Chapter 15: About Kathy

963 44 2
                                                  

×ANDY×

Hagulgol ng hagulgol itong si Lucy. Pero bakit ba ako maaawa? Bakit?! Dapat akong magalit dahil nawala ang pinakamamahal kong kapatid! Oo na oo na! Kapatid ko si Kathy. Kapatid ko sya, sobrang close kami, di lang halata kasi di sya samin nasabay.

Bakit ba nawala kagad si Kathy? Bakit ba siya pinatay? Ang pagkakatanda ko, naghi lang si Kathy kay Mirae pero di sila nagkwentuhan! Nakakainis naman e! Di ko magets. Siguro dahil di pa nagpapaliwanag?

Ah basta kahit may paliwanag paliwanag pa, di ko sila iintindihin! Nasaktan ako! Nakatingin lang ako sa kama, tulalang tulala. Bakit nagawa ni Rebecca yun? Bakit?

"B-bakit naman si R-rebecca?" Tanong ni Tory.

Nagyukom yung mga kamay ko habang titig na titig lang sa kama.. Akala ko okay na ako, hindi pa pala. Bakit nga ba si Reb ang pumatay? Napagutusan sya? Bakit? Bakit sya pumayag? Dahil ba sa baka pati sya mamatay? NON SENSE NAMAN E!

"Di ko alam... n-na-napagutusan lang d-daw sya.. Yun a-ang sabi sakin ni-ni Jason e." Sagot ni Lucy, habang nakayuko rin.

Di ko napigilan ang sarili ko ng bigla kong hawakan yung balikat nya at niyugyog sya saka sinigawan.

"DAHIL BA SA SYA ANG MAMAMATAY?! SANA NGA SYA NA LANG ANG NAUNANG MAMATAY! NAPAGUTUSAN?! WALANJO! ALAM KONG GUSTO RIN NYA YUN! WALA KA BANG ALAM DYAN SA BESTFRIEND MO HUH?! DI MO BA ALAM ANG TUNGKOL SA REB AT KATHY NA YAN?!"

"Andy, wag mong sigawan si Lucy, di nya naman din alam e." Suway sakin ni Mirae.

Nilingon ko sya at tinapunan ng sama ng tingin. "Wala kang alam dito Mirae. At kasalanan din nya to. At pano ko naman MASISIGAWAN ANG PATAY KUNG PATAY NA NGA DIBA?!" saka ko nilingon uli si Lucy at dinuro duro sa noo. "KASALANAN MO KASI ITO!"

"Andy!" Suway na naman sakin ni Mirella.

Lalo kong napalala ang pagiyak ni Lucy, nakayuko syang paulit uli na sinasabi ang.. 'Sorry Andy'

Hindi ko tatanggapin ang sorry mo!

'Hindi kita papatawarin'

Naramdaman ko ng magsimula ng magpatakan ang mga luha ko sa mata. Nakakainis ang buhay na to... Ang agang nawala ni Kathy kaysa sakin, samantalang ako ang kausap ng kausap sa babaeng ito.

"Ang wag natin patawarin ay yung tumutulong sa killer.. Malay mo--"

Naputol ang pagsasalita ni Tory sa pagsalita ko. "Kung meron man, uunahin ko munang sisihin yung kilala ko, yung hindi mahirap hanapin. At ikaw yun Lucy, nagsisisi ako dahil naging magkaibigan pa kayo ni Kathy."

"Si Kathy? Sino ba kasi sya sayo Andy?" Inis na itinanong ni Mirae sakin.

Hinarap ko sya.. "kapatid ko. At kung gusto mo ng buong kwento magtanong ka sa iba," sabi ko sabay ayos ng upo, masamang nakatitig sa TV na nakapause dahil sa movie.

×MATTHEW×

"Ano ba talagang nanyayari pang IBA bukod dito?" Tanong uli ni Mirae.

Nagbuntong hininga ako, tumingin sa mga kasama ko, nagtanguhan sila bilang pagsabi na 'Go' saglit akong tumingin kay Andy na galit, saka ko uli hinarap si Mirae.

"Si Kathy, kapatid nya si Andy. Tapos yun, n-nagkaroon lang naman si Kathy at Reb ng konting hindi pagkakaunawaan. Pero, di namin..namin, inaasahan na, lalaki pala yung away."

"Nang dumating na sa puntong nagkakasiraan na pala sila, huli si Andy sa b-balita e." Mahaba kong pinaliwanag.

Tiningnan ni Mirae si Andy habang nagsasalita. "So sa tingin mo ba? Gustong gusto lahat to ni Rebecca lahat ng pinautos sa kanya.. Ang pagpatay kay Kathy?" Tanong nya saka kami nilingon.

Nagsitanguhan kami.. tumango rin sya habang umiiwas ng tingin. "Pero bakit natarget si Kathy? Nag 'Hi' lang naman sya sakin....di ba?"

"Bestfriends kami ni Kathy pero bigla ring nawala dahil kay Rebecca." Singit ni Lucy na tapos na sa paghahagulgol. Nagpupunas lang ng luha sa mata.

"Tell me more about Rebecca please..." sabi ni Mirae.

Humarap si Andy bigla samin na may masamang tingin.. Nakakatakot talaga sya, sobra.

"Si Rebecca, nakipagkaibigan sya kay Kathy dahil nakilala nya yun kay LUCY. Hanggang sa pinapili sya ni Rebecca kung sinong mas gusto nyang kasama sa araw araw... Kung tutuusin, di naman talaga sinasadya ni Kathy na saktan si Rebecca. Dahil pinili nya si LUCY. Pero alam kong mahal din ni Kathy si Rebecca bilang kaibigan." Paliwanag ni Andy.

"Pero dahil dun nagsimula ang away, pagkakasiraan, nagagalit rin ako sa kapatid ko dahil huli ako sa balita, di ko alam ang nanyayari sa kanilang dalawa dahil di ko naman kaklase si Reb. Alam ko na kilala na ni Rebecca yung pumapatay! Alam kong kilala nya dahil alam kong hiniling nya to sa demonyong killer na yun." Dagdag pa nya.

"Ands, Kung kilala nya bakit pa pinatay si Rebecca?" Singit ni Patricia na natahimik sa kwento.

"Ah basta! Nakakasigurado ako dyan. Sigurado ako.." sagot ni Andy at bumalik sa dating pwesto.

×MIRAE×

"Di ko maintindihan yang si Andy, bakit ba kailangan si Lucy pa dito ang sisihin? Ayan. Nakakatatlong linggo ng hindi napasok si Lucy. . . Bakit ba hindi niya tayo maintindihan?" Naiinis na tanong ni Warren.

Nagbalik na sa dati ang lahat, maayos na uli kami.. Bati bati, maliban kay Andy na lumalayo sa amin.

Nasa loob kami ng classroom ngayon, hinihintay si Ma'am, nagtitipon lang kami ngayon ulit. Wala sina Matthew at Wendell, andun sila sa kabila..

"Naiintindihan ko si Andy, kahit na di talaga kasalanan ni Lucy kung mahalagang tao naman nya ang nawala.. Kahit na sino masisisi nya dahil nasaktan sya, sobrang nasaktan." Sabi ko.

Nagkatanguhan sila..

"Nagaalala na tuloy ako kay Lucy, hindi naman kasi sya papayag ng gantong katagal na absent diba?" Paninigurado ni Patricia.

Hinawakan ko yung kamay ni Patricia. "Pat, wag ka ng magalala, nakakasigurado akong okay siya, kaya wag ka na dyan yung parang paiyak na na parang may namata--"

"Mirae naman e!" Pagputol ni Patricia sa huli kong sasabihin. Napapeace sign na lang ako.

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon