Chapter Twenty-Nine - Confrontation

37.5K 847 15

        Ilang linggong hindi nagpakita si Fabio kay Cheng. Ni hindi rin ito tumawag o nagparamdam sa text. Nalungkot ang dalaga pero ayaw naman niyang unahan ito sa pakikipagbati. For her, wala siyang kasalanan. Mas dapat ngang ito ang humingi ng dispensa dahil pinagmukha siyang tanga doon sa party ng mga magulang.

       "Nami-miss mo rin siya, ano?" kantiyaw sa kanya ni Cara. Saglit siyang tinitigan nito sa pagitan ng paghigop ng kape. Nasa Starbucks sila sa ATC noon. Naghihintay kay Debbie. May usapan kasi silang tatlo na dumalo sa birthday party ng darting kaklase sa law school.

        "Hindi no!" mabilis na depensa ni Cheng. Dinampot niya ang mug at tinuon doon ang pansin.

        Tumawa si Cara.

        "Masyado ka namang defensive. Okay lang iyan, ano ka ba? Kahit na may pagka-childish ni Fabio, he was a good lover naman, di ba?" biro pa nito sabay kindat sa kanya. Pinandilatan ito ng dalaga.

        "Hi girlfriends!" humahangos na bati sa kanila ni Debbie sabay halik sa kanilang pisngi. "Sorry, na-traffic lang. Pasensya na. May oras pa naman tayo, e. Sabi ni Mariel alas sais impunto daw magsisimula ang party niya."

        "Traffic daw," panggagagad sa kanya ni Cara. "Ang sabihin mo halos ayaw kang pakawalan sa kama ng manyak mong boyfriend."

        "Ang bunganga mo! Pambihira naman ang babaeng ito," naiinis na sagot ni Debbie sabay lapag ng shoulder bag sa mesa nila.

        "Totoo naman, di ba? For sure, nag-anuhan na naman kayo bago ka pumunta dito. Aminin," patuloy pa ni Cara. Nilapit pa ang mukha kay Debbie. Imbes na mainis, ngumiti na lang nang ubod-tamis ang huli. Hindi na sumagot.

        Napsulyap si Cheng sa kaibigan. Ngumiti siya nang pilit para hindi mahalata ng dalawa na nami-miss niya nang todo si Fabio. Aminado siyang hinahanap-hanap niya ang lalaki lalo na kapag nag-iisa siyang natutulog sa gabi. Nang sila pa nito, halos araw-araw din kung gawin nila iyon.

        Tumayo saglit si Debbie at nagpaalam sa kanila. O-order daw muna siya ng kape. Mamaya na lang daw sila aalis para pumunta sa party ng kaibigan. Si Cara lang ang sumagot sa dalaga. Tahimik pa rin si Cheng. Nilalaru-laro niya ng daliri ang hawakan ng mug niya.

        "Ikaw naman kasi kung bakit tumigil ka sa trabaho. Sana kung busy ka sa work hindi mo siya masyadong maiisip. Mahirap ding binuhos mo na sa kanya ang lahat, ito pa ang nangyari. Ayaw mo na ba talaga bumalik sa dati mong trabaho?" si Cara ulit.

        "Hindi naman sa ayaw. Pinapalipas ko lang ang nangyari. Masyado pang masakit iyon para sa akin. Okay lang muna itong pagpa-part-time teach ko sa law school. Naaaliw din naman ako."

        "Iba pa rin ang mag-practice. Ikaw rin ang nagsabi dati na iba ang fulfillment ng actual na nagtratrabaho sa korte kaysa magturo."

        Buntong-hininga lang ang sagot ni Cheng.

        "Tsaka ang pagkatalo ay bahagi ng pagiging abogado. Natural lang iyan. Hindi mo dapat iniinda. Mas masahol pa diyan ang nangyayari sa iba."

        "Iba naman ang kaso ko, alam mo iyan. Pinaasa niya ako, nilansi. Kung hindi niya ako pinangakuan marahil ay hindi ako nawalan ng momentum."

        "Dapat kasi hindi ka naniniwala. Although I've always been vocal about my fondness for Fabio, hindi ko siya lubusang pagkatiwalaan sa mga ganoong bagay kahit na nangako siya. Alam mo namang mayroon din siyang interes doon, di ba? I'm not saying that he did it intentionally to ruin your plans pero alam mo na. Kompanya pa rin niya ang kalaban mo kasi. Dapat sana nag-ingat ka rin."

Beyond Reasonable Doubt (SPG - COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!