CHAPTER 3

19 15 1
                                    

Aedra's POV

"Simula ngayon tandaan niyo kung saan kayo nakapwesto.Iyan ang magiging pwesto niyo everytime we need to gather"

Someone's having fun staring at me

Kanina ko pa nararamdaman ang tingin na ito simula ng maupo kami,imposibleng si ives ito dahil masyadong nakatutok ang atensyon nito sa babaeng nagsasalita sa aming harapan

"Also every group have different buildings,but you can have a same sections"

Nang bahagya akong lumingon sa kaliwa ay nahagip ng aking paningin ang isang babaeng mahaba ang buhok at may kayumangging kulay ng balat,kitang kita ang mahabang sugat sa gawing mata nito na nagiwan ng isang hindi kaaya-ayang peklat sa kaniyang mukha

Ngumiti ito sa akin at kumaway,tila ba kahit nakababa ang hood ko ay kitang kita niya ang tinging ibinibigay ko sakaniya

"The rest will explain by your leaders.To those students who have classes,you may now go to your class.Dismiss."

Nagsimula itong tumayo,kasabay ng pag alis ng mga estudyante sa kaniya kaniyang pwesto,tsaka ito nagumpisang isaayos ang mga nagulong upuan

"Lets go Aedra" rinig kong pag tawag sa akin ni Ives,ngunit ang paningin ko ay nanatili lamang nakatuon sa babaeng ngayon ay nagbibilang ng patago sa kaniyang daliri

"Maestà?" Pagtawag nitong muli

"What?"

"Cosa c'è che non va?" Nagaalalang tanong nito sa akin,ngunit imbes na sumagot ay tumayo lamang ako at nagsimula ng maglakad papalabas.

"Wait Aedra,nakalimutan ko pala yung mapa sa loob,kukunin ko lang sandali" pagpigil na sa akin ni Ives sa gitna ng aming paglalakad

"Huwag na,sundan mo na lamang ako" sagot sakaniya dahil kabisado ko naman ang mga daan.kahit na may pagtataka ay pinili na lamang nito na sumunod sa akin,marahil ay alam na niya ang ibig kong sabihin

Mas nakakabuti ng umiwas dahil iba ang kutob ko sa babaeng iyon.Maaaring may mangyaring masama kung bumalik pa kaming dalawa sa loob

Habang naglalakad ay nasa amin ang paningin ng ilang mga estudyante,ang iba ay pasimpleng kumukuha ng larawan,ang ang iba naman ay nagtatawanan at nagbubulungan,mas tama sigurong sabihin na ang pagsabay ko sa paglalakad ni Ives ang kanilang pinagtatawanan

sanay na ako sa ganitong eksena, tulad noon ay ganito rin ang ilang mga estudyante sa dati naming pinasukan.Puro pagpuri ang natatanggap ni ives dahil sa taglay nitong kagwapuhan.Mula sa katamtamang kulay ng balat nito,matangos na ilong,mapupulang labi at kulay tsokolateng mga mata na halintulad sa kulay ng kaniyang buhok,idagdag pa ang magandang hubog ng pangangatawan nito.

Samantalang kung paano siya puriin ay ganoon naman ang panlalait na aking natatanggap dahil sa paraan ng aking pananamit,ngunit pinagsasawalang bahala ko lamang ang mga ito dahil mas komportable ako sa ganitong kasuotan,presko at maitatago ko ang lahat ng pwedeng maitago sa aking katawan

Lalo namang dumikit sa akin si Ives hanggang sa makarating kami sa cafeteria.Halos puno ito ng mga estudyanteng nakatambay,ang iba naman ay kumakain habang nagkukwentuhan

Nang makahanap kami ng upuan ay may naiwan pang pinggan sa ibabaw nito,kaya nagmadaling inalis ito ni ives bago ako alalayan sa pagupo

"What do you want to eat?"

"anything"

Matagal pa itong tumitig sa menu bago ito nagsalita

"Wala namang anything na nakalagay dito"

The HeirWhere stories live. Discover now