16

24.6K 494 14
                                    


thankU sa lahat ng boto at comment ninyo. Ang pagbulabog ninyo sa notifications ko at sa messege board ay sapat na para ganahan talaga akong mag update kahit na puyat ako.

@RosalynJones136 @chicfabella @XyryllZyryxBernal
@AimeBelleAzura @ezekiel1993 @4evermania
@babydevon4ever @sharontanigutchi @nicadipu7
@sandra_CI @JudeGural @AizaLumagod
@iamyourlovelystalker @GabriellAnneCardena
@MaridyAngeles @tintin1986 @scar1977
@KazaMaya @veamarielorean @kalmlak
@MyleneDarullo @ycar1021 @Yani_Ace
@jakzie25 @mirarose @barttys @angelrj
@22angel @che_gang @aimee001
@ZERO_1525 @anniefeb @lacosclyne
@janetnarciso0901 @LhenFradejas @Silentdeath123

_________

Sometimes the people who hurt us the most are people who were hurt more than us.

* * * * * * * *

Marco


NAKAPAMULSA ang mga kamay ko habang nakatanaw sa bintana. Ayaw pa ring humupa ng damdamin ko. Ang sabay na kirot at kaligayahan ng makita ko si Cassie na yakap ang batang babaeng iyon.

Fuck. That baby doll said was true. Halos hindi ako humihinga sa kinaroroonan ko kanina ng makita ko silang dalawa na magkasama. Minsan pang itinuro ni Jazsmine ang kinaroroonan ko pero naduwag akong malaman niya na alam ko na kaya nag tago ako.

"Tulog na si Railey. S-salamat sa paghatid sa kanya..."

Napaharap ako kay Coleen. She has still the same auburn hair, the same warm brown eyes, same lips that I used to kiss, the creamy soft skin I used to touch. The only girl I used to love way back in college, way back in Canada.

Pero hindi na iyon ang nakikita ko ngayon sa kanya.

"S-san ka na naman ba kasi pumunta kanina? Hindi mo man lang inisip na paano kung hindi nila natawagan ang number ko? Paanong uuwi si Railey?" naiirita ako sa napaka kalmado niyang itsura.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo Marco, dahil una sa lahat wala tayong relasyon." natigilan ito ng sabihin niya iyon, "Pasensya ka na kung naabala ka ng anak ko pero ito ang sasabihin ko sa iyo. Hindi na iyon mauulit pang muli." naalarma naman ako sa huling sinabi niyang iyon.

"And why is that?" nakita ko siyang umiling-iling. Naiinis ako, bakit ba napakahirap intindihin nilang mga babae?

"Mahal kita Marco, pero hindi ibig sabihin na dahil mahal kita kailangan kong makinig sa bawat ipag uutos mo, manginig sa bawat galit mo at masaktan sa ilang ulit na pag tanggi mo. You let that away when you choose Cassie over me and Railey." Napahilamos ako sa mukha ko. Halo–halo na yung nararamdaman ng dibdib ko na pakiramdam ko ay sasabog na ito.

"Tang-ina, Coleen! Iyan pa rin ba ang isusumbat mo sa akin hanggang ngayon? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan samantalang hindi ko naman anak iyang si Railey!" nagagalit ako sa kanya. Dumadagdag pa siya sa mga iniisip ko.

"Kung gayon bakit masiyado kang nakikialam sa buhay naming mag-ina?!" sa sobrang galit ko, inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa saka siya mariing nasakal, nakita ko ang takot sa mga mata ni Coleen pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko.

"Don't used that fucking words against me! Pasalamat ka pa nga at naging mabait ako sa iyo dahil kung titignan ko lang ang LAHAT ng ginawa mo sa akin noon hindi ako mag aaksayang tignan ka kahit isang beses. You disgust me!" saka ko pabalyang tinanggal ang pagkakasakal ko sa kanya. Nakita ko pa ang maluha-luha niyang hitsura.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon