Chapter 24: Together

Start from the beginning
                                    


Muli kong binalik sa maleta ang nakita ko sa parehong posisyon kanina. Isinarado ko na ang maleta nang masiguro ko nang wala na itong naiwang laman. Pinagtabi-tabi ko ang tatlong maleta sa loob ng huling pintuan ng cabinet.


Inayos ko naman ang hinigaan ko at nilapitan na si Ken upang gisingin ito.





"Mahal?" sabay nang mahinang pagtapik ko sa mga balikat niya. "Mahal"


Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga pagkamulat niya ng mga mata niya. Napaupo siya bigla at pinatabi niya ako sa gilid niya habang hinahaplos-haplos ang mga pisngi ko.


"Mahal. Bakit tumayo ka na agad? Hindi ka na ba nahihilo? Dadalhin na ba kita sa ospital?"


Ibinaba ko ang mga kamay niya, "Okay na ako Mahal. Ano ka ba? Alam mo naman yun diba?"


Mukhang natigilan siya sa sinabi ko.


"Anong alam ko?" tinanong niya ako pero paiwas naman ang mga mata niya.


"Wala Mahal. Halika na, malapit na palang maggabi. Dinner na tayo?"


Mukhang guminhawa siya nang iniba ko ang usapan. "Sige Mahal. Magbibihis lang ako ha"


"Sige Mahal. Hintayin kita sa sala."





Tumayo na ako mula sa couch upang lumabas ng kwarto pero bago ako tumungo sa sala ay dinaanan ko muna ang isang maliit na cabinet dito sa may dining. Kinuha ko ang bote na nilagay ko dito, at kumuha akong isang tableta sabay kuha na rin ng isang basong tubig.


Agad kong ininom ang tablet na yun. Lumingon ako sa pintuan ng kwarto at buti na lang hindi pa siya lumalabas.





I was patiently waiting for him at the sala when his phone rang. Kilala ko ang ringtone niya. Hinanap ko lang kung saan ito dahil parang malapit lang, parang hindi galing sa kwarto. Sinundan ko ang tunog at nakita ko nga ang phone niya sa bulsa ng coat niyang nakahang dito sa sala.


Pagsagot ko, nagulat ako dahil kilala ko ang boses na ito.


"Ano bata? May desisyon ka na ba? Isang linggo hiniling mo sa akin diba...Wag mong kakalimutan, September 25, kailangan ko na ang desisyon mo" ang sabi sa kabilang linya. Tigas ng bungo ni Bruno, ginagawa pa akong pain.





Love You, SunsetWhere stories live. Discover now