ORF-11(The Caller)

Magsimula sa umpisa

"Hello." Sagot ko.

"[Hello,nandiyan ba si Allison?]" Tanong kaagad ng nasa kabilang linya. Nagsusuplado pa ito.

"At bakit? Sino ba ito, ha?" Mataray kong sagot.

"[Goddamn it.Tinatanong ko kung nandiyan si Allison,Jasmine. Kaya sagutin mo ang tanong ko.]" Tumaas pa ang boses niya. Kung makasigaw naman ito. Napakunot noo ako ng maalala ang boses na ito. "[Oh bakit nanahimik ka diyan?]" Untag nito sa akin.Bakit niya nalaman ang number ko?Di ko naman binibigay yun sa kanya eh.

"Kevin?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko pa si Allison pero tulog na ito.

"[Mabuti naman dahil naalala mo ako.Akala ko ganun lang kadali sayo ang ginawa kong torrid kiss sayo?]" Narinig ko pa ang pag-smirk niya.Paano ko malilimutan yun eh na-miss ko nga. Loko talaga to ang konsensiya ko.Sagot ng sagot eh.Hihi!

"Bastos!" Kunwaring sigaw ko sa kanya. Pwede bang maulit yun? Ayan na naman ang konsensiya ko.Di naman safeguard ang gamit ko ah.Safeguard lang kasi ang sabon na mayroong konsensiya sa commercial. Haha!

"[Gusto mo rin naman yun eh.Kaya wag kang mag-iinarte.]" Sarkastikong sagot nito. "[Kaya ibigay mo na kay Allison ang phone dahil kakausapin ko siya]" Dugtong pa nito.

"Kung tungkol lang din naman kay Zachary na best friend mo, well sorry.Tulog na siya dahil napagod sa kakaiyak diyan sa kaibigan mong walang puso." Inis na singhal ko sa kanya. Nalaman ko rin kay Allison na best friend pala ni Zach si Kevin.

"[Hoy babae! Ibigay mo kay Allison ang phone dahil magpapakamatay na yata si Zach dito sa bar dahil sa kalasingan.]" Paliwanag niya.Kaya pala maingay eh.

"Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na magpakamatay na siya para maging masaya na ako." Sagot ko.Nainis kasi ako kay Zach na iyon.Pagkatapos niyang saktan ang kaibigan ko ay magpapakalasing?Ano to,gaguhan?

Pinindot ko ang end button ng phone ko at in-off.Bahala ang Kevin na iyon.Naisipan lang akong tawagan dahil sa problema ng dalawang ito. Kainis talaga.

Kung gusto ni Zachary na magpakamatay eh de magpakamatay siya. Isama niya na rin ang walang kwentang Kevin na iyon.Kainis talaga yun.

Pisting Kevin.Di tuloy ako makatulog sa kakaisip sa kanya.Hindi ah.Di ako nag-iisip sa kanya.

-----------------------------
Kevin's POV

Ng dahil sa problema ng Zachary na ito ay dinamay pa ako.Mahal niya naman kasi si Allison pero ang daming drama sa buhay.Nababawasan tuloy ang pangbabae ko.

Kakarating ko lang dito sa Manila tapos ganito na sila ka-gulo ni Allison.

Pero kahit babaero ako,di ko naman magawa na di sila tulungan.Pareho ko silang mga kaibigan.Naranasan ko rin ang umibig ng minsan.At yun ay si Miesha.Si Miesha ay best friend ni Zach.At dahil dalawa kami ang nagkagusto ni Javier sa kanya,nagkaroon din kami ng away ni Javier.Pero wala akong magawa kundi ang magparaya kay Javier na pinsan ni Allison.Siya ang mahal ni Miesha.Siya ang pinili ng babaing akala ko minahal ko ng totoo. Pero ang gago,niloko lang din si Miesha.May asawa na pala siya.

Napabuntong hininga na lang ako.Ganito talaga pagdating sa pag-ibig.Maraming problema. Kaya hanggat maaari ay ayokong umibig.Pero bakit sa tuwing sinasabi ko yan ay nakikita ko ang naiinis na mukha ni Jasmine?Takte!Anong mayroon sa babaing iyon?

Tinawagan ko siya ng hindi na kaya ni Zachary ang kalasingan.Amputs! Gusto na yatang magpakamatay eh.

Pero hindi ako nagtagumpay dahil ang pagsusungit ng babaing iyon ang nasumpungan ko.Parang sa tuwing nagkikita kami ay may regla.Ganun daw kasi ang babae kapag may dalaw.Nagsusungit.

Nagulat pa nga ako ng pinatay niya ang phone niya.Nakailang dial din ako pero hindi na nagri-ring.Dinekwat ko pa naman yung number niya sa mesa niya.

Kaya napagpasyahan kong ihatid na lang si Zach dahil nakatulog na ito.


-----------------------------
A/N: waaaahhhhhh...sorry po.Di po ngayon maganda.Kailangan ko lang talaga ilagay ang pangyayaring ito.
Next po ay... basta. Level up na ang kanilang buhay.At ako ang nae-excite.hahaha!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!