Chapter 4: What the hell?

Kisha's POV

What is the feeling of having a dinner with umm....6 vampires? And they only do is stare at you while eating as if they are ready to kill me when I do a wrong move. >__<

Siniko ko si Van. Siya kasi ang nasa dulo ng table at pinalipat niya ang upuan ko sa tabi niya...

Napatingin naman ang limang bampira dahil sa ginawa ko. What now? Nakakamatay ba ng bampira ang pagsiko? At bakit ba sila ganyan makatingin? Kung makaasta naman sila parang ginto si Van at sobrang iniingatan!

"You're right Kisha, they treat me like a gold...no, they treat me more than a gold...ganyan lang silang tumingin kapag nakikita nilang may ginagawang masama ang isang tao" sabi niya na mukhang binasa na naman niya ang inisip ko...

"Ano ba kasing ginawa ko?" bulong ko sa kanya...

"You didn't do something wrong, hindi lang sila sanay na may sumisiko o kaya naman sumasagot sakin ng pabalang" he said with a smirk...

Naningkit lang ang mata ko sa narinig ko sa kanya... "The hell? Ano ka ba sa kanila? Hari? Tsh...sasagutin kita sa kahit anong gusto kong paraan at sisikuhin kita hanggang gusto ko" I hissed. Nakakainis kasi yung mga tingin ng mga bampira dito eh! Wala akong pakealam kung mga blood sucker sila, basta sakin, gagawin ko kung ano ang gusto ko. =___=

He laughed at umalingawngaw yun sa buong dining hall, tama, para itong hall sa sobrang laki! At yung tawa niya, bakit ang sexy? >///////<

Dahil sa pagtawa niya, napatingin ang lima pang bampira sa aming dalawa...

"Kayong lima, can you leave us alone for a while?"

"B-But..."

"Young Master, hindi po namin kayo pwedeng iwan sa babaeng iyan!" sigaw nung babaeng bampira. Ang ganda naman niya! Pero mukhang bitchy, ang sama ng tingin sakin kanina pa eh...

Magsasalita pa sana ang iba ng lumipad ang limang tinidor sa harapan ng limang bampira at tumusok iyon sa lamesa, nagulat kaming lahat sa ginawa ni Van...

"Hindi ba kayo makaintindi ng isang utos? Sa susunod na sasalungatin niyo pa ang gusto ko, tatarak na ang mga tinidor na yan sa sintido niyo" malamig na sabi ni Van. Nakakatakot siya, yung mga mata na kaninang gray ay naging pula at lumabas ang mga pangil niya...

"Patawad po" sabay-sabay nilang sabi at nagbow sa harap ni Van, tuluyan na silang lumabas ng walang nagsasalita...

Tumingin ako kay Van na ipinagpatuloy ang pagkain...

Sinuntok ko siya sa braso...

"Ang sama naman nung sinabi mo!"

"What? Eh sa ayaw ko na sila dito eh" at nagkibit balikat lang siya...

"Hindi ba sila nasasaktan sa sinasabi mo? Nagsisilbi sila sayo pero hindi mo sila binibigyan ng respeto"

"Noble Vampires are bound to serve me, bound to risk their lives to protect me and bound to stay at my side forever"

"Noble?"

He sighed "Sila ang mga kalahating bampira at kalahating tao na bampira, nabuhay sila para pagsilbihin ako"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!