Chapter 17

3.9K 194 76
                                    

"How are you, Sairyl?" Sinilip ko siya mula sa gilid ng aking mga mata upang subukang alamin kung anong balak niya o nais niyang mangyari sa tanong niyang 'yon ngunit wala akong makitang dapat ikabahala sa aksyon niya. Nakatungo lang siya, nakatingin sa pagpatak ng ulan sa semento habang patuloy na nalalaglag ang upos ng kanyang sigarilyo. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.

"Kung may balak kang manggulo ulit sa buhay ko, please lang 'wag na, marami na akong iniisip para dumagdag ka pa." Itinaas niya ang tingin niya pabalik sa akin at ngumiti.

"Ang talas pa rin ng pananalita mo pagdating sa akin. Huwag kang mag-alala, totoo ang sinabi ko kanina sa loob, wala akong balak na guluhin kang ulit."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh? So bakit mo ako hinire sa kumpanya mo?"

Nagtaka siya, "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Umiling iling ako, "'Wag mong sabihin na-hire ako sa company ninyo accidentally? Just when you suddenly got back here in the country? Napakalaking coincidence, Cedric. I don't believe na nagkataon lang na naghahanap ako ng trabaho at isang HR head sa kumpanya ninyo ang nag-approach agad sa akin at hinire din agad ako."

"Hey, I swear I didn't have anything to do with that. I'm not involved sa pagkaka-hire mo. Our HR team probably saw your skills and that's why they approached you and yes, it's a coincidence that you got hired the time I got back here in the country. I wasn't even expecting to see you work for my company, I wasn't really expecting to bump into you. I never intended to actually look for you, I just wanted to work and finish the project here and go back to Australia right away."

"As if naman you'll expect me to believe that?"

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri, mukhang may frustration sa mukha niya. "It's fine if you don't want to believe me, I can't blame you for that. Just know that I'm not really going to bother you this time, I won't even talk to you unless it's work related if that's what you want. You wouldn't see me outside work. I will respect your space."

Ibinalik niya ang sigarilyo sa kanyang bibig at mayamaya lang ay nagbuga siya ng usok habang nakatingin sa madilim na kalangitan. "But I would just like to tell you that I'm really happy to see you again and I hope you're doing well. I hope you're happy. That's all I ever wanted to know and I'll be on my way."

Pinagmasdan ko ang mukha niya, talagang malaki na ang pinagbago niya. He looks so mature now, pati boses niya ay mas lumalim na kaysa dati. Ito na ba ang lalaking minahal ko dati? I can't even trace that immature, materialistic, selfish boy I once knew.

"Ayos lang naman ako." Mukhang nagulat siya nang magsalita ako. Ngumiti rin siya pagkatapos.

"I'm glad to hear that." Wala na siyang sinabi pagkatapos. Naging tahimik ang mga sumunod na minuto. Hindi ako mapakali at naitanong ko na bigla ang bagay na gumugulo sa isip ko simula nang makita ko siya.

"Hindi mo ba sinusuot ang singsing mo kapag nasa work ka?" Naguluhan siya sa tanong ko. "I mean people in the office think you're still single. Is Melody okay with that? Is she doing well?"

"I am single." Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. "We never got married. I told her everything, remember? Melody helped me postpone the marriage until I finish my degree in Australia so I can stand on my own once we tell our parents that we don't want to get married. I didn't get to be the successor of the Fontanilla Real Estate kaya I've worked my ass off to build my own company. And Melody, she's really doing well, she's managed to grow their company on her own, far more than what her parents had expected."

"Ah, I'm glad she's doing well." 'Yon na lang ang nasabi ko habang ifinocus ko ang tingin ko sa mga taong naglalakad sa basang kalsada.

"How about you? Are you . . . ." he pauses a bit, " . . . still with Brian?"

Tumango ako, "7 years."

"Wow, congrats. Kailan ang wedding? I hope you can invite me, I'd love to see you in a wedding dress."

Bigla akong dinala sa nakaraan nang marinig ko ang mga katagang iyon. When Cedric celebrated his 18th birthday, I asked him what his wish was after he blew the cake I bought for him. He whispered to my ear as he said the same lines he just told me today, "I would love to see you in a wedding dress someday."

"Sai?" Nag-space out siguro ako nang tawagin niya ulit ang pangalan ko.

"Ha? Yeah, sure. We should probably get back inside before they start looking for us."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok ng building, not waiting or looking back to see if he's following me. Ano 'yon, Sai? Bakit mo binabalikan ang nakaraan? Naka-move on ka na. Wala ka ng dapat maramdaman pa para kay, Cedric. You have Brian. Umiling-iling ako para alisin ang mga gulo sa isipan ko.

"Saan ka galing? Ang tagal mo naman!" Pagsalubong sa akin ni Hannah, nagkakatuwaan na ang lahat sa loob ng kwarto. Inabutan ako ni Hannah ng shot glass. "Tara na! Inom na!"

Kinuha ko ito at ininom agad lahat. Ibinalik ko ang baso kay Hannah para humingi pa na siyang ikinabigla nito. "Wow, hindi ko expect na lasinggera ka rin pala! All right, let's go!"

It's almost midnight nang matapos na kami sa kasiyahan. Tinanong ako ni Hannah kung gusto ko raw sumabay, sinabi ko na susunduin ako ng boyfriend ko kaya iniwan niya na ako sa pub. Nagsialisan na silang lahat habang naghihintay pa rin ako sa may hagdan sa labas ng building, hilong hilo na sa dami ng nainom. Umupo muna ako sa gilid ng hagdan.

"Ang tagal naman ni Brian." Sabi ko sabay tingin sa cellphone ko na 2% na lang. Ite-text ko na siya para tanungin kung nasaan na siya nang mabasa ko ang text exchange namin kanina. "Ah sh*t, hindi niya nga pala ako masusundo."

Pinukpok ko ang cellphone ko sa ulo ko, sa sobrang kalasingan ko nawala na sa isip ko na busy nga pala siya. Hindi rin ako makakapag-book ng taxi dahil lowbatt na ako. Tinignan ko ang kalsada sa harap ko. Umuulan pa rin, mas dumami ang taong naghihintay ng masasakyan.

"Ah sh*t talaga, as if makakuha ako ng taxi ngayon."

"Okay ka lang miss?" Itinaas ko ang tingin ko sa lalaking tumayo sa tabi ko, mukhang may katandaan na siya at napansin kong nakatingin siya sa bandang dibdib ko. Na-conscious ako dahil nakabukas ang unang tatlong butones ng puting shirt ko, agad kong tinakpan ito at tumayo. Hinawakan ko ang railing ng hagdan upang maibalanse ang sarili ko.

"Okay lang ako." Sinubukan kong idikit pa ang sarili ko sa gilid ng hagdan ngunit mas lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

"Sure ka? Bakit nag-iisa ka? Gusto mo ba ng makakasama?"

"O-okay lang ako!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit mas diniinan niya pa ang kapit niya sa akin at nilapitan niya pa ako lalo na halos magkadikit na kami. Natakot ako, bumalik sa isipan ko ang pangha-harass na ginawa sa akin ni sir Harvey. Gusto kong sumigaw sa takot ngunit hindi ako makagalaw at parang nawalan ako ng boses. Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa lalaki palayo sa akin. Nakita ko na lang siyang nakadapa sa sahig at si Cedric sa harapan ko.

"P*ta! Anong problema mo pare?" Sigaw ng lalaking gumugulo sa akin.

"Kitang kita sa CCTV ang pangha-harass mo sa kaibigan ko." Itinuro ni Cedric ang CCTV sa gilid ng building. Napatingin din dito ang kausap niya.

"Anong pangha-harass sinasabi mo? Tinatanong ko lang naman siya kung gusto niya ng kasama. Tsk!" Siguro ay natakot din siyang malaman na may CCTV pala kaya pinili niya na lang tumalikod at lumayo sa amin.

"Okay ka lang?" Tanong agad sa akin ni Cedric pagkaalis ng lalaking nanggugulo.

Tumango lang ako habang naramdaman ko na lang tumulo ang mga luha ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa mga nangyari.

"Hey, are you really okay? Did that guy do something to you? T*ngina! Stay here, I'll get him and report him to the police." Hahabulin niya sana ito pero napahawak ako sa damit niya para pigilan siya.

"Please stay, I'm not okay."

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon