Chapter 7: Cliff

143 12 17
                                                  


A/N: Ahm, nagbago ang isip ko, ngayon na lang ako mag-uupdate. 😁😊

Makki's POV

Medyo nag-aalala pa rin ako kay Allyson. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang tapunan siya ng tingin minu-minuto.

Ang tigas rin ng ulo ng babaeng 'to eh. Kahit naman anong gusto ay gagawin at gagawin. Ito nga't hinahanap namin kung saan na ba kami dadaan.

I was about to look at her again when I heard her speak.

"I'm perfectly fine, Makki. Don't worry about me."

I snorted. "Ano?" Masyado naman siguro akong nag-aalala?

Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Kanina pa kita napapansing tumitingin sa gawi ko," aniyang tumingin na ulit sa dinadaanan namin.

I looked onward. "Malay ko, baka mapano ka dyan. Poproblemahin pa kita. Mahirap na, bubuhatin pa kita niyan."

Napasinghap siya at naramdaman ko ang pagdapo ng palad niya sa braso ko.

"Aray naman, Allyson. Ang brutal mo talaga. Tsk," reklamo ko habang hinahaplos ang braso.

Ang sakit kaya, guys.

"Ganun? Eh, di wag kang mag-alala!" she shouted and stormed away from my side.

"Hoy! Hwag ka na namang lalayo! Baka mapano ka na naman."

Hala. Ayun. Walk out ulit. Tsk. Bipolar talaga ang mga babae kahit kailan.

***

Allyson's POV

Naramdaman kong nakahabol na si Makki sakin, parang isang metro na lang ang layo.

"Allyson! Wag ka namang mabilis. Grabe ka, ang liit mo pero ang bilis mong—"

"Oo na. Porke ba mataas ka?" naaasar kong lingon at inirapan ko siya. Nagpatuloy ako sa paglakad.

Lord. Bakit po hindi Ninyo ako biniyayaan man lang ng height? Huhuhu.

Maliit ba masyado ang 5 ft sa kanya? Haist. Nasa 5 ft 11" ata si Makki at may itataas pa siya. Ako kaya?

"Allyson..."

"Bakit ba?!" asik ko at lumingon ulit sa kanya.

Parang hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. Ano kaya ang problema nito.

"Hoy, ano na?" I asked impatiently.

"Can you—" simula niya na nagsasalubong ang kilay. Tapos bigla siya napasigaw. "Aray!"

"Tsk! Ano yan?!" tanong ko na medyo padabog na naglakad patungo sa kanya. Kailangan kong gawin ang mga maliliit na bagay man lang para sa kanya. He saved me yesterday and I will never forget that time he arrived to my rescue.

Wait?! I haven't even thanked him yet! Grrrr. Grabe ka, Allyson!

Teka, bat ba umaray to. Pagtingin ko sa kanya ay para siyang nagsasyaw habang inaabot at hinihila ang damit niya sa likuran. Nagsakubong ang mga kilay ko. Di ko alam kung mag-aalala o matatawa ako sa kanya kasi para siyang baliw na nag-iimitate ng sayaw gaya ng mga Igorot.

"Allyson—I need help!"

"Pano kita matutulungan niyan eh ang likot mo!"

"Ugh, just look—" nahihirapan niyang sabi. Pinagpapawisan na siya sa kakaikot. "Aww. Damn," he cursed silently. "Ally," aniya sa nakikiusap na tono.

Hinawakan ko siya sa braso mula sa likuran para patigilin siyang gumalaw. Saktong may lumalabas mula sa loob ng damit niya sa collar. Mabilis ko yung pinitik.

"Malaking gagamba. Shucks," sabi ko.

"It stings. Yung mga kinagat," sabi ni Makki at humarap sakin.

Sobrang lapit niya siguro o nabigla ako sa pagharap niya dahilan para umatras ako. Before I knew it, I accidentally tripped on a rock as I stepped back from fright and I lost balance.

Mabilis akong hinawakan ni Makki pero nahulog na kami pareho. Sht. Nahuhulog na naman.

I cant't belive this! Wala na bang araw dito na hindi kami mapapahamak? Ako? At ano 'to, palagi na lang kami gumugulong! Tsk.

Mabilis ang pagbaba namin. May mga bato kaming nagugulungan.

"AHH!" I shouted in pain as my back caught on something hard. I heard Makki gasped. I think he was in pain too. Branches and leaves produced crisp sounds as we rolled down.

Sa mabilis naming paggulong pababa naramdaman ko na lang ang paghulagpos ng kamay ni Makki na nakayakap sa 'kin. Bago kami tuluyang magkahiwalay ay nakita ko sa mata ni Makki na nasasaktan siya. Siguro nasugatan siya.

Ghad. Malas naman namin oh.

Tumama ako sa isang puno at napasigaw ako sa sakit ng impact no'n. The trunk stopped me from rolling further. I tried to ignore the pain and I hastily looked at Makki. He was rolling slowly.

Inipon ko ang lakas ko at pinilit kong umupo. I leaned on the tree. My left shoulder was throbbing in pain.

Tumingin ako sa kabila ng puno at nanlumo ako kasi isang metro mula sa lugar kung nasaan ako ay may bangin. Opposite this tree was a waterfall.

I looked back at Makki in horror. He was rolling down towards the cliff almost passing away from me. Bago siya mahulog ay nahawakan ko pa yung galang-galangan niya gamit ang may injury kong braso. Napaungol ako sa sakit.

"Makki. . .come on, you have got to be kidding me," I said frustatedly. I was lurching forward as his weight dragged down the cliff.

"Makki!" I screamed helplessly. Nahihirapan na ako sa kalagayan namin. Ang sakit-sakit na ng kamay ko at mahuhulog na siya pati ako.

"No. No. No!" naghihisterya kong sigaw nang dumadausdos kami pababa. I was pannicking. I tried hauling him back pero di ko kaya. Ang bigat niya. Sheda.

Yes. Bes. Ganito kapag mataas ka. Dagdag timbang. -other side 2

Ugh.

"Shit ka, Makki! I really hate you. Please no," humihikbi kong pakiusap sa kung ano.

Tumingin siya sakin. Medyo may takot sa mata niya. "Hwag kang bumitiw, unggoy ka!" banta ko sa kanya habang sinubukan ko ulit na hilain siya.

Napangiwi si Makki sa lakas ng sigaw ko. Malapit na malapit ng humulagpos ang kapit namin sa isa't-isa.

Tumingin si Makki sandali sa baba at pagkatapos sakin.

"Don't worry, amasona," aniya at binitawan ang kamay ko.

"No!"

Maraming salamat sa pagbasa! Mahal ko kayo. 😘

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon