Nung ilabas at ipakita nung babae ang singsing samin ni Steve ay agad kong hinawakan.

"Grabe talaga ang ganda nito Steve promise!" Sabi ko na namamangha sa kumikinang na mga bato nito.

"Sorry ka hindi para sayo 'yan." Bulong ni Steve habang kinukuha ang singsing sakin.

"Ay grabe siya oh! Tinitingnan ko lang, hindi ko inaangkin!" Sabi ko at inismiran siya pero nakangiti lang siya sakin.

"Ay akala ko po para sa inyo" Sabi nung babae.

"Ah hindi! Mas gwapo at mas mayaman ang boyfriend ko diyan!" Sabi ko sa babae habang nakataas ang isa kong kilay na nakatingin kay Steve.

"May boyfriend ka? Bakit hindi ko alam? Pakilala mo nga sakin!" Si Steve na lumapit pa sakin para ibulong.

"Saka na kapag hindi na ako busy. Bilisan mo na nga diyan." Sabi ko na lang.

"Tss, boyfriend- boyfriend wala naman." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman.

"What did you say?" Sabi ko na lang.

"Ah wala, try nga natin kung kasya." Sabi niya at kinuha ang kamay ko. Hindi agad ako nakapag- react sa ginawa niya. Isinuot niya 'yung singsing sa daliri ko.

"Perfect. Ganitong- ganito 'yung daliri niya. Sige miss ito na lang." Sabi niya atsaka hinubad 'yung singsing. Toinks. 
Hindi nga pala 'yun sakin.

Hay kailan kaya may magp- propose ng kasal sakin? Tss, boyfriend nga wala eh.

CRYSTAL

Nasa bookstore ulit ako para tumingin ulit ng mga libro na may kinalaman sa pagluluto nang may magsalita na katabi ko na.

"Mahilig ka palang magluto." Napatingin ako sa nagsalita, ang mama ni James!

"Ano bang klaseng gayuma ang nilalahok mo sa mga niluluto mo para ipakain sa anak ko?" Patuloy niya.

"Ayoko po ng eskandalo."
Sabi ko pero napatawa siya ng mahina at biglang nagsalita ulit na may galit.

"Kung ganun hiwalayan mo na ang anak ko!" Sabi niya pero hindi pa rin ako nagsa- salita.

"Kailan ka ba tutubuan ng konsensiya? Kung mahal mo talaga ang anak ko, hindi mo siya kukunsintihin sa mga bagay na ikapapahamak ng ama niya!" Sabi niya.

"Hindi ko ho siya kinukunsinti, tinutulungan ko lang po siya dahil sarili niyang pamilya ay itinakwil siya." Hindi ko na napigilang sabihin pero napangisi siya sa sinabi ko.

"Ang kapal din naman ng mukha mo para sabihin 'yan sakin. Binabalaan kita, kapag may nangyaring masama sa asawa ko, mananagot ang pamilya mo!" Sabi niya at umalis na atsaka ko lang napansin ang luha sa pisngi ko.

Huwag na huwag niyang sasaktan ang pamilya ko! Bakit ba napakahirap sa kanila na tanggapin na lang ang desisyon ng anak nila? Wala naman kaming ginagawang masama sa kanila para pahirapan kami ng ganito. Kung tatanggapin lang nila, nakakasiguro akong walang mahihirapan dahil sila lang din naman ang dahilan kung bakit lumalayo si James sa kanila.

JAMES

Dali- dali ako sa pagpunta ng hospital ng magtext si Mama na inatake na naman sa puso si Papa at lumalala na daw sabi ng mga doktor.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko kay mama na pugto ang mga mata pagkapasok ko ng kuwarto ni Papa sa ospital.

"Paano mo malalaman eh nandun ka sa pamilyang 'yun." Si Mama na masama pa rin ang loob.

"Ma, -" sabi ko pero hindi niya pinatapos.

"Sila ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang papa mo at sila ang dahilan kung bakit tayo ganito James!" Si Mama.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!