33

158 30 20
                                    

Emery's pov*

"Blake anong salpukang ibig mong sabihin kanina?" pangungulit ni lorie.

"Basta, hindi pa pwede yun sayo." saad naman nito.

"Why naman?"

"Gusto mo talagang malaman?" ngisi sa kanya ni blake.

"Oo." hinawakan pa talaga ni lorie ang kamay nito at niyugyug na parang bata.

"Ok pumikit ka." utos ni blake.

"Blake!" sinamaan ko ito ng tingin.

"Hehehe biro lang." ani nito.

"Blake sabihin mo na please?" pagmamakaawa sa kanya ni lorie.

"Ok!" diretsang saad nito at bigla nalang binatukan si lorie.

"Aww!! Tangena ka talaga!!" sigaw ni lorie at hinabol ito.

"Kasalan ko ba? Ikaw kaya jan ang namimilit kung  ano yun ehh!!" tumawa kami ni drick  dahil hirap na hirap si lorie na habulin ito

"Emery?" napatingin ako kay drick na tudo ngiti sakin.

"Ano nanaman?

"Sabi ko nga wala." ani nito at binaling ulit tingin kela blake.

"Aray!" sigaw ni lorie ng matapilok ito. Aray masakit huhuhuhu!!!!" tumigil sa kakatakbo si blake.

"Hahhahhahaha!!! Wag ako lorie, alam kona ang style na yan." nakapamewang na saad ni blake.

Tatayo na sana si lorie ngunit natumba ito at umiyak.

"Aray! Masakit talaga." gusto ko sanang maniwala pero wag nalang.

"Si lorie." ani ni drick at pupunta ito doon pero pinigilan ko siya.

"Wag na."

"Kaiibigan mo yun, hahayaan mo nalang?" hindi makapaniwalang tanong nito sakin.

"Oo naman." ngisi ko. masyadong malayo hayaan mo nalang na si blake tumulong." tumango nalang ito sakin.
Alam ko naman na arte lang ni lorie yan para mahuli niya si blake.

"Kasalanan mo ito blake!." umiiyak na sigaw ni lorie.

"Luh bakit ako?" bakas sa mukha ni blake ang takot. Nilapitan naman nito si lorie at inilalayang makatayo. Ilang segundo pa ay biglang tumawa si lorie at sinabunutan si blake. "Aray! Sabi kona e! Aray tama na lorie, masakit!!!!" patuloy parin si lorie sa ginagawa niya. Fuck!! Tatanggalin mo ba anit ko?"

"Oo hayop!" inis na sabi ni lorie at iniwan na si blake na nakaluhod at hawak hawak ang ulo nito.

Si drick ay tumakbo papunta kay Blake.

"Hay tara nanga besh."

"Nice." iling ko.

"Artistahin kaya to." pagyayabang niya.

Napahinto kami ni lorie ng makapasok kami sa canteen.

"Anong ginagawa nila jan?" napatingin kami sa table namin, nandoon sila shasha habang kinakausap sila kai at tristan. Completo ang alipores ni shasha.

"Bakit kayo huminto?" si drick sa likuran namin.

"Anong ginagawa nila jan?" tanong rin ni blake.

Lumapit kami sa kanila kaya napatingin naman agad sila samin.

"Oh. Blake dito ka." ani ng alepores niya Ngunit nanatiling nakatayo parin si blake.

"Drick! Dito ka sa tabi ko." si shasha at hinatak si drick sa pwesto ko. "upo kana rin blake." umupo naman si blake sa pwesto niya. Tumingin naman ito samin ni lorie. "Umm... sorry emery hindi na kasya kasi you know kasama ko sila mina."

The Sadistic boyish (SEASON ONE ON-GOING)Where stories live. Discover now