un minuto
..........trenta secondi
..........venti secondi
.......... dieci secondi
.....cinque
Quattro
Tre
Due
Uno
"sua Maestà? Your majesty
"Hmm"
"svegliati siamo qui" wake up we're here
Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay siya namang pagbukas ng isang malaking gate papasok,bumungad sa akin ang isang mala palasyong paaralan na pinalilibutan ng nag gagandang mga bulaklak at nagtatayugang mga puno
tranquillo,calmo
Habang patuloy sa pag andar ang aming sasakyan ay ginising ko na ang aking katabi
"Ivez"
"che?" Kaagad namang tugon nito
"Nandito na tayo"
Matapos kong sambitin iyon ay siya namang pag ayos niya ng upo habang kinukusot ang kaniyang mga mata,ng kaniyang tigil ito ay ilang beses pa siyang kumurap na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Sa paghinto ng aming sasakyan ay agad naman siyang lumabas,nakabuka ang bibig na namamanghang,pinagmamasdan ang paaralang aming papasukan
"Grazie,escanor" pagpapasalamat ko sa aming driver
"prego sua Maestà " nakangiting tugon naman nito bago ako tuluyang lumabas. Nagmadali naman sa pag lapit sa akin si ives upang alalayan ako sa aking pag baba
Nang makaalis ang aming driver ay tumuloy na kami sa paglakad
"Wooow! Mas maganda itong pagmasdan sa personal kaysa titigan lamang sa larawan,kaparehong kapero ng sa atin,ano sa tingin mo aedra? Tamang tama lamang ang pinili ko!" Masayang sambit ni ives na siyang nangunguna sa aming paglalakad upang kumuha ng mga larawan
Totoong tulad sa aming pinanggalingan ay halos walang pinagkaiba ito.Mula sa tahimik nitong paligid,disensyo ng paaralan sa labas na aakalain mong isang palasyo sa laki nito,ang malinis na daan na aming nilalakaran at ang mga ibat-ibang uri ng bulaklak at puno na siyang lalong nagpapaganda at nagbibigay buhay sa lugar na ito.
Ang pinagkaiba nga lamang siguro ay walang mga bantay sa paligid nito kahit saan, bukod sa taong nakaabang sa pintuan na aming papasukan ngayon.
Isang hindi katangkarang lalaki na kung titignan ay nasa edad 35 na ito.Nakasuot ng isang pormal na pananamit na hindi makikitaan ng gusot,at nakaayos ang buhok nito na siniguradong walang nakatayo na magiging panira sa ayos nito.
Nang makalapit kami ay tumingin muna ito sa kaniyang relo tsaka magalang na bumati sa amin
" Goodmorning Ma'am,Sir"
Tumango naman si ives bilang tugon nito.
"This way"
habang sinusundan namin siya ay tahimik naming sinusuri ni ives ang diretsong daan na nilalakaran namin,kapag nakakakuha ng pagkakataon ay kinukunan niya ito ng larawan.Puro dim ang mga ilaw na makikita dito sa loob at kung gaano katahimik sa labas ay ganoon din dito,walang ibang estudyante na makikita na nagkalat,kaya tanging ang tunog lamang ng mga sapatos namin ang siyang naririnig naming ingay.
