chapter 13 | romancing dominance

6.9K 294 17
                                    

"Seriously, Jakob? Anong ginagawa mo d'yan?" Ang tanong ko nang makita ko siyang nasa itaas ng puno.

I maintained a bitch face while looking up at him. It's too early in the morning and here I am stressing because of this man.

Nakakatakot ang layo niya mula sa lupa. Paano nalang kung mahulog ang damuho d'yan? Ang laki pa naman niyang bulto.

"I'm fetching your mangoes, hon. Sabi mo gusto mo, kaya kinukunan kita!" He shouted from the top.

His other hand was full of green mangos and the other one was holding a small tree branch.

Ewan ko kung matutuwa ako o mas matatakot sa mga sinabi niya.

He was ecstatic this early in the morning. What could he be thinking? Jakob's face was painted with a smile.

"Just get down here, Jakob! Let Roman or Baste have it for me!" Ang sigaw ko habang nakatingala sa kaniya.

Nanliligaw daw siya kaya ginagawa niya 'to.

Seriously, dapat ba lahat ginagawa ng mga gusto ng nililigawan? My gosh. Iba 'ata ang pagkaka-intindi niya sa mga salita niya mismo.

"No! Bakit sila pa kung nandito naman ako!" He argued. He even scowled at me.

This man.

Tumingin ako kay Glends for help but the girl was already busy with binabalatang mangga kasama sina Baste.

Pinagpapawisan ako sa pinagagagawa ni Jakob.

"Jakob naman, huwag matigas ang ulo, please. Enough na'tong nandito sa baba. Get down na."

I give him a pleading look.

Nang magising ako, I decided it would be good to run the area for exercise. Nang mag jogging ako kasama sina Glenda at Baste ay napadaan kami sa parte ng hacienda kung saan nakatanim ang mga punong mangga, to be specific the mango plantation.

Nang mapadaan kami, some of the farmers were calling me to have some, and I don't want to act rude so I gladly approached them.

Perks of being the owner's fiancée.

Masasarap naman ang mga mangga lalo pa't hitik sa bunga ang mga puno kaya maglalaway ka talaga.

I was startled when Jakob got here in an instant.

May nagsabi raw sa kaniya na nandidito ako kaya kahit naka pajama pa at white tee shirt ay sumulpot siya dito.

"Senyorito, nag-aalala na ang mapapangasawa mo! Bumaba ka na!" May sumigaw na magsasaka.

Ngumiti lang si Jakob dito at pinagmalaking nangliligaw siya kung kaya't ganito.

Namumula ang mukha ko habang pinapanood si Jakob na pababa ng puno.

Makababa lang 'tong damuhong 'to, bibigwasan ko talaga 'to.

"Have a look at it. Masasarap 'yan, Miracle."

I looked at the mangoes at muling tumingin sa kaniya sa itaas.

"Ayaw mo talagang bumaba? Baka mahulog ka Jakob, ano ba!" Ang nakapameywang kong sigaw sa kaniya.

Other farmers are looking at us right now at halos silang lahat ay nailing sa pinagagawa ng senyorito nila.

They were saying things like hayaan ko na raw at ginusto naman ni Jakob.

"Come on, hon! Kaya ko dahil kinalakihan ko ang pag-akyat ng puno. Look, nandito na nga ako sa itaas oh. Wala ka 'atang bilib sa mister mo." This man. Ang hangin ah.

Romancing Dominance [BL][COMPLETED]Where stories live. Discover now