baGAYto #8: "Ang Mensahe ng Magic Paper"

Magsimula sa umpisa

“Magulpi? Ooo gusto ko rin naman yun. Magulpi ng pagmamahal mo”

“Buysit!”—Sabay pitik nito sa aking noo. Shit ang sakit!! Then dumeretso na ito papasok sa loob. Hmmmmm ang sweet talaga ng Dam Dam ko, alam kong isa lang yun sa palihim na paglalambing niya sa akin. Yung pagpitik niya sa forehead ko.

Parang inisniper ako ng isang eraser mula sa malayong distansiya. Howw Sweet kahit Masakit :)

Iniwan ko na rin siya habang nakikipag-usap ito dun sa lalaking nagbabantay. Mukhang di naman beki si kuya kaya no to worry. “See you later nalang Dam Dam ko Muahh..”--mag-isa kong sabi.

Habang naglalakad naman ako papunta sa sakayan ay may nakita akong nagkukumpulan na mga kabataan, mga kaedad ko halos ang naroroon. Anong meron? Matignan nga..

Sumiksik talaga ako para makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Bumungad sakin yung mga papel na nakalagay sa garapon. Bumubunot yung mga nagbabayad ng sampung piso ng papel dun sa garapon na nasa harapan ng parang manghuhulang babae.

Meron din kaseng bolang kristal na nasa harap ng lamesa. Manghuhula nga siya! Parang muslim ito na nakabalabal din ang tela sa bahaging ulo. Parang ninja rin na mata lang ang labas.

Pagkatapos makuha yung piraso ng papel ay nilulublub yun sa tubig na nalagay sa isang mababaway na triangular plate. “Sampung segundo mga ineng..”, sabi ng manghuhula.

Pagkatapos ng sampung segundo ay sabay sabay pinulot ng mga babae yung mga papel nilang nilagay sa tubig. Parang di natunaw yung papel bagkus ay nagkaroon ito ng mga salita, may sulat na lumitaw sa bawat piraso ng papel.

“Lumipas ang isang linggo, makikita mo na ang dahilan ng pagkakaroon ng forever sa buhay mo”

Sabay sigaw nung isang babae habang binibigkas ang mga katagang yan sa mga kaibigan niya. Hala Uhmmmm totoo kaya yun?

Astig may lumalabas na mensahe sa mga papel! “Madam Taring .. thanks po! Hope na dumating na nga siya after a week”, sabi ng babae sabay lakad na papalayo kasama ang kanyang mga babaeng kaibigan.

“Sus kalokohan..”, sabi naman nung iba pagkatapos mabasa yung mensahe nung nasa piraso ng papel nila.

“Madam Taring ako rin po!”

“Ako din!”

Sunod-sunod na yung naglalapitan, halos mabundol nila ako dun sa aking kinatatayuan. Inaangat ko naman yung dala kong paper bag’s para di ito mapahamak sa mga balasubas dito sa paligid.

“Ako din po!”, Sumiksik na rin ako para kumuha ng kung ano mang papel yan! Gusto ko siya matry..

“Isa-isa lang..”—Mahina at napakamisteryosang wika ng babaeng nakabalabal. Pero di parin mapigilan ng lahat yung paggulo-gulo sa kanilang pwesto.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!