Memory 1

1.6K 46 27
                                              

Sky’s POV

“Gago ka ah!” Kinuwelyuhan ako ng lalaki. Nanlilisik ang mga mata nya. Naka-drugs. “Sino ka sa akala mo ha? Ang angas-angas mo ah!” At sinuntok nya ako.

Pak!

Dahil sa impact ng suntok nya, napaatras ako sa dingding sa madilim na eskinitang iyon.

Pero sya?

Hay! Ayan. Bigla na lang nawalan ng malay.

Pweh!

Ang lakas sumuntok ng ungas ah! Pumutok ang bibig ko ron! Nalasahan ko pa ang dugo sa bibig ko.

Pero napangiti ako ng mapakla sa nakahandusay nyang katawan.

Yan ang napapala mo! Hindi ka kasi marunong pumili ng hohold-upin mo eh!

Kaya nga balot na balot ako, di ba? Para hindi ako mapagtripan ng mga kagaya mo. Kasi aakalain ninyong kauri nyu ako. Parang adik nga ang porma ko di ba? Para pangilagan ako ng mga tao. Para hindi mangyari sa kanila ang nangyayari sa’yo ngayon! Stupid.

Inayos ko ang hoodie ko at sinuksuk ang mga kamay ko sa may bulsa nito at nagsimulang maglakad palayo.

Tsk! Ganyan na lang parati ang nangyayari.

Once na makadirect contact ang kahit na sino sa balat ko, nawawalan sila ng malay at pag nagising sila, wala na silang natatandaan o nakikilalang Sky.

Yup! I’m Shin Kyler Yoon, better known as Sky.

And I’m no ordinary boy. I have a special ability that my mother called a gift, but I considered it as a curse. Sino ba naman ang hindi? Ikaw ba naman ang magkaroon ng balat na kapag nahawakan ay nangde-delete ng mga memories mo sa utak ng isang tao? Mahirap kayang magpakilala ng paulit-ulit!

Tss!

At walang pinipili ang sumpang to. Kahit na ang papa ko ay hindi na ako kilala, at syang dahilan ng paghihiwalay nila ni Mama. At dahil din dito kaya kailangan kong magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas at magsuot ng gloves.

Parang si Rogue lang sa Xmen ang drama ko no? Pero hindi katulad ng sa kanya na powers ang ina-absorb nya, ako naman ay ang alaala ng isang tao sa akin. Kaya ayokong mapalapit sa ibang tao. Kasi ayokong pag nahawakan nila ako, ay makalimutan din nila ako ng basta-basta lang. Katulad ng nangyari sa papa ko.

Brr! Brr! Brr!

Sinagot ko ang nagba-vibrate kong cellphone. “Hello, Ma?” Sya lang naman kasi ang tumatawag sa akin eh.

“Nasaan kna, Sky? Umuwi ka na anak. Baka kung ano pang mangyari sa’yo dyan sa labas.”

<Sigh>

“Really ma? Ang mangyayari sa akin ang inaalala nyu? Hindi ang mga taong makaka-encounter ko rito sa labas?”   Hindi ko maiwasan, pero minsan, nagiging bitter talaga ako.

“Sky, anak, please, umuwi ka na.”

<sigh>

“Okay ma. Don’t worry. Pauwi na ako.”

My Korean blood had nothing to do with this special ability. Dahil kung meron man, eh di sana naaalala pa rin ako ni Papa ngayon, hindi ba?

Sa bloodline ni Mama ko nakuha ang ability na to. Actually, hindi lang ako ang ganito. My uncle, who is my Mom’s younger brother, is also like me. Apparently ay mga lalake lang sa angkan namin ang nagkakaroon ng ganitong ability, samantalang ang mga babae naman ay immune sa ability na to, kaya tanging sila lamang ang makakahawak sa amin ng hindi nawawalan ng aming alaala.

Kaya, sa bawat henerasyon, ay tanging iisang lalaki lamang ang naisisilang, and unfortunately, sa generation namin, ay ako yun. At katulad ng tiyuhin ko, nakatakda rin akong mamuhay ng mag-isa. Because apart from my family, I cannot be with anyone else.

“Hey, Mamang pogi! Sandali lang!”

Dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Alangan ako yung tinawag no? Eh hindi naman ako gwapo!

 Pano ako magiging gwapo sa emo kong mukha?

“Mamang pogi! Wait!” May kumabig sa braso ko.

Automatic naman ang reaction ko. Napapiksi ako.

Maamo ang mukha nya at nakangiti sya ng malapad sa akin.

Ano’ng kailangan nito sa akin?

“Hala! Tama nga ako! Gwapo ka nga! Pero alam mo, mas gugwapo ka kung i-i-improve mo yang fashion style mo. Masyado kasing emo, eh. Sayang kasi kung hindi mo ipangangalandakan yang kapogi.an mo.”

Tinalikuran ko sya.

May saltik ba ang babaeng yun?

 Ang malas ko naman! Kanina, drug addict, ngayon naman, baliw. Hay!

“Oy! Teka! Kinakausap kita eh! Hwag mo naman akong talikuran!” Hinahabol pa rin nya ako. Ano bang meron sa babaeng to, at pati fashion style ko ay pinapakialam? Tsk!

“Teka naman! Pansinin mo naman ako! Oy!”

Paki ko ba sa’yo! Feeling close ka!

“Sige ka, pag hindi mo ako pinansin, sisigaw ako rito! Mag-eeskandalo ako!”

Bahala ka! Ako ba ang mapapahiya? Tsaka hindi kita kilala no!

“HOY! LALAKING MUKHANG EMO! BAYARAN MO NA ANG UTANG MO! NUNG ISANG TAON PA KITA SINISINGIL!”

Nakita kong napatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko.

Tsk! Hindi ko sya kilala! Panu ako magkaka-utang sa kanya?

Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng to?

“PANAGUTAN MO RIN ANG PINAGBUBUNTIS NG KAPATID KO! NANGUTANG KA NA NGA, MANGBUBUNTIS KA PA! HUWAG MO KAMING TAKASAN!”

What! Below the belt na yan! Sh*t namang babaeng to oh!

Napabalik tuloy ako ng di oras! Eskandalosa talaga!

“HOY! TEKA WAG MO AKONG KALADKARIN!”

Aissh! Ang ingay talaga!

“Pwede ba? Pagpahingahin mo naman yang bunganga mo. Pwede ba?” Hinatak ko sya don sa malayo-layo sa mga tao.

“Now tell me?” Hinarap ko sya. Aish! Nakangisi pa oh! “Ano’ng kailangan mo sa akin?”

“Ano’ng pangalan mo?” 

“Di nga? Ginawa mo lahat ng yun para lang malaman ang pangalan ko?” Tumango sya na parang tanga. Hay! “Pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo, manahimik ka na lang sa isang sulok. Okay?”

Tumalikod na ako at nagwalk-out.

“Ako nga pala si Alison Olivarez! Tandaan mo ang pangalang yan Mr. Emo, Okay? Bye! Till we meet again!”

Tsk!

What’s up with that girl?

Alison Olivares?

Huh!

The next time we meet, I’m sure, hindi mo na ako matatandaan.

------------

Comment po.

Vote po.

Hehe..  :)

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon