"Azrail, iho," saad niya, "sa kwarto mo ka, siyempre." Binuksan niya ang ilaw sa nadaanan naming kwarto, inilalarawan ang kabataan ni Azrail. May isang single bed na natatakpan ng kulay lime-green na bedsheet na may kulay asul pang mga bangka ang nakaprinta o disenyo dun, isang bulletin board na may maayos na mga nakahilerang mga papel, at pag-uuri uri ng mga iba't ibang modelo, laruan, tropeyo at mga libro.

"At Alzane," tawag sa akin ni Mrs. Dixon, na nagpatuloy pababa sa may pasilyo nang sundan namin siya, "dito ka, malayo sa kanilang mga lalaki." sabi niya na ipinakita ang isang pambabaeng kwarto, pink-white ang kulay, maraming mga ruffles ang dekorasyon at natatakpan ng telang lace ang kama.

Teka nga muna, mabalik ako sa sinabi ng Mama niya kanina .. bakit, hindi ba ako lalaki? Bahala na nga.

"Kwarto siguro ito ni Astra," sabi ko. Si Astra ay kapatid rin ni Azrail, mas matanda ng dalawang taon sa kaniya at kasalukuyang nakatira sa ibang bansa.

"This is a guest room," sabi ni Mrs. Dixon. "I trust you'll be comfortable here."

"It's lovely po, salamat," sabi ko at agad na pumasok para makapag-unpack ng mga gamit at makaligo na rin. Inilagay naman ni Azrail ang maleta sa tabi ng kama bago umalis. Sinundan siya ng Mama niya pabalik sa kwarto nito bago sila tuluyang bumaba ng hagdan.

Pagkalipas ng ilang minuto, habang nagbibihis ako na tanging ang walking shorts ko palang ang naisuot ko nang biglang pumasok sa kwarto na kinaroonan ko si Azrail. "Welcome home, darlin'," sabi niya na agad sinara ang pinto at mabilis na hinila ako sa kamay at ipiniin sa kama gamit ang katawan niya. Natawa ako.

"Anong ibig sabihin ng Mama ko kanina?"

"Ang alin?"

"Yung dito ako, para malayo sa inyo ng kapatid mo na lalaki, hindi ba ako lalaki?"

"You're just too pretty for a man, kaya baka akalain niya na isa kang magiging tukso, lalo na sa akin, pag nagkasama tayo sa iisang kwarto. Kaya gusto ko nang lukutin tong bedsheet ngayon, ano sa tingin mo?" tanong niya na may nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Stop kidding. Seryoso ako. Inilagay tayo ng Mama mo sa magkaibang kwarto."

Umikot siya't napahiga sa kama sabay tingin sa kisame. "Catholic," sabi niya. "Anong ine-expect mo?"

"Hindi ko alam na katoliko ka pala."

"I'm not."

"Pero--"

"I was raised Catholic, that's all."

There was a knock on the door, loud, impatient. Azrail jumped up and cleared his throat. "Come in," sabi niya na agad bumukas sa pinto.

"Alzane?" tanong ni Mr. Dixon. Matangkad siya, ang kulay niya ay mas madilim kaysa kay Azrail, at kahanga hanga rin ang kaguwapuhan niya, heart-catching kumbaga. Malalim ang boses niya. Parang nawalan ako ng hangin bigla.

"Po?" sagot ko.

"Pa, siya si--"

"Sander Dixon." sabi ni Mr. Dixon na nakipagkamay sa akin ng mahigpit. Nakasuot siya ng ternong gawa sa lana at amoy aftershave siya na nahaluan ng amoy ng tabako. "Welcome to our home," dagdag niya na tinanguan ang anak at sinundan namin siya pababa para maghapunan.

Ang bahay ng mga Dixon ay parang walang naninirahan na tao sa loob. Ito ay parang napakamalinis ngunit maputla dahil hindi lively at napaka-neutral. Sa mga masasarap na tingnang mga palamuti na pang-holiday. Mahirap isipin kung paano ang tatlong bata ay pinalaki dito.

Sa hapunan, umupo si Mr. Dixon sa may unahan ng mesa, naghahatid sa mga plato na ipinasa sa amin. May nakahaing mga putahe sa harap namin, may prime rib, baked potatoes, asparagus, at mixed green salad na binabahagi niya na itinuturing niyang angkop.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now