Hindi yun..ano lang.."naging mailap ang mga mata nito at parang nahihiya sa sarili.


"Ano?"mahinahong untag niya dito at sinimulang damahin ang pisngi nito, pababa sa baba kung saan bahagya pa lamang tumutubo ang mga balbas.



"B-baka kasi... isipin mong ginagamit ulit kita.."


"Baliw! Hindi noh. Alam kong nagsisi ka na sa ginawa mo at pinatawad na kita. And I know you won't do it again. Nagtitiwala ako sa'yo"puno ng sinseridad na sagot niya kay Rafael. Pagkatapos ay binigyan niya ito ng payak na ngiti na sinuklian naman nito.


"Salamat at sorry talaga.."pagkasabi niyon ay hinalikan siya nito sa noo. Tumango lamang siya at hinigpitan ang pagkakayakap kay Rafael. At pagkatapos i-adjust ang kumot na tumatabing sa hubad nilang katawan ay muli na silang natulog.





Nagising si Karla sa matinding sikat ng araw kinaumagahan. Rinig na rinig na niya kaagad ang ingay na nililikha ng iba't-ibang aktibidad na nagaganap sa labas ng kwarto. Wala na si Rafael sa tabi niya pero nagulat pa siya nang mapagtantong sinuotan pala siya nito ng damit habang natutulog. Yun nga lang, t-shirt lang nito iyon.


Mabilis niyang hinagilap ang sariling mga damit sa paligid ng papag at nagbihis. Paglabas niya ng kwarto ay bumungad sa kanya ang napakabangong aroma ng kape at sina Aling Antonia at Elay na nag-aayos pa rin ng ilang gamit na naapektuhan ng sunog. Si Artemis naman ay abala sa pagsasaing habang naririnig naman niya ang boses ni Rafael sa may di kalayuan.


Automatikong naglingunan sa kanya ang mga tao kaya naman parang gusto niya tuloy pamulahan ng mukha. Feeling niya ay sinusuri siya ng mga ito ng maigi.


Obvious kaya?! Wish niya lang ay naging 'quiet' lang talaga sila ni Rafael kagabi.


"A-ah..magandang umaga po.."nahihiyang bati niya sabay yuko.


"May maganda pa nga naman sa umaga, Karla. Kompleto pa rin naman kami, naisalba itong bahay sa awa ng Panginoon"noon lamang siya muling kinausap ni Aling Elay.


Come to think of it, wala naman talagang imik ang karamihan mula kahapon. Alanganing ngiti na lang ang isinukli niya kay Aling Elay dahil hindi siya sigurado kung pasaring ba iyon o hindi.

"Maupo ka"ani Aling Antonia. Ano mang kalamigan at bakas ng pag-aalala na makikita dito nung mga nakaraan sa tuwing kakausapin siya ay wala na. Mukhang nasabihan na ang mga ito ni Rafael.


Tumalima siya at naupo sa tabi ng mga ito. Dinig niya pa rin ang boses ni Rafael na tila may kausap sa telepono.


"Tinatawagan na ni Rafael ang lahat ng kakilala niya na makakatulong sa amin"pagbibigay-alam sa kanya ni Aling Elay. Kung ganoon ay pinapagana na ni Rafael ang mga koneksyon nito.


Tumango lamang siya at hindi nagsalita dahil tila may gusto pang idugtong ito.

"H-handa ka na ba kung sakali man? Sigurado ka na ba sa papasukin mo? K-kamag-anak mo si..."


"Opo"matatag na sagot niya at tumingin ng tuwid sa mga mata nina Aling Elay at Antonia, pati na rin kay Artemis.


At hindi niya maipaliwanag ang kagaanan ng pakiramdam nang ngumiti sa kanya si Aling Elay ng buong respeto.


"Maraming salamat, Karla"

  

Tumango lamang siya at luminga-linga sa paligid, habang pinipigilan ang pagkawala ng isang malapad na ngiti.

"May maitutulong pa ho ba ako? Sa paglilinis?"masiglang tanong niya habang kagat-kagat ang labi. Ramdam niya kasi na bumalik na ang dating pagtanggap at pakikitungo sa kanya ng mga ito.

"Naku, hayaan mo na sa mga lalaki 'yon. Maghanda na lang tayo ng mamemeryenda at tanghalian.."tugon ni Aling Elay.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon