Tatlumpu't lima

87.8K 3.9K 698






TATLUMPU'T LIMA



"At do’n na natatapos ang mahiwagang buhay ni Jenny kasama ang mahiwaga pero kaderder at lumang arinola na pinanggalingan ng pinaka-yummy na may pak na pak at bet na bet na abs at v-line na si Laxus," huling pagku-kuwento ko sa mga bata nang matapos ko nang i-kwento sa kanila ang naging mahiwagang buhay ng nag-iisang taong si Jennyvib at Jenny noong unang panahon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maging emosyonal dahil parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyun. Fresh pa rin ito sa aking isipin dahil hinding-hindi ko ito kailan man makakalimutan.

Napasulyap ako sa mga batang nasa harapan at napansin kong umiiyak na ang iba sa kanila. Si Jelly hindi na napigilan ang kanyang mga luha dahil patuloy na ito umaagos sa kanyang musmos na mga pingi. Tumutulo na rin ang kanyang sipon. Kadiring bata. Si Lance naman nagpipigil pa rin ng luha niya dahil siguro'y iniisip niya na lalaki siya kaya dapat hindi siya umiyak.

"Lola Ariesa, hindi naman po happy ending ang kuwento niyo, e," pagmamaktol ni Lance. "Sabi niyo po happy ending? Ang lungkot-lungkot po kaya."

Nginitian ko siya. "Apo, kung hindi mo nagustuhan ang ending, e 'di, umisip ka ng sarili mong kuwento. Bigwasan kaya kita riyan?" Tumawa ako. "Charot lang, apo ko," sabi ko. "Iba-iba ang bawat tao sa definition ng happy ending. Ang masaya sa akin maaaring malungkot para sa inyo at iyung malungkot naman para sa akin masasabi kong masaya para sa inyo. Ang bawat tao sa mundo ay iba ang takbo ng bawat utak, Lance, apo." Gusto ko pa sana siyang irapan kaso h'wag na dahil bata pa lang si Lance. Ayoko ng maging mataray sa edad kong ito.

"E, paano niyo po nasabing happy ending ang Jenny And The Magic Arinola, Lola Ariesa?" dagdag na katanungan ni Lance.

"Dahil hindi naman na natuloy ang propesiya. Hindi na winasak ni Jenny and mahiwagang mundong pinanggalingan ng lalaking minamahal niya," sabi ko. "Natapos ang delubyo na nangyari sa Florea dahil na-realize na ni Jenny na walang magandang maidudulot ang kanyang paghihiganti. Hindi rin nagustuhan ni Laxus ang ginawa niya kaya tinanggap niya sa sarili niya na mali ang paghiganti. Walang magandang maidudulot ang paghihiganti at galit na nabubuo sa puso ng tao, Lance," dagdag ko pa. "Happy ending ang kuwento dahil maluwag na tinanggap ni Jenny ang pangyayari."

Napatango-tango si Lance saka naman si Jelly ang sunod nagtanong. Pinunasan niya muna ang uhog na nagkalat sa mukha niya bago magsalita. Kaderder na bata talaga 'to.

"E, Lola Ariesa, ano na po ang nangyari kay Jenny nang bumalik na siya sa normal? Nagkapag-asawa pa po ba siya? Nagkaanak? Ano po?" sunod na sunod na naman na tanong ni Jelly. Bibigwasan ko na 'tong ba na 'to, e. Daming questions, kalurks.

Binaling ko sa kanya ang matatanda kong mga mata. "Pinagpatuloy ni Jenny ang normal niyang buhay. Nag-aral at nakapagtapos. Nang grumaduate siya't nagkaroon ng trabaho, binayaran niya ang tiyahin niyang dragona. Ilang sako rin ng tig-pipiso ang binayad niya rito. Dahil sa kakabilang, naloka ang dragona niyang tiyahin kaya ‘ayun, na-stroke at namatay." Natawa ako dahil naalala ko ang nangyari kay Antie ko noong araw. "Hindi na rin nag-asawa si Jenny dahil walang lalaki siyang nakilala na lalagpas sa katangian ni Laxus."

"Wala po siyang nakilala na mas mabait kay Laxus?" entrada ni Lance.

Umiling ako. "Hindi. Wala siyang nakilala na higit na mas maraming abs at pak na pak na V-line gaya ni Laxus," sabi ko. "Gusto ni Jenny kung mag-aasawa siya, gusto niya 'yung mas marami ang abs kaysa kay Laxus. 'Yung tipong hanggang mukha nito at batok may abs din. E, kaso 'wala siyang makilala na may gano’n, kaya ‘ayun, single forever si Jenny. Tumanda siyang dalaga."

"Tumanda po siyang dalaga na wala pa ring boobs?" tanong naman ni Jelly kaya nagtawanan ang mga batang kasama niya. Malapit ko na talaga 'tong sungalngalin, e. Kaunting-kaunti nalang.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!