Man of my dreams

3.6K 24 6
                                    

Prologue...

Nasa ilalim ako ng puno. Ang saya tumambay dito kasi ang sarap ng simoy ng hangin. Wala ako sa probinsya pero ang tahimik dito. 

Sa lugar na to, napakapayapa ng pakiramdam ko.

Ewan ko ba. Pero satisfied ako sa lugar na to. Ang ganda kasi. Eto ang paradise ko.

Dito, ako lang ang bida. 

Wala akong kaagaw. 

Lalo na sa mahal ko...

Nagulat ako ng biglang nagdilim ang paningin ko. TApos may nagsalita mula sa likod ko.

"Who am I?" Sabi ng tinig na iyon.

"Hmmn. Tama na nga yan. Dito ka na lang umupo sa tabi ko Mico." Tapos, inalis ko yung kamay niya na nakatakip sa mata ko.

Umupo siya sa tabi ko. Tapos, inakbayan niya ko.

"Lhia, I love you so much. Gusto ko, dito ka lang sa tabi ko. Wag kang mawawala ah." Tapos, kiniss niya ko sa cheek.

Kilig mUch! Ubeerr!!

"Yes! I prom----" 

****

"BANGON GISING! TARA TAYO NA!!"

Nagising ako sa ingay na yun ng T.V namin.

Ang ganda na nga ng panaginip ko eh. 

Kainis naman!!

"Lhia! Bumaba ka na dyan! Malelate ka na!" Si Mommy yun. 8:30 na. 10:30 ang klase ko. 

"Yan na po! Pababa na!" 

Haay!! Kainis talaga. Kung kelan naman masaya na kami ni Mico. Buhay talaga.

Boyfriend ko si Mico. At sa gabi lang kami nagkikita. Busy kasi ako pag umaga. Haha. Choz.

Lhianna Sandoval ang name ko. 17 years old. Highschool student. Masaya ako kay Mico kahit sa gabi lang kami nagkikita. Mahal ko na ata siya eh. Sobra. Mahal ko siya kahit sa panaginip ko palang siya nakikita. At nasasabik na ko na mameet ko siya sa personal.

Eh, what if totoong tao siya?

Mainlove naman kaya siya sakin gaya ng ipinaparamdam niya sa akin sa panaginip ko? 

Ahhh ewan!! Basta ang mahalaga, I have a boyfriend. Kahit sa panaginip lang. hehe.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Panibagong story ulit. hehe.

(Sana magustuhan niyo itong isang to. :) )

Hindi naman kasi ko writer talaga. 

Ewan ko ba kung bat ako naaakit magsulat..

whew..

Comment po kayo. Salamats.. 

Man of my  dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon