Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell

13K 357 39
                                    

FEAR

Mabilis na lumipas ang araw. Miyerkules na ngayon at dalawang araw na lang ay debut ko na. Ibig sabihin, magiging legal na akong lumandi. Pero biro lang, gusto ko na lang talaga mag-focus sa pagaaral ko. Nakakuha pa naman ako ng 3.5 sa isang subject ko. Pag nangyari ulit 'yun sa susunod na sem, mawawala na talaga 'yung scholarship ko. Kailangan kasi 2.9 pataas 'yung mga marks ko. Kaya naman i-maaintain kaso minsan talaga, its either nagiging engot ako o nangti-trip lang 'yung Prof ko. Pero para sa akin, ayos na rin 'yung 3.5 no! Sa college, sini-celebrate na 'yun kapag nakakuha ka 3.5.

"Nger? Ingbaynged ba angu?"

"Ngongo ngaman, este, oo naman Ngo, invited ka, kayo ni Cheesy," turan ko kay Ngo sabay tingin kay Cheesy. Naglalakad kami papuntang locker room ngayon, andun kasi sa locker ko 'yung listahan ng ingridients ng sabon na gagawin namin para sa project namin sa Marketing kaya eto, sabay-sabay kaming naglalakad papunta roon. Actually, nursing talaga iyung course si Ngo at nakiki-seat in lang siya sa amin, nilalait kasi siya sa mga tiga-department nila, at dahil nga mag-best friend kaming tatlo, sama-sama kami palagi kahit pa iba-iba ang course namin. Si Cheesy, Marketing, si Ngo, Nursing. Ako? Embalming! Chaross! Siyempre, Finance.

"Waaaa! Fear? Anong susuotin mo?" maluwalhating tanong ni Cheesy.

Napahinto naman ako. "Malamang, mag-susuot ng damit. Ano bang klaseng tanong 'yan Cheesy?" naabu-bwesit kong bulalas kay Cheesy. Anong klaseng tanong 'yun? Malamang magpa-panty at magba-bra ako. Alangan namang nakahubad? Ano 'yun? Naked party? Ginagago talaga ako nitong si Cheesy e.

<*PLAK!*>

"Aray! Cheesy, ano ba?"

Natamaan ako sa ulo. Binato ako ni Cheesy ng tirador na ninakaw niya sa mga yagit sa labas ng university.

"Wala ka talagang alam tungkol sa debut no?" mataray na sabi ni Cheesy.

"Mayroon! Anong akala mo sa akin, bobo?" medyo naiinis kong bulalas. Pero... ano nga bang alam ko sa debut?

"Kung mayroon, ano?" tanong ni Chessy, napahinto naman si Ngo sa pagca-clash of clans. Pareho sila ni Chessy na napatingin sa akin at tila hinihintay akong sumagot.

"Kakain ng cake?" sagot ko na naging dahilan upang pareho akong sabunutan ni Cheesy at Ngo.

<*NGANGA!*>

* * *

"Sorry, Fear," may sinseridad na sabi ni Cheesy.

"Ngory Nger," ngungon, este tugon ni Ngo.

"Okay lang. What are friends for right kung hindi nagkakapiskalan?" nakangiti kong sabi sa kanila. Mabilis kaya akong magpatawad, remember? Pero kahit ganu'n, may isang tao pa rin akong hindi napapatawad. Kung sino? Hindi si Heaven o 'yung mga manyak na nambastos sa akin sa mini-park kundi ang sarili ko. Oo, hindi ko pa napapatawad ang sarili ko sa katangahang ginawa ko noong nakaraang gabi. Pakiramdam ko ay sumobra ako kay Heaven. 'Yung oras na nakita ko siyang umiyak sa may pedestrian lane ay ang kaparehong oras na nakaramdam ako ng matinding sakit. Pakiramdam ko, sinaktan ko ng sobra si Heaven. Alam kong sinaktan n'ya ako pero tama bang saktan ko rin siya? Hindi. Alam kong mali, kaya ngayon, sobrang nagui-guilty ako.

"That slut." Habang naglalakad kami papunta sa may locker ay biglang nagbulong-bulongan 'yung mga babaeng nadadaanan namin.

"She'll be dead," sabi nung isang babae. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, parang may-mali.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon