Monster ♂ Chapter 31

Aliya's POV

Minahal namin ni Xander ang isa’t-isa sa mura pa lamang naming edad. I’m 15 and he’s 16. Nasa high school pa lamang kami noon. Gaya ng tipikal na love story kapag high school, magkaklase kaming dalawa at kami ang madalas na magkasama. Seatmate ko kasi siya at palagi kaming magkapartner sa mga projects at activities kaya naman naging close kaming dalawa. Idagdag pa na pareho kami ng hilig. Madaming bagay kaming pinagkakasunduan.

Nahulog kami sa isa’t-isa at hindi rin nagtagal ay naging kami. Sobrang saya namin noon at hindi kami halos mapaghiwalay. We love each other so much at that young age. Madaming nagsasabi sa amin na maghihiwalay din kami pero seryoso kami sa isa’t-isa. Sinabi pa namin noon na walang makakapaghiwalay sa amin.

But just because of a single mistake, he despised me and I don’t know how to make him forgive me.

*FLASHBACK*

"Aliya, hiwalayan mo na si Xander." puno ng awtoridad na boses ni Papa.

Matagal na niya akong pinapalayo kay Xander dahil karibal niya ang pamilya ni Xander sa larangan ng business pero paulit-ulit ko lang siyang sinusuway. Alam naman ni Papa na mas mayaman kami sa pamilya ni Xander pero hindi pa rin siya tumitigil hanggat hindi niya napapatumba ang mga Martinez.

Masyado kasing mataas ang tingin ni Papa sa kanyang sarili. Ang gusto niya ay siya ang pinakamagaling sa lahat. Pati kaming dalawa ni Xander ay kanyang idinadamay. Ano bang kinalaman namin sa business nila? Bakit kailangang pati relasyon namin ay pakealaman niya? Hindi ko nga siya pinapakealaman sa mga ginagawa niya, sana ganoon din ang gawin niya sa akin!

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na mahal ko si Xander?" kalmadong sabi ko kahit na kaunti na lamang ay puputok na ako sa galit.

“Sige, hahayaan muna kita sa ngayon pero hindi mo pa rin mababago ang gusto kong mangyari.”

Gaya nang sinabi ni Papa, hinayaan niya kami ni Xander na ipagpatuloy ang aming relasyon. Hindi alam ni Xander na ayaw sa kanya ng mga magulang ko at ayaw ko nang ipaalam pa sa kanya. Ayokong mag-alala siya at ayokong madamay siya sa gulo sa pagitan naming dalawa ni Papa.

At dala nang init ng katawan at kapusukan, may nangyari sa amin ni Xander. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip at hinayaan kong mangyari iyon. Oo, ginusto ko din ang nangyari at wala akong pinagsisisihan doon.

"That was the best night everm Aliya.” nakangiting sabi niya. “What ever happens, I will never leave you. I'll take responsibility."

I hugged him. "Kung makapagsalita ka naman parang mabubuntis ako."

"Gusto ko nga sana, eh, para makapagpakasal na tayo." nakangising sabi niya.

Hinampas ko siya ng pabiro at sinimangutan ko siya pero isang halik na puno ng pagmamahal lang ang iginanti niya sa akin.

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Hindi nga nagbago si Papa sa gusto niyang mangyari.

"Hihiwalayan mo siya sa ayaw at sa gusto mo! Kung hindi mo ‘yan gagawin sa kalsada sila pupulutin! Simple lang ang gusto ko, hihiwalayan mo siya at titigilan ko na sila. Kapag ipinilit mo pa ang mga bagay na gusto mo, kukuhanin ko lahat ng meron sila!"

Natakot ako sa sinabi ni Papa. Kilala ko siya, kayang-kaya niyang gawin ang mga sinabi niya. Wala siyang sinasabi na hindi niya kayang gawin. He’s too powerful. Gusto ko siyang labanan pero hindi ko kaya. Wala akong laban sa isang katulad niya. Buong araw akong umiyak dahil doon hanggang sa nakabuo na ako ng isang desisyon na makakapagpawasak ng puso ko. Gustuhin ko mang makasama siya, hindi na rin naman pwede. Ayoko siyang mahirapan dahil kay Papa.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!