Chapter 14: Si Rebecca?

1K 44 3
                                                  

×PATRICIA×

Buti naman at okay lang si Hailey, masaya ako dahil okay lang sya.. Pero, may kaba sa sarili ko. Alam kong hindi tatagal ay mawawala rin kagad si Hailey. Dahil alam ko namang hindi papayag yung killer na makilala sya e.

Kinuwento samin ni Warren yung mga nanyari nung camping, at halos atakihin ako sa takot, sorry OA pero seryoso ako. Alam kong hindi basta basta nasuko si Hailey sa kahit na ano, pero ngayon? Napansin ko yung kabaitan nya.

Sumuko sya dahil kaya saming lahat? O dahil lang kay Warren? Ah basta, dahil sa ginawa ni Hailey pinakita nya samin na may naitatago pa pala syang kabutihan.

Andito nga pala kami sa bahay ni Lucy. Kami kami ang nasa bahay ni Lucy.. Sina Warren, Wendell, Matthew, Andy, Tory, at yung mag bestfriend. Nanonood lang kami ng pelikula..

Naaatat na akong magkwento sa past....

"Anong magandang pelikula?" Tanong ni Lucy habang naniningin ng DvD sa sahig sa tapat ng malaki nilang TV. "Horror, Action, Suspense, Comedy o Romance?"

"Horror" -Matthew

"Horror" - Andy

"Horror" - Tory

"Action" -Warren and Wendell

"Suspense" -Mirae and Mirella

"Comedy" - Ako

"Romance" - Lucy

Nagakatinginan kami, tapos nagbigay ng bored look si Lucy sa pumili ng Horror.

"Ano ba yan, horror na nga nakikita natin sa school, horror pa ba dito sa papanuorin natin?"

"Nasa pagpipilian e." Pamimilosopo ni Matthew.

Sinamaan sya ng tingin ni Lucy na binawi rin at nilingon kami. "Tama comedy na lang.." sabi ni Lucy at nilalabas na yung CD ng pigilan sya ni Andy, kaya nilingon namin si Andy.

"Ayaw nyo yun? Baka nga makatulong pa satin yung horror na yan para mas mapadaling malaman kung sino ang killer.."

May point dun si Andy...

"Pero Ands, magkakaiba ang kwento ng atin sa pelikulang meron ako." Sagot naman ni Lucy.

At para na kaming nanonood dito ng flip top battle, grabeng sagutan to ah. HUWAGAS. XD

"Fine! Horror!" Sabi ni Lucy habang tinataas yung dalawa nyang kamay palapit sa TV saka nya binaba at nilagay na yung CD dun sa may basta. XD

Nangangalahati na kami sa pelikula nung nagkasigawan kami sa takot, hanggang sa may panira ng mood dahil pi-nause naman nitong si Warren yung pelikula.

"Bakit pina--"natigil sa pagsasalita si Wendell, ng humarap si Warren kay Mirella at Mirae na takot na takot.

"Mirae, Mirella yung sa past.." panimula ni Warren sa ibang topic. At nagkaroon kaming lahat ng katahimikan,

'Magaalaman na ba?'

"Uy Warren, wrong timing ka naman--"

"No Lucy." Saka uli nilingon sina Mirae at Mirella, magkahawak ang kamay. "Mirella and I, nagkaroon kami ng past.."

Nagaktinginan ang magbestfriends, nanlalaki yung mga mata sa gulat, nilingon ulit nila si Warren.

"Hanggang sa nabalitaan kong, nawala sya ng saglit...Kaso tumagal kaya halos ikamatay ko yung hindi nya pagbalik." Nilingon ni Warren si Mirella na binawi rin naman. "At nung bumalik sya, wala syang alam sa nanyayari dahil nung nakilala ko sya.. nung naging kami, ng patago.. Walang namamatay samin."

"Naghiwalay na lamang sila nung nabalitaan ni Warren ang paglayo ni Mirella.. Yun ay dahil sa, si Mirella ang unang nakabalita na magiging kapatid nitong si Mirella si Warren. Sobra silang nasaktan sa isa't isa... nagmahalan sila na yun pala magiging magkapatid lang.." sakin naman sila tumingin.

At kay Warren. "Dahil dun, naging mag step sister and step brother kami. Bumalik sya nung naayos na ang lahat.. Namatay kasi si Daddy e, kaya nung nakahanap si Mommy ng iba, may anak na sa iba yung asawa nya na namatay rin yung asawa. Pero, nagkahiwalay rin naman ang pamilya namin, dahil sa misunderstanding.."

Napahilot si Mirae sa noo.. "wait. Bakit kinu-kwento nyo sakin yung personal--"

"Mirae, kailangan kasi e. Maaasahan ka." Tumango tango lang si Mirae, at pinagpatuloy na ni Warren yung kwento.

"At meron rin kayong hindi pa alam guys." Singit ni Lucy.

"A-ano?" Tanong ni Mirae habang patingin tingin samin..

"Mababaw pero sasabihin ko parin. . ."

×MIRAE×

Pwedeng wag nyo na lang sabihin? Ayaw ko talagang may malaman, mamaya kasi masaktan lang ako. Mamaya MAY masaktan ako.

"Kayong lahat, wala pang alam dito...Kinuwento satin ni Jason ang tungkol diba sa pagbabago ni Reb?"

O---kay? Nakakatakot na.

"Nung iniiwasan diba ni Reb si Mirae napansin natin yun diba?" Nagtanguhan kami. "Ugh. Si Reb.....Napagutusan lang sya kaya please Andy, w-wag kang magwawala... Please Andy,"

Ay hala, mas nakakatakot na to, nagyayakapan na kami ni Mirella sa takot, nainteresado tuloy si Andy kaya lumapit kay Lucy na may masamang tingin sa kanya.

"Ituloy mo..."

Nagbuntong hininga si Lucy at pumikit. "Si Reb...Si Reb, s-sya kasi yung. . Napiling gawin yung b-bagay na yun e. Ano..kasi s-sya--"

"Bilis naman Lucy!" Inis na sigaw ni Andy.

Nagsimula ng magpatakan yung luha ni Lucy, at mabilis na napasagot sa takot. "Si Reb ang pumatay kay Kathy."

"ANO?!"

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon