Chapter 1: Buzzcut

931 30 1
                                    


"Alex may dala kang charger?"

Nasa daan kami ngayon papuntang probinsya ni Vane kaibigan namin. Start na ngayon nang bakasyon sobrang stress namin kaya kailangan namin to. Si Vane ang katabi ko sa shotgun dahil s'ya ang may alam nang daan. Si Trisha naman ang nasa likod.

"Akala ko ikaw mag dadala?" Ang tagal tagal n'ya nag impake tapos nakalimutan pa pinaka importanting bagay.

"Vane may charger ka naman di ba?" ani ni Trisha, habang nag hahalungkat pa rin ng bag.

"Samsung phone ko pero mabait naman ako papahiramin ko pa rin kayo." Naka ngiting ani ni Vane. Inirapan lang s'ya ni Trisha at nag hanap parin sa mga bag niya."Ay nako pag dating n'yo sa'min makakalimutan n'yo na may cellphone kayo," nag mamalaking dugtong pa niya.

"Hoy may kabayo! Alex stop the car I want to take photo of the horse!" sigaw nanaman ni Trisha at kinunan ng litrato yung kabayo mula sa kotse.

Nasa bundok na kami at parang bata 'tong isa naming kasama. Ang ganda ng mga tanawin sobrang sarap mag drive pag ganito lalo na at walang traffic. Malayo layo pa ang pupuntahan namin kaya naisipan naming na kumain muna sa nadaanan naming na karinderya.

"Hala bakit wala ng signal?" reklamo ni Trisha

"Nasa bundok na kasi tayo kaya kumain ka na lang," sagot ni Vane

Habang kumakain kami meron ding mga taga maynila na huminto sa kinakainan namin. Nakita nanamin sila sa bar na pinupuntahan namin kaya pamilyar na ang mga muka nila. I don't know pero yung naka buzz cut yung naka agaw ng pansin ko. Ang linis nya tignan lalo na sa white t-shirt nya at long shorts. Tapos na kaming kumain kaya nag bayad na kami at umalis.

"Alex ako naman mag drive," Alok ni Vane kaya binigay ko naman sa kanya ang susi at pumunta sa shotgun. Bago pumasok nakita ko pa ulit yung lalaking naka buzz cut na naka tingin sakin? Nag ka titigan pa kami ng five seconds bago ako tuluyan na sumakay.

Kahit ang dami kong nakikitang mga kabayo sa daan di mawala sa isip ko yung titigan namin. Natulog na lang ako dahil bakasyon na malabong mag kita pa ulit kami.

"Nandito na tayo!!!" na bulabog kami sa sigaw ni Vane, Nakita naming ang malaking bahay sa harap namin. Sinaunang bahay s'ya pero di mo maiwasan na mamangha sa ganda nito.

"Vane di mo naman sinabi na kamag anak mo pala si Cinderella. Naka gown ba kayo dito?" namamanghang tanong ni Trisha mula sa likod ng sasakyan. Bumaba na kami at doon namin nakita ang napaka lawak na lupain. May Malaki pala kaming gate na pinasukan .

"Vanessa!! Nako ang laki laki mo na buti naman at naisipan mo kaming dalawin. Ito ba ang mga kaibigan mo aba ang gaganda din nila. Ako nga pala ang lola ni Vanessa tawagin nyo na lang din akong Lola " Bati sa amin ng lola ni Vane.

"Ako po si Alex," naka ngiting sagot ko sabay mano sa kanya.

"Ako naman po si Trisha." nag beso pa siya at nag mano.

Pinasok na ng katulong nila ang mga gamit namin sa loob kaya sumunod na din kami na pumasok. Ang ganda din ng loob ng bahay nakapa detalyado ng desinyo kahiyt luma na pero halatang alagang alaga ito. Sanay kasi kami ni Trisha sa condo or mga dorm lang na plain at simple lang ang desgins. Bigla akong nagutom ang daming handang pag kain. Dapat pala noon pa kami bumisita dito.

"Anong course ang kinukuha n'yong dalawa? Sa La Salle din ba kayo mga Iha?" tanong saamin ni Lola

"Arellano po ako Bachelor of Science in Nursing," naka ngiting sagot ko.

A Betrayal [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon