Chapter Twenty Seven

56.7K 758 8

Salamat po for liking this story. Sa mga nagbabasa, nagvo- vote, nagco- comment at nagfo- follow. THANK YOU :)

CHAPTER TWENTY SEVEN

"Wow ang ganda naman!" Sabi ni Bianca habang hawak ang kamay ko at titig na titig sa suot kong singsing.

Next week pupunta kami sa bahay ng mga magulang ni Jack para sabihin ang plano naming pagpapa- kasal.

Alam na nina Bianca at ng buong pamilya niya ang totoo na wala pala akong sakit.

Ilang araw na akong naghihintay sa tawag ni Cynthia. Naiisip ko na ngang bumalik ng mansyon dahil hindi na ako makapaghintay pero sabi ni Jack hintayin ko na lang muna at kapag may free time na siya at hindi ko pa rin nakakausap si Cynthia eh sasamahan niya ako sa mansyon.

Then one day, bigla akong naka- receive ng text message. Si Cynthia daw. Tinanong niya kung bakit ko siya hinahanap. Hindi na ako nag- alangang mag- reply. Sinabi kong may itatanong lang ako tungkol kay Lucy Flores. Tapos sabi niya, hintayin ko na lang daw ang text niya kung kelan kami magkikita.

Busy na si Jack sa trabaho. Gusto ko na nga ring mag- trabaho pero ayaw ni Jack. Gusto niyang lumipat na ako sa condo unit niya at doon na tumira kasama siya. Wala na naman akong maisip na dahilan para tumanggi kaya sabi ko kapag naayos ko na lahat ng problema ko, lilipat na ako sa condo.

"Hindi ko nga inaasahang mangyayari pa 'to sa buhay ko. Napakasaya ko Bianca alam mo ba 'yun..." Nakangiti kong sabi.

Simula kasi nung malaman kong maysakit ako, hindi na ako umasang magiging ganito pa ako kasaya.

"Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon puro kalungkutan." Nakangiting sabi ni Bianca. Ngumiti rin ako.

..

Sakay ako ng taxi ngayon. Nakatanggap na kasi ako ng isang text message galing kay Cynthia.

Nakikipagkita na siya sa akin. Nagsabi siya ng lugar na pagtatagpuan namin at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kasi ayaw niyang magpasama ako kahit kanino. Tinext ko na lang si Bianca kung saan ako pupunta. Kinakabahan kasi ako.

Gustong sumama ni Bianca pero sabi ko huwag na nga, kasi makiki- pag- usap lang naman ako kaya nga sinabi ko na sa kanya kung saan ang tagpuan namin para hindi na siya mag- alala. Mabuti na nga lang at busy sa trabaho si Jack.

Tanaw ko ang isang lumang building. Pagkababa ko ng taxi, idinayal ko ang number na ginamit ni Cynthia.

"Nandito na ako sa labas ng building." Sabi ko sa kabilang linya.

Mag- uusap lang naman kame pero bakit ako kinakabahan ng ganito?  Bakit kasi sa ganitong lugar pa?

"Sige ipasusundo kita diyan." Sabi sa kabilang linya.

Pinagbabaan na niya ako ng cellphone.

Maya- maya may nakita akong palabas na tao. Isang matangkad na lalaki, nasa late fourties siguro. Naka- jacket na black.

"Sumunod ka sakin." Sabi niya pagkalapit sakin.

Sumunod ako sa kanya. Nasa likod lang niya ako. Pagkapasok namin sa building, iginiya niya ako paakyat ng hagdan.

Nang makaakyat na kami ay tumigil na siya sa paglalakad. Maalikabok ang paligid at maraming agiw. Pero wala ang hinahanap ko.

"Nasaan siya?" Tanong ko doon sa lalaking sumundo sa akin sa labas ng building.

Ngumisi lang ang lalaki at biglang may lumabas na babae sa isang pinto na sa tingin ko ay bodega.

"Tita Claire?" Nagtataka kong tanong.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!