Sapagkat may Fun Facts ang Hundred Days with You, meron din to. Nararapat lamang na sumunod tayo sa tradisyon. Hahaha.

1. Nung pinost ko yung prologue ng FAADWY, kabang-kaba ako. Alam ko naman kasing love na love nyo ang HDWY kaya natatakot ako na hindi ko mareach yung expectations nyo sa book 2.

2. Sinimulan kong gawin ang FAADWY nung start of classes na. Naging busy ako kaya I'm aware na hindi ko naayos masyado ang bawat chapters. Minsan 2 pages lang, madalas 3 pages.

3. Panahon ng FAADWY yung time na halos bumitiw na ko sa pagkafangirl sa KathNiel. Ilang buwan na akong hindi nanonood ng Princess and I tapos hindi na ko nagbobrowse sa Tumblr at puro acad related na yung tweets ko sa Twitter.

4. Dahil nga nawawala-wala na ang pagkafangirl ko, sobrang hirap na kong ituloy pa ang FAADWY. Dumating yung time na dapat idedelete ko nalang to basta basta tapos hindi na ko magpaparamdam sa inyo. Hahaha. Kaso ang  immature naman nun. Kaya ang ginawa ko, inonhold ko nalang.

5. Inulan ako ng tweets at posts dito sa Wattpad nung nagannounce ako that there will be an audition for Katsumi's girl. Hahaha. Grabe. I'm sure nagenjoy din ang readers sa mga pinagsusulat nyong kabaliwan.

6.Ramdam kong maraming readers ang nawala sakin dahil sa malapagong kong paguupdate. Tapos yung plot pa ay sobrang saksak puso laslas pulso.

7. Kaya nga super thankful ako to those people who stayed until the end. Tinanggap ang bawat pangyayari kahit buong book yata eh pinaiyak ko na kayo ng pinaiyak. Well except dun sa BS Chapter. Aminin.

8. Alam ko sa sarili ko na ang fail ng FAADWY. Ako mismo, hindi ako satisfied sa nagawa ko. Ang hirap talaga magsulat kapag wala sa ginagawa mo yung puso mo. Pero kahit ganto, love ko pa rin ang FAADWY kasi kung hindi, baka hindi sya nageexist ngayon kasi matagal ko na syang nabura.

9. Saktong sembreak nung magtatapos tong book 2. Yung mga pahuling chapter, medyo naayos ko na yung paggawa. Originally, dapat dito na magtatapos ang series, as in wala nang book 3. Pero gusto kong bumawi kasi nga hindi ko naayos tong FAADWY. So I decided to do the third book.

10. Pinolish ko na ang natitirang chapters ng FAADWY and made sure na ang ending nito eh yung malakas makabitin. Sa paggawa ko ng gantong klaseng ending, I know mixed reactions ang makukuha ko. Some will hate it and leave the series, but some will be curious and proceed to the next book.

11. Though I didn't plan this, I realized na I somehow sacrificed the kilig moments of this book to make way for Book 3's plot. You see, book 3 will not happen if only the characters in this story were able to achieve the ending everyone wants them to have.

12. When I finished this book, may nabasa akong comment or post yata na sabi eh. "Congrats ate! Saksi ako sa mga pinagdaanan mo matapos lang tong book na to......."Hahaha. I love that comment. Natuwa ako na may nakapansin na halos igapang ko na ang librong to matapos tapos ko lang.

13. Ang tagal bago marelease ang soft copy nitong book 2 kasi ako mismo hindi ko magawang basahin ulit yung ginawa ko. NAHUHURT DIN AKO. Hahaha. Kaya nga hindi ko nalang inedit. Kung ano yung nandito yun na rin yung inupload ko. Bahala na kung may typo o wala. 

14. Soft copy of this book is now available for download. Click the external link if you want.

15. Book 3 entitled A Night with You is already posted. You can see it in My Works if you visit my profile.

ONCE AGAIN.

Never ending thanks to those who decided to stay. Mas lalong thank you sa mga tumuloy hanggang book 3.

LASTLY,

Sorry sa pagpapaiyak ko sa inyo sa book na to.


Kaya lang naman kayo naging affected kasi mahal nyo yung characters ng story eh. Kung yung kontrabida yung papatayin ko, diba magsasaya pa kayo? That's because you hate that character.

Kaya sa mga umiyak at nasaktan. SALAMAT. Salamat kasi minahal nyo ang mga characters dito kahit pa medyo malayo sila sa tunay na pagkatao nina Seth, Kats, Lester, JC, DJ at Kath.

See you in Book 3!

And this shall be my last post here in Forever and a Day with You.

whenitcomestolove,


*really* SIGNING OFF.

Forever and a Day with You [HDWY 2] (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!