Chapter 30

57K 760 5

CHAPTER 30


CRYSTAL

"Mahal ko, ang totoo niyan, ex ko talaga si Penelope. " Si James.

Hindi agad ako nakapagsalita pero agad akong lumayo sa kanya sa pagkakaupo.

"Mahal ko, let me explain-" sabi niya pero hindi ko siya pinatapos.

"Explain? Sige nga i- explain mo, bakit hindi mo agad sinabi?" Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.

"I want to tell you personally kaya hindi ko agad nasabi sayo." Sabi niya at akmang lalapit sakin.

"Diyan ka lang!" Banta ko sa kanya.

"Ex mo pala tapos sumama ka pang magkape." Sabi ko pa.

"Mahal ko naman, huwag na natin siyang pagtalunan. Huwag mo na siyang pagselosan." Sabi niya.

"Selos? Ako? Hindi ako nagse- selos!" Sabi ko.

"Tss, sige nga, titigan mo ako kung hindi ka nagse- selos." Sabi niya at tinitigan ko nga siya pero napapangiti ako kaya bigla na lang niya akong tinabihan at niyakap at hinalikan sa noo.

"Huwag ka ng masyadong mag- isip, trust me okay?" Sabi niya pagkaharap sakin.

Hindi naman talaga ako masyadong selosa. Kapag mga ganito kaliit na bagay madaling nawawala ang inis ko, isang ngiti niya lang.

"Basta sabihin mo sakin lahat ng ginagawa mo lalo na kapag kasama mo 'yung Penelope na 'yun." Sabi ko at ngumiti siya habang tumatango.

Hindi naman kasi maiiwasang hindi sila magkasama kasi magka- trabaho sila. Kung kelan nga hindi na ako pumupunta dun saka pa nagkaroon ng Penelope, hindi ko tuloy sila masusubaybayan. Hay, tama na, I trust him.

"Wala pa bang laman 'to?" Tanong niya habang hawak ang tiyan ko.

Umiling ako.

"Nag- test ako, negative." Malungkot kong sabi.

Hindi naman ako nagmamadali, nae- excite lang. Siguro hindi pa para samin.

"Ano pang hinihintay natin, subukan ulit natin." Sabi niya ng nakangiti.

Napatawa ako, nakaupo kasi kami sa sofa sa sala namin.

"Sa tingin mo, tanggapin na kaya tayo ng parents mo kung magkaapo na sila satin?" Tanong ko.

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan." Sabi niya ng nakangiti.

Maya- maya'y binuhat ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Mahal ko, baka may makakita satin!" Sabi ko habang karga niya na parang bride.

"Pati ba naman dito kailangan nating magtago?" Sabi niya.

"Baliw!" Sabi ko na lang.

"Lubusin na natin hangga't wala ang Mommy at Daddy mo." Sabi niya pa.

"Sira ka talaga!" Sabi ko at nagpatuloy lang siya sa pag- akyat ng hagdan habang  karga- karga ako.

Hindi na rin naman kami hinihigpitan nina Mommy at Daddy kaya okay lang naman siguro sa kanila kahit hindi ko pa naririnig na gusto na nilang magkaapo. Alam ko gusto nila pero natatakot lang sila dahil sa ayaw nga samin ng pamilya ni James.

...

KARREN

"Wow, gusto ko 'yun, ang ganda nun oh." Sabi ko kay Steve.

Naghahanap kami ng singsing para dun sa wedding proposal niya sa syota niya.

"Sige miss, pakikuha nun please." Si Steve.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!