"Alek... what is happening?" Naguguluhan kong tanong. He opened his tearful eyes and look straight at me. For some reason, my eyes started getting wet with tears.


Umiling lamang siya at pumikit ng mariin. Mas maraming luha ang lumandas sa kanyang mukha dahil roon.


Pinilit kong tatagan ang sarili. I'm on the verge of tears already. Kahit na nangangatog ako sa takot at unti unting nanghihina ay patuloy ako sa pagsasalita.


"Where's C-Clade? Please don't tell me that something bad happened again..." halos magmakaawa ako.


But his reaction just made me feel more terrible. He cried out loud and then I heard the others cry too.


Inangat ni Alek ang kamay niya at tinuro ang kanan ko. Lumingon ako doon at nakita ko ang aking asawa na nakasalampak sa sahig at tulala. Nakasandal ito sa sofa na bahagyang natatakpan ng isang mesa malapit rito kung kaya't hindi ko siya agad napansin.


I have no idea what happened, but seeing my husband in this state really broke my heart. Nakatingin lamang siya sa malayo na tila ba wala kami rito sa paligid niya. His face is void of emotion. I can't tell how much he is feeling right now. He just looks helpless...


I ran to him and knelt in front of him. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Mula sa pagtingin sa kawalan, dahan dahang tumama ang mga mata niya sa akin. Still, his face remained emotionless. Na para bang hindi niya ako kilala ngayon.


"What happened?" I whispered. "Please... talk to me."


Kumurap lamang siya. Ni wala akong makitang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak. Hindi siya nagdadalamhati. Hindi siya malungkot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.


"C-Clade?" I called his name with my trembling voice.


A few more seconds and he's still in the same state. I don't know what to do, so I just hugged him. Nanghihina ako nang yakapin siya. Ramdam ko ang parehong panghihina ng kanyang katawan. Tila nawalan ito ng buhay.


I cried on his shoulder, while trying to tighten my hold of him. I don't want him to be like this. Dahil kasabay ng panghihina niya ay ang panghihina ko rin.


Ilang minuto ang lumipas na umiiyak ako sa kanyang balikat ngunit ni hindi niya nagawang yakapin ako pabalik. This is not my Clade. I know... because he is lost right now.


Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha. When I looked at his face, it's like a million knives struck my heart again. He's still not crying. He's still emotionless.


Bumaling ako kina Alek. Hindi ko napigilang magtaas ng boses. "Tell me what the fuck happened!"


Kita ko ang bahagyang pagtalon nila dahil sa pagsigaw ko. Ngunit nanatiling iwas ang kanilang mga mata sa akin. Si Alek ay patuloy sa pagluha habang nakatingin na rin sa kawalan ngayon.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now