"Dalawang taon na siyang pinopormahan ni kuya at alam kona lumalabas labas sila pero kung ganon nga ang nakita mukhang mag aaway nga sila." Sabi ni Janine.


"Sana makinig sakaniya si Sunshine, ayaw kong nag aaway sila dahil lang saakin." Sabi ko at tumango siya.


"Dito na kayo matulog, tulog na tulog na tong anak mo. Mukhang  pagoda!" Sabi niya at tumango ako.


Hindi ako makaramdam ng antok kaya naman lumabas ako at iniwan ko si Janine at Reign.


Nag punta ako sa resort ko para mag pahangin at mag night swimming sa beach.


Naka upo lang ako sa dalampasigan habang naka roba dahil tapos na ako sa ngayon lumangoy at pinapanood ko na lamang ang alon at pinag mamasdan ko bituin at buwan.


Paano kaya kung hindi ako na aksidente? Paano kung hindi ako nakidnap? Paano kung hindi ako naapektuhan sa mga nangyayare? Ganito pa kaya ako ka tatag ngayon? Hindi ko mapigilang mapa tanong lalo na ngayon dahil kahit papaano ay gusto kong mabigyan ng pamilya ang anak ko. Kahit hindi na namin mahal ni Reigner ang isa't isa basta lang makilala siya ni Reign ay masaya na ako.


Ayaw kong lumakeng walang ama ang anak ko, gusto ko maging masaya siya pero paano ko naman gagawin yon kung yung ama niya ay magpapakasal na sa iba at higit sa lahat ay may mahal ng iba?


Niloko ba talaga ako ni Reigner? Hindi ko alam kung bakit tinatanong kopa ito kahit ako mismo ang naka kita na may kahalikan siyang iba.


Nagulat ako na mayroong tumabi saakin kaya naman napa harap ako.


Si Sunshine iyon na lumuluha.


"Bes, hindi ko ba deserve ang mahalin ng tutuo?" Lumuluha niyang tanong sa akin.


"Bes naman, wag mo namang sabihin yan. Deserve mo ang mahalin ka, deserve mo." Sabi ko at niyakap siya.


"Eh bakit ginawa akong rebound ni Ivan? alam ko naman na una palang ikaw talaga ang mahal niya eh, alam ko naman sa sarili ko na kapag pumasok ako sa ganitong relasyon sa kaniya ay masasaktan ako eh dahil alam kong hindi ka niya makalimutan pero kasi gustong gusto ko siya eh. Mahal ko na nga ata siya na kahit hindi niya ako mahal okay lang saakin eh kaso ang sakit pa rin eh! hindi ko mapigilan na masaktan kasi katangahan ko ito!" Sabi niya.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo na ganito kasakit sa kaniya ang nangyayare, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ganito ang sitwasyon naming dalawa.


"Dapat pala una palang lumayo na ako kasi masasaktan ako ng sobra. Alam mo ba nuong nakita ko kayo kanina para akong binuhusan ng malamig na tubig, dumating na yung oras na kinatatakutan ko.  Natatakot akong makita ko mismo sa mga mata ko na niloloko at ginawa lang akong rebound. Pilit akong nag bubulagbulagan kasi mahal ko siya pero mukhang tama na ata eh kasi nasasaktan lang ako na nakikitang napipilitan lang siyang mahalin ako dahil naaawa siya sa akin na gustong gusto ko siya." Sabi niya pa at humikbi ng humikbi.


"Mahal ka niya sunshine, maniwala ka saakin dahil alam kong mahal na mahal ka niya." Sabi ko pa pero umiling iling lang siya.


"Hindi niya ako mahal dahil ikaw ang mahal niya. Ayaw ko sa lahat ang kinaaawaan ako, ayaw ko na pinipilit lang ang sarili saakin pero yung dalawa nayon ang ginawa niya sa akin. mahal ko siya pero tama na, kung naka tulog ako dahil sa pagkagusto ko sakaniya pwes ngayon gising na gising na ako." Sabi niya.


"Hindi ka man lang ba hihingi ng explanation sa kaniya?" Tanong ko at umiling siya



"Alyanna, sana pag balik ko ay kilala mo parin ako ah." Bigla niyang sabi at nagising ang buong diwa ko.


"Anong sinasabi mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.


"Kailangan ako sa singapore dahil may conference kami roon sa trabaho, baka hindi na muna ako bumalik at doon na muna. Promise pag balik ko okay na ako."


"Kailan flight mo?" Tanong ko.


"Next week pa sana pero aalis na ako ngayong hating gabi, Pinuntahan kita dito para mag pa alam sayo." Sabi niya at tumayo na.



"Babalik ako Alyanna at sana sa pag balik ko ay maayos na ang buhay mo. Sana sumaya ka na dahil yun ang wini-wish ko para sayo!" Sabi niya at tinalikuran na ako.


Mabilis kong kinuha ang cellphone ko.


Ako:


ivan , habulin mo si sunshin! fuck aalis siya ng bansa!! habulin mo siya please kung mahal mo talaga siya!!



Mabilis na nag reply si ivan.


Ivan:


fuck fuck fuck, thank you alyanna! 



Ako:


please habulin mo siya! nag mamakaawa ako sayo!




Ivan:


i will dahil mahal na mahal na mahal kosiya at papatunayan ko sakaniya yon buong buhay ko.


Binaba ko na ang cellphone ko at sinapo ang noo ko.


Naramdaman kong may tumabi muli saakin kayanaman humarap na ako kaagad.


"Sunshine!" Tawag ko pero hindi siya ang nakita ko.


"Alyanna." Si Reigner habang pulang pula ang kaniyang pisnge dahil sa kalasingan.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz