"How much do you want for that picture bro? "

Napatigil kami sa paghahabulan nang magsalita si Khirro.

Kunyaring nag-isip naman si Ace at maya-maya ay namulsa.

"Hindi sa mukhang pera ako kuya ah? Pero sobrang ganda ng kuha ko rito eh. Talo pa ang mga kuha ng professional photographer. Okay na ang 2,000 pesos. "

"Huwag kang abusado, Ace Lionell! "

Naka-pout ba tumingin siya sa'kin.

"Nahiya ka pang dugtungan ng Caled. Hindi naman ako abusado ate. Buti nga nahiya pa ako, 3,000 kasi first prize ko sana. "

Sasabunutan ko na sana siya kaso pumulupot sa bewang ko ang braso ni Khirro.

"It's fine, Aestherielle. I really want to have a copy of that photo. "

Wala na akong nagawa nang humugot siya nang dalawang libo sa pitaka niya at binigay kay Ace na nakangising aso na. Pinasa niya kay Khirro ang picture at sinigurado ko namang dinelete niya pati na sa recently deleted.

"Dude, we need to go home. Magkikita pa naman kayo bukas ni Aestheng. "

Pinagbuksan na ako ni kuya ng pinto ng sasakyan kaya nakangiting kumaway na lang ako kay Khirro.

Hindi ko namalayan na buong biyahe ay nakangiti lang ako. Pinipigilan ko sa pamamagitan nang pagkagat sa labi at loob ng pisngi ko pero kusang kumakawala sa labi ko ang ngiti.

"Kuya? Ganiyan ba epekto 'pag naging kayo ng taong mahal mo? Tingnan mo si ate oh! Parang nakashabu. Kanina pa nakangiti. "

Nginitian ko lang si Ace at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

"Tingin ko Ace kailangan na nating dumiretso sa mental hospital. Malala na 'yang ate mo. "

Hindi ko na lang sila pinansin basta ang importante masaya ako. Nakarating kami nang bahay at nakipagbeso ako kay mommy at tita Ellie. Pakiramdam ko nakalutang ako sa ere habang papunta sa room ko.

Nas kwarto na ako at nakatihayang nakatulala sa kisame nang biglang malakas na bumukas ang pinto at bago pa ako makabangon ay napadaing na ako nang may dumagan sa'kin.

"KYAAH!!! MISSION ACCOMPLISHED! "

Pilit kong inaalis sa taas ko si Healle kasi hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

"Papatayin mo ba ako, Healle?!'

Umalis naman agad siya sa taas ko kaya nakabangon ako.

"I'm so kinikilig, Aestherielle! "

"Bakit naman? Nililigawan ka ba ni Dark? "

"Don't say bad words, Aesthe! Ano ba? Huwag mo nga iniiba ang topic. "

"Oo na po. Bakit ka kasi kinikilig? "

"Dahil dito oh! "

May kinalikot siya sa cp niya then agad na may pinakita sa'kin.

"Malilintikan talaga sa'kin mamaya si Ace! "

Nisend niya kasi kay Healle sa messenger ng picture namin ni Khirro.

Hahablutin ko na sana ang cellphone ni Healle kaso mabilis siyang umalis ng kama.

"Hep! Ang mahal kaya nang bili ko nito tapos idedelete mo lang? That's a no no, Aesthe! "

Jusme! Grabe siguro ang pangangailangan ng kapatid ko at naisipang mangotong.

"How's the first kiss? "

"Healle!!! "

Namumula na naman ang mukha ko s tanong niya.

"Chill! Iba si Khirro ah? Nanakaw agad iyon? Anyway, kayo na bang dalawa? "

Kagat ang labing tumango ako. Tumili naman siya at bumalik sa paghiga sa kama ko at nagpagulong-gulong.

"Gosh! Parang gusto ko nang palitan ang pwesto ni Cupid! "

Speaking of cupid. Nilapitan ko siya at kinurot sa bewang na ikinadaing niya.

"#futuremo pala ha? Lakas din nang trip mo sa buhay no? Sinama mo pa talaga si kuya Caesium. "

"Ang hina kasi ni Khirro eh! Ang dami pa naman nang ginastos ko sa sunflower bouquet tapos tinapon lang naman nang selosong iyon! Alam mo bang kinasabwat ko na si kuya Caesium dahil plano ko talagang pagselosin sa camp niyo si Khirro kaso naging sobrang busy ni kuya kaya hindi nakasulpot. Tapos kanina ako rin ang bumili nang bouquet na sinira mo. Namumulubi na ako sa inyo pero nabalewala 'yun kasi sa wakas naging successful ang lahat. Gusto ko lang na maging masaya ka, Aestherielle. "

Ako naman ngayon ngayon ang dumagan sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"Thank you for everything, Healle. Kung hindi dahil sa'yo at kay kuya hindi mapapasa'kin ang taong mahal ko. I'm lucky that you're here. "

"You're always welcome. "

Umayos kaming dalawa nang upo nang pumasok sa kwarto si Ace pero pagkakita niya sa matalim kong tingin agad itong kumaripas ng takbo.

"Alam mo bang nasuntok ni Khirro si Kuya Caesium? "

"Oo, sinabi niya sa'kin. Nanghihingi nga ng pampaderma kasi baka raw pumangit siya. Ang arte langs! "

Nagtawanan naman kaming dalawa.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now