Napakunot-noo naman kami sa sinabi niya at maya-maya ay sabay na napangisi kami sa kaniya na biglang napatakip sa bibig nang biglang naalala niya na ang sinabi niya.

"Walang lihim na hindi mabubunyag. " Anne

"Ikaw Waffle ah? May tinatago ka pala sa'min. Nakakatampo naman. " Neptune

"Magugulat na lang pala kami na isang araw ang sweet na ninyo ni Alyx kasi dalawa na pala kayo. May namamagitan na pala sa inyong dalawa. "

Napabuntong-hininga na lang siya at nangalumbaba.

"Fine! He's courting me. Exactly 1 month na ngayon. "

Nagulat naman kaming apat.

"Ang tagal na pala! Napakalihim niyo naman. Akala namin war pa rin kayo. The more you hate the more you love nga naman. "

Inulan namin siya ng tukso. Sumisimangot siya pero may munting ngiti na sumisilay sa mga labi niya. Ang makitang masaya ang kaibigan ko, sapat na sa'kin.












Dumaan ang mga araw araw hanggang sa sabay kaming namili ng mga gagamitin namin para sa lunes. Bumili kami ng tent, extra sweaters, emergency needs at mosquito protection.

Lunes at nandito na kami sa school parking lot. Alas singko pa lang ng umaga kaya medyo malamig pa. 30 minutes na lang at makakaakyat na kami sa bus.

Nakaupo kami sa semento at ang mga katabi ko ay magkasandig at mg tulog na. Rinig ko pa nga ang mahihinang hilik nila.

Kasalukuyang nagso-scroll ako sa newsfeed ko sa Facebook nang biglang may tumabi sa'kin.

Si Khirro na naka-black hoodie at may malaking itim na bag sa gilid niya.

Hindi na ako nakaiwas nang bigla niya akong tingnan. Mga limang minuto siguro kaming nagtitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin nang bigla kong naalala ang confession ko.

"Good morning"

Pakiramdam ko mas lalong lumamig ang paligid dahil sa kabang nararamdaman ko at nagpa-panic attack ako everytime na pabigla lang siyang magsalita.

"G-Good morning din. "

I saw him opened his bag at may kinuhang silver tumbler.

"Are you cold? "

"Medyo"

Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko at pinahawak sa tumbler na hawak niya. Mainit ito pero hindi naman nakakapaso.

"Hold it. "

"Okay lang ako. Mas kailangan mo 'yan. "

"Do I look like I'm cold? Just hold it bago pa lumamig. Wala kang dalang extrang jacket? "

"Meron, nasa bag. "

"You should double the jacket you're wearing. We're climbing a mountain so expect that the temperature is freezing. "

"Sige. Dodoblehin ko mamaya sa bus. "

Tumango siya at naagaw ng tumbler ang atensiyon ko.

"Anong laman nito? "

"Coffee"

Agad na napatingin ako sa kaniya.

"Edi dapat na inumin mo pala to bago pa lumamig. "

Binigay ko ulit ito sa kaniya at salamat dahil hindi na siya umangal pa. Binuksan niya ito at uminom.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagmasid sa langit na unti-unti nang nagkukulay orange dahil sa sunrise.

"Who's with you last time? "

I look at him. He's busy observing the coffee inside the tumbler but I know he's listening.

"Last time? "

"Yes, the guy. You rode in his car last time. "

"Ah... Si Dark? Well he's a good friend. "

"How long have you known each other? "

Hindi ko alam na may pa Q & A pala siya ngayon. Hindi man lang ako nakapaghanda.

"Hindi naman ganun katagal. Kakakilala ko lang sa kaniya last time. "

This time humarap na siya sa'kin and I can see anger in his eyes.

"Bakit sumama ka agad sa kaniya kung kakakilala mo lang sa kaniya? "

"I trust him. "

"Still! You should not trust someone that easily. "

Hindi naman malakas ang boses niya pero bawat salitang binibitawan niya ay may diin.

"Anong ikinagagalit mo riyan? Kung tutuusin nga stranger rin si Athaliah, eh bakit magkasama kayo agad? "

"Because that's my responsibility as SSG President. "

"Then responsibilidad ko ring maging mabuting estudyante ng school natin. "

"You're not getting my point, Aestherielle. "

"Then I don't want to get your point, Khirro. "

Sasagot pa sana siya kaso kinuha na ng mga teachers ang atensiyon namin para pumila. Nakakapagtaka lang kasi ang bilis magsitayuan ang mga tulog kong kaibigan.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora