Chapter 1

986K 14.2K 2.5K
                                    

WARNING: This story contains Season 1 and Season 2. Season 2 is not available here in Wattpad. Kung ayaw mabitin, please stop reading dito pa lang. Salamat. 

#WIAE Chapter 1

I did not ask for this kind of life. I never wanted this. If I could escape this, I would.

"Miss Ophelia, nandito na po tayo."

Tahimik ako na bumaba mula sa limousine na naghatid sa akin sa bahay. Mag-isa lang ako na bumalik dito sa Pilipinas. Nasa Japan pa kasi ang mga magulang ko at may inaayos. Baka sa isang linggo pa sila makarating. I understood why they had to stay there—it's about work.

Ipinasok na ng mga tauhan ni 'Dy ang mga gamit ko sa loob. I looked at the mansion in front of me. Not bad. Pumasok ako sa loob at mukhang bago lahat ng mga gamit. Mukhang naipalipat na rin nila 'My 'yung mga pictures at painting namin.

"Where's my room?" I asked the maid who's nearest from where I was standing. Pagod ako mula sa byahe at gusto kong matulog muna. Bukas na rin kasi ang simula ng klase kaya gusto kong makabawi ng pahinga para naman may enerhiya ako para bukas.

Iginiya ako ng maid papunta sa magiging kwarto ko. Malaki iyon—kasing laki nung kwarto ko sa mansion namin sa Japan. Halos wala ngang pinagkaiba. Napangiti naman ako dahil nakikita ko talaga ang effort nila 'Dy na maging kumportable ako rito sa Pilipinas.

Was it weird that I am a Filipino yet I am foreign in my own land?

Bata pa lang ako nung lumipat kaming buong pamilya sa Japan. Ang sabi lang sa akin ni 'My, dahil daw sa family business kaya kami lumipat sa Japan. After nun, hindi na ako nagtanong pa. Ayoko na rin kasing makiusisa sa mga bagay na tungkol sa family business. Pero kahit na sa Japan ako tumira buong buhay ko, sanay na sanay pa rin akong mag Tagalog. Palagi kasing sinasabi nila na isang araw, babalik kami sa Pilipinas. And this was the dreaded day.

Ipinagdala ako ng katulong ng pagkain sa kwarto.

"Thanks," I muttered.

Kinain ko lang iyon at saka kinuha ko 'yung laptop ko. I immediately typed the name of my school in the search bar. 'Academia de Mondragon' Matapos kong ilagay iyon ay nagtaka ako kung bakit ni isang result man lang ay walang lumabas. Niloloko ba ako nitong google?

Kinuha ko 'yung entrance slip na ibinigay sa akin ni 'My bago pa man ako sumakay sa private plane namin. Tama naman ang spelling na inilagay ko pero bakit wala talagang resulta na lumalabas? Legit ba 'tong school na papasukan ko?

Balak ko sanang tawagan si 'My pero naisip ko na busy sila sa business nila kaya naman kinuntento ko na lang ang sarili ko. Bahala na. Malalaman ko naman bukas kung ano ba talaga ang meron sa eskwelahan na 'yun.

The next day, I woke up early as usual. Hindi ko mapigilan pero medyo excited na rin ako. First time ko kasing papasok sa school. Buong buhay ko kasi ay home-schooled ako. Nung una e masaya pero habang tumatagal, nagiging boring. 'Yung mga teachers ko at ako lang kasi ang laging nagkikita. Ilang beses ko na sinabi kila 'My na papasukin ako sa normal na eskwelahan pero palagi nilang sinasabi na bawal. Kaya naman tumigil na ako kakasabi.

If there is one thing I learned about being a member of the Estrella family, it is that if they say no, they mean no.

"Miss Belinda, handa na po ang almusal niyo," sabi nung katulong pagkatapos niyang kumatok. Agad naman akong tumayo sa kama ko at bumaba. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako bumaba. Wala naman akong kasabay kumain dahil wala pa sila 'My. Pero mas malungkot namang kumain sa kwarto mag-isa.

Ilang minuto lang ay tapos na akong kumain. Pumanhik na ako sa kwarto ko at naligo. Matagal akong naligo dahil maaga pa naman. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at saka naglagay ng makeup sa mukha. Matapos iyon ay tinignan ko 'yung uniform na isusuot ko. Nasa College na ako pero ngayon pa lang ako makakapagsuot ng uniform. Kakaiba talaga ang buhay na meron ako. Pakiramdam ko wala akong muwang sa mundo.

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon